Adriana’s Point of View Akala ko pa naman linoloko lang ako nito nang sabihin niyang hindi siya nakakaintindi ng Tagalog. “Anyway, going back,” ang pagbabalik ko naman sa naudlot naming usapan. “We’ve met because I wanted to learn Korean. You got attracted to me. You asked for my number, and we started to date for three months. And then, you asked me to get married; and so, we did.” Nakangiti lang naman siyang nakatitig sa akin. Hala, naakit na yata itong Koreyanong ito sa kagandahan ko. “Uhm, earth calling Steve,” ang wika ko naman. “Why are you staring at me like that? Are you attracted to me?” ang tukso ko naman. “Who wouldn’t?’ ang tanong niya pabalik. “You’re beautiful.” Natigilan naman ako sa kanyang sinabi at napakurap ng ilang beses. Kaagad ko namang iniwas ang aking tingin

