Adriana’s Point of View Isinara ko naman ang pintuan at humarap kay Steve. Nasa tapat na siya ng vanity table at nagsisimulang magpahid ng kung ano-ano sa kanyang mukha. Tumabi naman ako sa kanya at sinimulan ko ring maglagay ng kung anu-ano sa aking mukha. “Addie,” pagtawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. “You missed a spot here.” Kinuha naman niya ang hawak kong facial clay mask at linagyan ang parte ng aking +mukha na hindi ko nalagyan ng maayos. Napangiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. “You will be sleeping here,” ang saad ko sabay turo ng sahig. “You’re just kidding, aren’t you?” tanong naman niya sa akin. Mukha ba akong nagbibiro? “Of course not,” ang tugon ko naman. “There’s the extra mattress. You can use that.” Nakasimangot naman siyang naglakadat kinuh

