Chapter 02:

1031 Words
•Yu'er• "Hindi na makaalala ang anak natin, Laurel." Tumaas ang kilay ko sa aking narinig. Sinong Laurel naman ang sinasabi nito? "Mas mabuti na iyon at hindi na niya maalala ang lalaking iyon! Wala ng ginawang tama ang Rio na iyon kundi ang saktan ang anak natin." Iminulat ko ang aking mata at tiningnan ang dalawang taong may katandaan na. Nasa harapan sila ng kama ko at may lungkot sa kanilang mukha. Kumunot ang aking noo nang maalala ang mukha ng babae. Siya iyong nakita ko nang iminulat ko rin ang aking mata. Napatingin ako sa pintuan nang biglang may kumatok. "Stop!" hiyaw ko ng binuksan iyon ng taong nasa labas. Nanlalaki ang aking mga mata nang tumigil ang lahat sa paggalaw. Tanging ako at ang dalawang matanda lamang ang tanging gumagalaw. "Ano po ang nangyayari?" Kaagad silang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Anak, are you okay? You need to rest first—" "Bakit po hindi gumagalaw ang ibang bagay." Pareho silang natigilan at napatingin sa bagay na itinuro ko. Ang orasan na kanina ay gumagalaw ay bigla na lang huminto at sumbrero na itinapon kanina ng matandang lalaki ay nanatili lamang sa ere. "Huwag kang matakot sa sasabihin namin, okay?" Tumaas ang kanang kilay ko dahil sa makahulugang mga salita nito. "Pamilya tayo ng mga witches—" Malakas akong tumawa sa sinabi nito. Bukod sa parang mababaliw na ako dahil sa bagong kapaligiran ko ngayon, ay naguguluhan rin ako kung maniniwala ba ako sa kanila o hindi. Naiatras ko bigla ang aking mukha nang hahaplusin niya sana iyon. Ngumisi ako at tinabig ang kamay niya na papalapit sa mukha ko. "Hindi kita kilala kaya wala kang karapatan na hawakan ako. Nasaan ba ako? Anong kailangan niyo sa akin? Pera? Madami ako n'yan, pakawalan niyo na ako," mariin kong sambit. Parehong napaawang ang kanilang mga labi dahil sa naging reaksyon ko. "Yu'er, ikaw 'yan 'di ba anak? Bakit pati ugali mo nag-bago?" Nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata. "Kasalanan ko ito. Kung hindi lang sana kita hinayaang makalapit sa Rio na iyon. I should have known..." Hindi ko na narinig ang iba niyang sinasabi dahil mas malakas pa ang paghikbi niya kaysa sa mga salitang binibitawan niya. Puno ng lungkot at pagmamahal ang mata niya na nakatingin sa akin. "Yu'er, bukas kapag magaling ka na pwedeng ka nang umuwi sa atin. Kami na ang mag-aalaga sa'yo, mas gusto mo sa bahay 'di ba?" malambing na tanong nito. Kumunot ang aking noo dahil sa kakaibang pakiramdam na aking nadama sa kanilang dalawa. "I don't want to go with you. Gusto ko ng umuwi sa bahay ko—" I stopped from talking when I saw him snap his fingers and then the nurse went in. How come? Is this for real? Magrereklamo pa sana ako nang bigla akong dinalaw ng antok habang nakatingin sa mata ng matandang lalaki. "Sleep now, sweet child." Hindi ko alam pero gusto kong maiyak dahil sa lambing ng kanyang boses. Ramdam ko ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak, na tanging narinig ko lang sa mga drama na napapanuod ko. If I'm really Yu'er Marquis from the book I've read yesterday. Gusto ko sanang hingin ang permiso niya. Pwede kaya akong manatili rito habang-buhay? Gusto kong maranasan kong paano mahalin ng mga taong malapit sa iyo. — "Why are you here, Yu'er? Umalis ka na, kahit kailan hindi kita magugustuhan!" Napatingin ako sa dalawang taong nag-uusap ngayon sa loob ng private room ng isang hotel. Ang hindi ko mapaniwalaan ay ang kung bakit kamukhang-kamukha ko ang babaeng naghahabol sa lalaki ngayon? Kung ako nga ang character na nasa librong ito, ibig sabihin lang noon ay sa akin kinuha ang katangian ni Yu'er? Sino ba ang author ng librong ito? May kasalanan ba ako sa kanya? Nanlalaki ang mata ko na napatingin sa dalawang taong nagsimula ng maghubad ng mga damit. Gusto ko sana silang lapitan at patigilin ngunit may humaharang sa daanan ko na hindi ko makita. Napatakip ako sa aking tainga nang marinig ang mga ungol nila. Bakit ko ba ito nakikita? Napaupo ako sa sahig at ipinikit ang aking mga mata. "Rio, I love you." Napatingala ako nang marinig ang sinabi ng babae nasa kama ngayon at pawisan. "You should rest here for tonight. Nakuha na kita, hindi na kita kailangan. Ayaw ko sa mga babaeng marumi." Nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa sinabi ng Rio na iyon. Gusto ko siyang suntukin at ipaalam sa kanya na hindi laruan ang mga babae, ngunit wala akong magawa. Para lang akong nanunuod ng isang pelikula. "Rio!" Sinundan ko ng tingin ang lalaki hanggang sa makalabas ito. Naiwan naman si Yu'er na umiiyak habang hawak-hawak ang kanyang tuhod. Kahit alam ko na ang kasunod na mangyayari rito ay nakaramdam pa rin ako ng sakit para sa kanya. Mahirap magmahal sa taong hindi naman kayang magbigay ng pagmamahal sa'yo. Rio and my parents are the same, iyon nga lang si Rio ay nakabase ang ugali at katangian sa ideya ng author ng libro, habang ang mga magulang ko ay may sariling utak. "Yu'er, saan ka pupunta?" Napatayo ako bigla at sumunod sa kanya. Dinala ako ng mga paa ko sa isang tulay na di kalayuan sa hospital na kinaroroonan nito. "Huwag mong gawin iyan, Yu'er! Mahal ka ng mga magulang mo—ahhh!" _ "Yu'er! Bakit ka umiiyak, anak?" Ang mainit na yakap ng taong lumapit sa akin ang nakapagbalik sa akin sa reyalidad. "Sabihin mo kay daddy. Makikinig ako." Mas lalo akong napahikbi dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung parusa o swerte ko kung bakit ako dinala rito ng libro. Pero isa lang gusto kong mangyari, iyon ay ang mahanap ang taong sumulat ng librong ito. Ang taong nagpasok sa akin dito. Alam kung mahirap iyon dahil nandito ako sa loob habang nasa labas naman siya, ngunit hindi ako titigil hanggat di ko makukuha ang sagot sa mga tanong ko. "Anak?" Tumingala ako sa matandang lalaki sabay iling ng aking ulo. Hindi ko kayang mapalapit sa kanila at masaktan kapag nakabalik na ako sa sarili at tunay kong mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD