Adriana’s Point of View Natigilan naman at napatingin sa amin ang mga empleyado at kliyente ng Viajero Travel and Tours. Hinarangan naman kami ng isang security guard. “Miss, bakit niyo kinakaladkad ang isa sa nga tour guide namin?” ang tanong niya sa akin. “Kasi—” “It’s okay. She’s my wife,” ang singit naman nitong si Steve kaya naman hinayaan na kami ng guard. Dinala ko naman siya sa parking lot. “Sakay,” ang utos ko sa kanya ngunit napatitig lang naman siya sa akin. Napabuntong-hininga naman ako sabay ikot ng aking mga mata. Oo nga pala, hindi siya nakakaintindi ng Tagalog. “I said get in the car,” ang pagsasalin ko sa wikang Ingles. “Give me your keys and I’ll drive,” ang suhestyon naman niya. “No, I’ll drive,” ang pagtanggi ko naman. “If you insist,” ang kaagad naman niy

