YU'ER Mapait akong napangiti dahil sa sinabi niyang iyon. Sa kabila nang kagalakan na nadarama ng aking puso ay may kaunting kirot pa rin ito para sa nagmamay-ari dati ng katawan na'to. Yu'er really love this man, iyon nga lang huli na ng lahat nang ma-realised ni Rio ang kanyang pag-ibig para sa una. "Anong iniisip mo?" tanong nito sa akin habang hinahaplos ang aking mukha. Napailing ako at hinawakan ang kanyang kamay. "I am happy. Hindi mo lang alam kung gaano kasaya itong puso ko habang pinapakinggan ka." Ngumiti si Rio at ginawaran ng halik ang aking labi. Mabilis lamang ang halik na iyon at humiwalay na siya. "Date tayo, wife?" "Hindi ka papasok?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Hindi tayo papasok. Let's go?" Mabilis nitong kinuha ang tray ng pagkain na wala ng laman at tum

