Adriana’s Point of View Sa totoo lang ay napagod ako sa pa-tour ni Kuya Martin sa Azucarera at sa pagpunta namin ni Steve sa public market. Marami na ngang nagbago sa mga negosyo namin sa loob lang ng limang taon. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang stress ni Kuya Martin. Kailangan niya nga ng makakatulong sa pagpapatakbo ng aming azucarera. Nagtungo naman ako sa balkonahe bitbit ang aking laptop. Balak kong ipagpatuloy ang aking isinusulat kahit na narito ako sa amin. Ilang minuto kong tinitigan ang screen dahil wala akong maisip na isusunod sa eksenang aking iniwan. Napagpasyahan ko na lang na basahin na muna ang pinakahuling kabanatang aking nabuo. Nasa eksena na ako na magkikita na ang female lead at male lead ko. Sa nobelang ito ay si Park Seo Joon ang naiisip kong pangunahin

