Jaewon’s Point of View “Xean-hyeong,” ang pagtawag ko naman sa kanyang atensyon. Natigilan naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. “Do you want to drink?” “Bakit bigla kang nagyaya?” ang nagtataka naman niyang tanong. “Na-miss ko lang,” ang tugon ko naman. “Hindi pa ako nakakainom ulit simula ng pagkarating ko rito sa Pilipinas.” "Pagbibigyan sana kita pero walang alak,” ang komento niya. “I already bought some and put them in the fridge,” ang wika ko na ikinatawa niya. “Plinano mo na ‘to, ‘no?” ang natatawa naman niyang tanong sa akin bago pinagpatuloy ang paghihiwa ng hawak niyang pipino. I was craving for bibimbap kaya naman hiniling ko sa kanya na gumawa ng pagkaing ‘yun. Habang naghihiwa siya ng pipino ay naghihiwa rin ako ng carrots. Medyo matrabahong gawin ang

