Chapter 55:

1069 Words
YU'ER "What?" seryoso ang mukha nito habang tinatanong sa akin iyon, ngunit dahil mapanlinlang ang boses niya ay nalaman ko na kaagad na may dalang kapilyuhan ang tanong niyang iyon.  Lumapit ako sa may kama at kinuha ang isang unan doon para itapon sa kanya. Hindi niya iyon napaghandaan kaya deretsong tumama sa kanyang mukha. "Puro ka kabaliwan, Rio, bakit hindi mo sinabing kumalat na pala iyong lipstick ko?" nakabusangot na tanong ko sa kanya.  Malakas siyang tumawa at lumapit sa akin at dahil wala akong balak na magpahuli rito ay kaagad din akong umatras. Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay ng biglang nawala ang ngiti sa labi nito. "Bakit hindi mo inalis ang kumalat na lipstick ko?" "Sorry, lumabas ka naman kasi kaagad. Come here, let me clean it." Puno nang pagdududa na tumingin ako sa kanya. "Huwag na. I can do it," wika ko at maglalakad na sana patungong banyo nang may naramdaman akong pumulupot sa aking bewang. Kaagad kong ibinaba ang aking tingin at nakita ko nga ang kamay ni Rio roon. "Anong ginagawa mo, Rio? Let me go para makapag-ayos ako at may mga bisita ako sa baba." Tatampalin ko na sana ang kamay nito na nakahawak sa akin nang mas hinigpitan niya iyon at ipinatong ang ulo niya sa aking balikat. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking tainga at pisngi. "Can you stay here? I don't want those boys to look at you." "Ano ka ba, Rio, mga bisita ko iyon bakit hindi ko lalabasin?" Ang pangit naman siguro kapag hindi ako nagpunta roon, ano na lang ang iisipin nila Minji? "Yu'er, lumabas ka na r'yan naghihintay na sila Rain sa atin." "Saglit lang, Nicka, malapit na akong matapos." Inalis ko ang kamay ni Rio na nakahawak sa akin at tiningnan ito sa mga mata. "Don't worry, wala naman akong balak na ipagpalit ka." Kinurot ko ang kanyang pisngi nang makita ko ang kislap na dumaan sa kanyang mga mata matapos kong sabihin iyon. Why, Rio? Bakit sa akin mo naramdaman ang pag-ibig na ito?  Sa female lead mo dapat ibinibigay ang buong atensyon na ito. Pero habang iniisip ko rin ang sitwasyon na iyon ay bigla na lang sumakit ang puso ko tila ba sinasaksak iyon. "I trust you," wika niya sabay pahid nang kumalat na lipstick sa aking mukha. Nanigas ang aking katawan nang gumapang ang kamay niya sa aking leeg. Nakikiliti ako sa ginagawa nito, ramdam ko rin ang pananayo ng mga balahibo sa buo kong katawan dahil sa ginawa. "But I don't trust those boys, wife." Muli nitong inangkin ang aking labi na pinagbigyan ko naman kaagad. Pinagbigyan ko ang dila nito na makapasok sa loob ng aking bibig. "Yu'er Marquis!" Napalayo ako kay Rio nang makarinig kami ng mga katok sa labas ng kwarto. Napalunok ako at mabilis na pumunta sa banyo para maghilamos. Hindi ko na rin naman kailangan na ayusin ang aking buhok dahil tuwid na tuwid na naman iyon kaya hinayaan ko na lang at nang matapos akong magpatuyo nang mukha ay lumabas na rin ako. "Sa labas na muna ako, hubby, maghintay ka na lang dito, please? Huwag nang gumawa ng gulo." Tumango naman siya kaagad nang walang reklamo. Kumunot ang aking noo nang makita ko ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. "Anong problema mo?" tanong ko kaagad sa kanya. Umiling lang naman ito at humiga sa kanyang kama. Kinakabahan ako sa mga tinginang iyon ni Rio, ngunit nang kumatok ulit si Annicka ay wala na akong nagawa at tuluyan nang lumabas ng kwarto nito. "Bakit ang tagal mo namang lumabas? May nangyari ba sa inyo sa loob?" Kaagad akong umiling at hinila na siya pababa at baka kung ano rin ang isipin ng iba roon. "Yu'er, aalis na raw sila at may pasok pa sila bukas. Bakit naman kasi ang tagal mong dumating—" Kumunot ang aking noo nang tumigil sa pagsasalita si Minji at sinuri ang buo kong katawan. "May problema ba, Minji?" tanong ko sa kanya.  Umiling ito ngunit agad din na tumayo. Nilapitan nito ang mga kaibigan niyang lalaki at pinatayo niya sa sofa. "Umalis na nga kayo rito, Miko! For girls lang 'to, eh." Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya at napa-'huh' sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin? Siya rin naman ang tumawag sa mga lalaking ito.  "Yu'er, I'll visit you soon. Aalis na kami. Nababaliw na naman yata ang utak nitong si Minji," natatawa niyang saad sabay turo kay Minji na nakataas na ang kilay ngayon. MABILIS natapos ang lahat, pagkatapos na umuwi sila Miko ay tumayo na rin si Minji sa kanyang kinauupuan. "Yu'er, aalis na kami—" "Huh? Bakit naman kayo aalis? Malalim na ang gabi atsaka akala ko ba dito kayo matutulog?" puno nang pagtataka na tanong ko sa kanya. "Nakalimutan kong may importante pala akong gagawin, Yu'er." Tinaas din nila Annicka at Rain ang kanilang mga kamay at nagbigay ng rason. "Galit ba kayo sa akin dahil hindi ko kayo napagtuunan ng pansin kanina?" kinakabahan kong tanong sa kanila. Sabay naman silang tatlo na umiling kaya mas lalo akong napaisip kung ano ang rason nilang tatlo kung bakit bigla-bigla na lang itong aalis. "Bakit nga kayo aalis? Iyong totoo." "Basta pag-usapan na lang natin bukas ang mangyayari mamayang gabi, Yu'er." Hindi ko maintindihang tiningnan si Rain, ngunit pagkatapos ng mga salita niyang iyon ay hindi na rin niya sinundan. KAHIT ayaw ko silang pauwiin na tatlo ay nakita ko pa rin ang sarili ko na nakatayo sa tabi ng garahe at hinihintay na makalabas si Kuya Sik para maihatid ang mga ito. "Yu'er, huwag mong sarilinin bukas, ha?" Napakamot ako sa aking noo dahil sa paligoy-ligoy ni Minji. Kanina ko pa talaga sila hindi maintindihan, lalo na at narinig ko ang mahihinang halakhak ni Annicka.  "Ano ba ang pinagsasabi ninyo?" Nagkibit-balikat lang naman ito habang nakatingin sa akin. "Ikumusta mo na lang kami sa taong narito sa bahay mo, Yu'er, bye! Kuya Sik, tara na po." Hindi ko na sila natanong pa nang umandar na ang sasakyan. Napabuntong-hininga ako at pumasok na sa loob. Hindi pa ako nakakaabot sa sala nang makita ko si Rio sa may hagdan habang nakatingin sa akin. Dahil ba sa kanya kaya umuwi sila Minji? Itinuro nito ang aking leeg sabay sabi ng 'reason' hindi ko siya maintindihan kaya nagpunta ako kaagad sa banyo na malapit. "Rio Reigo?! Sa labas ka mamaya matutulog."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD