Adriana’s Point of View Sa kanyang paglagpas ay muli ko na namang naamoy ang kanyang suot na pabango. Sinundan ko naman siya patungo sa elevator ngunit bago pa lang kami nakarating ay huminto ito at lumingon sa aking direksyon. Napahinto rin naman ako sa aking kinatatayuan. “Why are you there?” ang tanong naman niya sa akin kaya napakunot ako ng noo. “What do you mean, Steve?” ang tanong ko naman sa kanya pabalik. Naglakad naman siya papalapit at tumabi sa akin. “You should walk beside me,” ang bilin niya. “I’m your husband; not your bodyguard. Let’s practice acting like a couple. Shall we? It’s my job to guide you through this. So, don’t worry.” “Fine,” ang pagpayag ko naman sabay ikot ng aking mga mata. “Give me your hand,” ang wika niya sabay alok ng kanyang kamay. Napatingin

