bc

Taming the Witch

book_age18+
149
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
powerful
CEO
witch/wizard
bxg
campus
city
office/work place
witchcraft
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Galing sa mundo ng mga tao ay napunta si Yu'er Marquis sa mundo ng binabasa niyang libro. Nabasa na niya ang laman ng buong libro kaya labis ang takot niya nang magising siya sa katawan ng antagonist sa libro na kanyang binabasa.

Dahil sa pagmamahal nito sa pangunahing tauhan na si Rio Austria-ang gwapo at mayaman niyang kaklase, ay kamatayan ang kinahantungan niya sa storya. Bawal gamitin ang kapangyarihan ng isang witch para mahalin siya ng isang tao, at iyon ang bagay na ginawa ni Yu'er.

Dahil sa takot niya kay kamatayan ay bigla niyang iniwasan ang lalaki. Pero ano ang gagawin niya kung biglang nag-iba ang kwento? Paano kung ang lalaki na naman ang naghahabol sa kanya? Kamatayan pa rin ba ang kakahantungan ng isang tulad niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 01:
•Yu'er• "Pahiram," walang emosyon na saad niya sa isang katulong. Nasa abroad ang mga magulang niya kasama ang kapatid niyang limang taong gulang. "Bakit gan'yan ka makatingin? Amo mo ako kaya may karapatan akong kunin ang mga bagay na ginagamit mo, lalo na at sa oras ng trabaho." Nanginginig ang kamay na ibinigay iyon sa kanya ng kasambahay. Muli niya itong tinaasan ng kilay at tumalikod na rito, pero bago pa siya makapasok sa kanyang kwarto ay narinig naman niya ang sinabi nito. "Balang araw pagsisihan mo rin ang mga masasamang ginawa mo. Kung hindi ka man magbabayad dito, sisiguraduhin ko sa ibang mundo ay magsisisi ka—" Kunot ang noo na nilingon niya ito. Naiinis siya sa sinabi nito at hindi niya hahayaang na mapagsabihan siya ng isang katulong. Binabayaran niya ito para manilbihan sa kanya, hindi para pangaralan siya sa mga bagay na gusto niyang gawin. "You're fired. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo sa pamamahay ko!" Hindi niya napigilan ang kamay na ginawaran ito ng isang malakas na sampal bago niya ito iniwan doon na nakatulala. "Ginigigil ako ng mga hampas lupang 'to." Dumapa siya sa kama at sinimulang binasa ang librong kinuha niya kanina. Tumaas ang sulok ng kanyang labi nang makita ang pangalan ng isang tauhan doon. Kaparehang-kapareha ito ng sa kanya, pati apilyedo nila ay magkatulad din. "Sinong g*gong sumulat nito at parang hinango talaga sa akin ang character nito." Mas naiinis siya sa nagsusulat lalo na at sinabi roon na siya ang kontrabida sa kwento. Gigil siyang tumihaya ng higa at pinagpatuloy ang binabasa niya. Napataas ang kilay ko dahil sa kabaliwan ng babaeng Yu'er sa kwento. Sinong t*nga ang maghahabol sa lalaking walang gusto sa'yo? Bakit di ka na lang maghanap ng iba? "T*nga! Mayaman ka nga wala ka namang utak!" Gigil na bulyaw ko sa librong aking hinahawakan at tumagilid na naman. Ganito ako kapag naiinis, hindi ako mapakali. Gusto kong sakalin ang lalaki at ang g*gang witch na habol nang habol. Tumigil muna ako sa pagbabasa at ibinaling ang tingin sa ceiling. Hindi ko alam kung paano magmahal, lalo na at nabuhay akong mag-isa at walang nag-aaruga sa akin. Kaya para sa aking katangahan ang magmahal sa taong di ka naman kayang suklian. "Nakakainis ka, Yu'er! Ang tanga mo, literal." Ipinikit ko saglit ang aking mga mata. Iniisip ko lang kung ano ang magiging buhay ko kapag kasama ko ang mga magulang ko. Mayaman ako, kaya kong bilhin lahat ng bagay na gusto ko ngunit may kulang pa rin buhay ko, at hindi ko alam kung ano 'yun. Napailing ako sa tinatakbo ng aking utak. Tumayo ako at inilagay sa kama ang libro bago pumunta sa may maliit kung refrigerator. Kailangan kong ikain itong inis na lumulukob sa puso ko. "Anong masarap kainin ngayon?" kausap ko sa aking sarili. Binuksan ko ang ref, ngunit bago pa ako makakuha ng fresh milk sa loob ay may narinig akong bumubulong sa tainga ko. "Sino iyan?" Inis kong tiningnan ang buong kwarto, ngunit wala namang nakabukas na bintana at pinto. Pinaglalaruan ba ako ng mga katulong dito? Malakas ang bagsak ng paa na tinungo ko ang pintuan. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako nang makita ko ang librong umiilaw sa gitna ng aking kama. Nanlalaki ang mata ko na napatingin dito. Libro ito ni Sony at narinig ko sa mga katulong na may kapangyarihan daw ito, pero di naman ako naniniwala roon lalo na at hindi ko pa ito nakikita. Nanginginig ang aking mga paa na lumapit doon. Pagkalapit ko ay nawala rin naman kaagad ang ilaw na nagmumula rito. Malalim akong napabuntong-hininga, baka namamalikmata nga lang siguro ako. "Tinatakot mo ako—" Napalunok ako nang bigla kong nakita ang mga nakasulat sa pahinang iyon. Mga tatlong pahina na lang siguro at magtatapos na ang kwento. 'Yu'er is dead, huwag ka ng matakot Celene. Hindi ko hahayaan na masaktan ka ng witch na iyon.' Namatay si Yu'er? Dahil ba naghahabol siya sa lalaking iyon? Bakit kailangan niyang mamatay, hindi naman niya kasalanan na ang lalaking iyon ang minahal ng kanyang puso, ah? Napahawak ako sa aking pisngi nang may naramdaman akong kumikiliti sa aking mukha. Nagdikit ang kilay ko nang makita ang luhang bumasa sa aking kamay. Marahan akong natawa bago umiling. Ngayon lang ako umiyak, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Galit, lungkot at panghihinayang. "Naramdaman ko iyon para lang sa isang tao na hindi totoo? Sa taong wala namang sariling mundo kundi nasa libro lang na ginawa ng manunulat?" Napangisi ako sa mga kahibangan na pumapasok sa utak ko at binuksan ang likod ng huling pahina. "If you get emotional you'll pay the price. If you read this, you'll find yourself in the world where the characters are manipulated, and you can't change your own destiny." Tumaas ang kilay ko at tiningnan ang front page ng libro, hindi ko pala nabasa ang pamagat ng kwentong ito. "The Curse Book of Yu'er?" Natawa ako sa pamagat nito. Akala ko ba tungkol ito sa kwento ni Rio at Celene, bakit nakapokus ang title kay Yu'er? Iniwaksi ko na lamang ang mga ideyang tumatakbo sa isipan ko at bumalik sa refrigerator para kumuha ng tubig. Hindi ko alam kung sino ang nagsulat ng kwento na iyon, but as a reader I'll rate her story 2 over 5. Hindi tugma iyong pamagat sa content ng story. Ang mga mambabasa ngayon ay sobrang picky na sa mga kwentong binabasa nila at kapag di ka magaling ay iba-bash ka nila. "Tsk, pwede siguro akong maging editor nito." Parang baliw akong tumatawa habang umiiling patungo sa aking kama. "Kapag hindi ako makapasok sa librong iyon susumbatan ko talaga si Sony bukas." Nakita ko pa muli ang pagkislap ng libro ngunit di ko na iyon pinansin. Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinayaan na ang antok na dalhin ako sa masaya at magandang panaginip. — "Pakipatay ng ilaw!" hiyaw ko nang masilaw ang aking mga mata nang kaagad ko itong idinilat. Sinong katulong ang pumasok sa kwarto ko at ini-on iyong ilaw? Alam nila na naiinis ako kapag nasisilaw. Gusto ko sanang tumayo ngunit naramdaman ko naman ang bigat ng aking katawan. "Yu'er, anak? Gising ka na. Tatawagin ko ang doctor," natatarantang sagot ng babaeng nasa harapan ko. Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa inakto at sinabi nito. Hindi ko siya kilala at bakit niya ako tinawag na anak? Hindi naman kami magkaano-ano. "Sino po kayo?" naguguluhan kong tanong. "Ano po ang nangyayari, doc? Bakit hindi niya po kami nakikilala?" "Calm down, Misis. I'll do some test first para malaman natin ang problema. Pero kapag nagka-amnesia po ang anak ninyo ay dahil na rin po iyon sa aksidenteng nangyari..." Bumuntong-hininga ito bago malungkot na tumingin sa akin. "Nakuha po ang katawan niya sa malalim na parte ng dagat at ma-swerte po kayo at nabuhay pa po siya." Nahanap ang katawan ko sa ilalim ng dagat? Paano naman ako napunta roon, eh, natutulog lang ako—no, hindi totoo iyong binasa. Sigurado akong wala ako sa kwentong binabasa ko. "Yu'er, may masakit ba sa'yo, anak?" mahinahong tanong nito sa akin. Tiningnan ko siya ng maigi, napangisi ako nang may maalala na naman ako. Panaginip ko lang ito. Hindi ito totoo, dahil alam ko sa sarili ko na walang nagmamahal at nag-aalala sa isang Yu'er Marquis. Ipinikit ko ulit ang aking mata para bumalik sa pagkakatulog. Bukas paggising ko babalik din ako sa nakasanayan kong mundo. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook