YU'ER
PAGKATAPOS ng huling klase ay dumeretso na ako sa parking area. Hindi nga ako nagkakamali naghihintay na ang tatlo sa akin doon.
"Are you done with your class? Baka nag-cutting na naman kayo!" asar ko sa kanila. Sinamaan ako nila ng tingin kaya kaagad kong tinaas ang aking kamay bago pa nila ako ma-torture rito. "Sorry—"
"Sorry ka r'yan. Akala mo hindi namin alam na hindi ka pumasok kanina para kausapin si Rio? " Nanlalaki ang aking mga mata na tumingin sa kanila. Umiwas ako ng tingin nang marinig ang mahihina nilang tawa, baka akalain ng mga ito na sobrang desperada ko Rio. "Huy, totoo nga? Hula lang namin iyon, eh," pang-aasar sa akin ni Minji.
"Oo nga, Yu'er, umamin ka naman kaagad!"
Tinaasan ko sila ng kaliwang kilay at inilingan ang mga 'to. "Umamin ba ako? Wala naman akong sinabi, ah. Hinayaan ko lang kayong mag-isip ng ganoon!"
I know that it was a stupid excuse pero kailangan kong panindigan na hindi nga kami nagkita ni Rio during class hours at baka ma-isyu na naman.
"Talaga ba?" seryosong tanong ni Annicka sabay lapit ng kanyang mukha sa akin.
"Totoo nga kahit tanungin niyo pa prof ko—" Humagalpak na naman sila ng tawa kaya napatigil ako sa pagsasalita. Mga baliw talaga ang mga babaeng 'to. Hindi na nakapagtataka dahil puno rin naman ng kabaliwan ang nagmamay-ari ng katawan na'to. "Ano ba ang nangyayari sa inyo?"
"Ikaw naman kasi magsisinungaling ka na nga hindi mo pa ginalingan!" Sinamaan ko ng tingin si Rain nang sabihin niya iyon. Mga marites lang talaga sila kaya hindi ako makakaligtas sa mga 'to.
"Aaminin ko na nga na hindi ako pumasok dahil hinanap ko si Rio kanina. Hali na nga kayo at baka magbago pa ang isip ko."
Dahil hindi kami kasya sa kotse na ginagamit ni Kuya Sik kapag susunduin ako ay ang van na bagong bili ni mommy ang ginamit niya.
"Uy, Yu'er, nakakahiya naman sa parents mo kung doon kami matutulog. Hindi ba masyadong istorbo naman kami—"
"Baliw! It's fine, wala sila ni mama roon dahil may business meeting sa isla tapos nakapagpaalam na rin naman ako sa kanila na matutulog kayo sa house ngayong araw."
Napapalakpak sila dahil sa sinabi ko, akala ko tuloy iyon na ang huling tanong na sasagutin ko, but Minji suddenly lean on me with a smirk on her beautiful face.
Parang alam ko na tuloy kung ano ang kasunod ng ngisi niyang iyon. "How about Rio? Anong oras daw siya darating sa bahay?"
"Huwag kayong mag-alala sa likod iyon dadaan—" Napahawak ako sa aking labi. Hindi ko aakalaing madudulas akong sabihin ang bagay na iyon kahit alam ko naman kung saan patungo ang tanong nila.
Gosh! Bakit kasi napaka-normal lang ng tanong nito na tila ba alam na nito na sa bahay na nakatira si Rio. "Ibig kong sabihin ay..." Napatigil ako sa pagsasalita naghahanap ng mga rason.
"Huwag kang mag-alala, Yu'er, hindi namin sasabihin sa buong campus. Hindi naman kami katulad ng santong Zane na iyon. Anyway, do you want some fun?"
"Fun? What do you mean? Anong gagawin mo, Minji?" She winked at me pero hindi na muling nagsalita pa may kinalikot ito sa kanyang cellphone kaya nawala na ang buong atensyon sa akin.
MABILIS ang byahe kaya hindi na masyadong nakapagtanong sa akin ang tatlo na ayon naman sa gusto ko, dahil ayaw ko nang magisa ng mga ito.
"Miss Yu'er, nakahanda na po ang mga pagkain. Napatingin ako sa isang kasambahay na lumapit sa akin at ngumiti rito.
"Salamat po sa pagluluto. Akala ko ay maghahanda pa ako pagdating ko."
"Dumaan po kasi rito kanina ang mga magulang ninyo para raw po ipagluto kayo ng mga kaibigan mo. Nagpatulong po ito sa akin sa pagluluto ng mga ulam na iyon."
Tumango ako at muling nagpasalamat sa kanya. Umalis na rin naman siya sa dining room kaya sumunod na rin ako. "Girls, let's go. Kain na tayo nakahanda na ang lahat."
Patalon-talon silang lumapit sa akin at pumasok sa loob ng dining room. Susunod na rin sana ako sa kanila nang tumunog ang cellphone ko.
Pangalan ni Rio ang nakatatak doon kaya kaagad ko itong binuksan. Ipinaalam lang naman nito sa akin na nasa kwarto lang daw at nakakain na siya. Ibinalik ko na ang cellphone sa aking bulsa at sumunod na sa mga 'to.
"Yu'er, ang sasarap naman ng mga 'to. Pero mas masarap iyong darating mamaya!" natatawang saad ni Minji. Kumunot ang aking noo sa ibig niyang sabihin.
"Nag-order ka pa ng foods? Sana hindi na lang may mga pagkain naman dito sa bahay."
"Don't worry. Isang beses ka pa lang nakatikim ng pagkaing iyon."
"Anong pagkain ba?" naguguluhan kong tanong. Kumunot ang noo ko nang magtawanan silang tatlo tila ba ako lang ang hindi nakakaalam sa pinagsasabi nila.
"Basta malalaman mo rin iyon mamaya. Hindi ko alam kung magugustuhan mo ba iyon!"
Nagtataka pa rin ako dahil sa mga ngising ibinibigay nila sa akin ngunit hindi na ako muling nagtanong at inaya na lang silang kumain.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik kami sa may sala para manuod muna ng movie.
"Yu'er, paano mo nga napaibig ang lalaking iyon? Sa naalala ko ay diring-diri siya sa'yo." Napabuntong-hininga ako sa kanyang tanong. Natanong na niya rin ito dati pero hindi ko nasagot dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin sa mga 'to.
"Iniwasan ko lang naman siya tapos ayon siya na naghabol sa akin. Hinahanap yata presensya ko," natatawang sagot ko rito. Mas mabuti na iyong iyon lang ang malaman nila dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang dahilan kung bakit na-inlove nga ang lalaking iyon sa akin.
"Yu'er, may hindi ka sinasabi sa amin—" Hindi nito natapos ang kanyang sasabihin nang may nag-text dito.
Nanlalaki lang ang aking mga mata sa nagulat nang bigla itong tumili. "They're here."
Kumunot ang aking noo at sinundan ng tingin si Annicka na tumayo at pumunta sa may pintuan.
"Sinong nandito?"
"Hi!" Napaawang ang aking mga labi nang makita ang mga lalaking nasa likuran ni Annicka at may malapad na mga ngiti sa labi.
"Nagdala ka ng mga lalaki?" pasigaw kong tanong dito sa sobrang gulat.
Hindi ko pinansin ang hagikhik nilang tatlo nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko at lahat ng mensaheng iyon ay nanggaling kay Rio Reigo. D*mn it!