Chapter Five

1784 Words
  Adriana’s Point of View Napatingin ako sa aking suot na relo. Hindi ko namalayan na mahabang oras ang itinagal ko sa loob ng opisina nila. Kinuha ko naman ang aking smart phone mula sa aking handbag at tinawagan si Trixie. “Hello, beshy!” ang pagbati ni Trixie sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag. “Beshy, tuloy ba ‘yung mga rinekomenda mo sa akin kagabi?” ang tanong ko naman sa kanya. “Yes, beshy,” ang pagkumpirma niya. “Saan mo nga pala balak makipagkita?” “Sa Blue Marlin Restaurant na,” ang tugon ko naman. “I’ll just grab a quick meal there na rin.” “Sige beshy, sasabihan ko sila.” “Salamat, beshy,” ang pasasalamat ko bago natapos ang aming usapan. Sumakay naman ako sa aking kotse at nagmaneho patungo sa restawran na aking binanggit. Nang makarating ako doon ay sinalubong ako kaagad ng staff na naka-abang sa podium. “Magandang tanghali po,” ang bati niya sa akin. “Do you have any reservations?” “Unfortunately, wala,” ang sagot ko. “So, I’m hoping if there’s an available seat for two.” “Let’s see what I can do, Ma’am. Sandali lang po,” ang paalam niya bago pumasok sa loob at nakipag-usap sa manager. Hindi naman nagtagal ay lumabas muli siya. “We have an available table for two, Ma’am,” ang maganda niyang balita.  “Is it available for two to three hours?’ ang tanong ko. “I had to meet some people, too.” “Yes, Ma’am.” “Great,” ang wika ko nang marinig ‘yun. “This way, Ma’am,” ang saad ng staff sabay hatid sa akin sa mesa. Inabutan naman niya ako ng menu. I scanned the food list quickly. “I’ll just have the Seafood Marinara Pasta, please,” ang saad ko naman. “And a glass of sparkling water with lemon.” “Is that all, Ma’am?” “Yes,” ang nakangiti ko namang tugon. Habang hinihintay ang aking makakain ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ate Celine. “We’ll arrive there in a week,” ito ang laman ng kanyang mensahe. Nanlaki naman ang mga mata ko. Isang linggo?! “Makahanap kaya ako ng pekeng asawa sa loob ng isang linggo?” ang tanong ko sa aking sarili. Gusto ko lang naman talaga mapasaya si Papalolo hanggang sa huli niyang mga sandali sa mundong ito. “Excuse me, Ma’am,” ang pandi-distract ng waitress sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. “Your food is ready,” ang anunsyo niya sabay lapag ng pasta at inumin sa aking tapat. “Thank you,” ang pasasalamat ko at sinimulang kumain. Nang matapos ay nagtungo muna ako sa ladies’ room upang mag-retouch. Pagkabalik ko ay may lalaki nang nakaupo sa mesa. Siya ang unang lalaki sa listahan na binigay ni Trixie. Mula sa kinalalagyan ko ay kita na agad ang kagandahang lalaki nito. Lumapit naman ako sa kanya. Napatingin siya sa aking direksyon at kaagad na napatayo. “Hi,” ang bati ko sa kanya. “I believe you’re Mario, right?” “Yuhp. Ako si Mario,” ang tugon niya. Napakabaritono ng kanyang boses. 'Yung tila ba nangingiliti ng tenga. “At ikaw si Adriana?” “Yuhp, that’s me,” ang pagkumpirma ko. Nahuli ko naman siyang pasimpleng tumingin sa aking hubog ng katawan. “Anyway, have a seat and let’s chat.” “Sure,” ang tugon niya. Sabay naman kaming naupo. Kapwa naman kami um-order ng maiinom. “So, tell me something about yourself,” ang sabi ko sa kanya. Mukhang okay naman siya. “Ako nga pala si Mario Causing Tugas. Twenty-five years old,” ang pagsisimula niya. Magkasing-taon pala kami. Napatango naman ako. “So, anong trabaho mo?” “Isa akong dancer,” ang tugon naman niya. “Wow. Isa ka pa lang performer,” ang komento ko. “So, lumalabas-labas ka niyan sa TV? Sa guwapo mong ‘yan, I’m sure kasali ka sa mga Sunday Variety programs.” “Ah, hindi naman,” ang paglilinaw niya sabay kamot ng ulo. “What kind of dance?” ang sunod ko namang tanong. “Jazz? Ballet?” “Sexy,” ang tugon niya. Natawa naman ako sa aking narinig. “Ikaw, ah! You have a sense of humour.” Guwapo. Check na check! May sense of humor. Check! Starting strong tayo, mga mars! “Gusto mo makita?” ang tanong niya sa akin. “Sure!” ang excited ko namang pagsang-ayon. “Pero okay lang dito?” “Oo, sanay naman akong mapanood ng maraming tao,” ang tugon niya sabay tayo. Nagsimula naman siyang gumiling-giling na parang ahas. Napanganga naman ako sa aking nasaksihan. “Ito ang pamatay kong moves,” ang wika niya ba sabay angat ng kanyang isang paa at winagayway ang kanyang mga kamay. “Eagle dance.” “A-anong sayaw ‘yan?” ang nagtataka kong tanong. “Saan ka ba sumasayaw?” “Exotic Dancer sa bar,” ang tugon niya habang ginagawa ‘yun. “Excuse me, Sir. Bawal po ‘yan dito,” ang wika ng security guard nang lapitan siya sabay hila sa kanya papalabas ng restawran. Nakangiwi naman akong kumaway sa kanya. Mario Causing Tugas. Malaking ekis! Napabuntong-hininga naman ako at humingi ng pasensya sa staff na naroon. Ano na lang sasabihin ko kapag nalaman nila na isang exotic dancer ang inuwi kong asawa? Baka matuluyan pa nang mas maaga si Papalolo. Kaloka! Lumipas naman ang halos kalahating oras nang dumating ang susunod. Isang lalaking nagngangalang Jomiel Amplayo. He looks... okay. To be honest, napaka-plain niya. Nakasuot siya ng isang white polo shirt na naka-tucked in sa kanyang acid wash jeans. Ang kanyang buhok ay nakahawi sa gitna. Halata rin ang kapayatan nito. “Hi, Jomiel?” ang tanong ko. Tumango naman siya sabay iwas ng mga mata. Napakunot naman ako ng noo. Anong problema nito? Ang akala kong hindi magandang una naming pagkikita ay mas lumala pa nang may babaeng lumapit sa amin. Napatingin siya sa akin. “Ikaw ba si Adriana?” ang tanong niya sa akin. Napalunok namana ko. Mukha siyang isang nanay na dadalo sa isang PTA meeting sa kanyang aura. “Sino po ba kayo?” ang tanong ko naman. “Ako? Ako ang nanay nitong si Jomiel,” ang tugon niya. “Ako ang makikipag-usap tungkol sa offer na maging peke siyang asawa. Ang rinig ko ay mayaman ka. Magkano ang ibabayad mo? Dapat kasama ako sa lahat ng oras at lugar.” “A-ah, hindi po ako ‘yung Adriana,” ang pagsisinungaling ko. “Eh, bakit kilala mo ang anak ko?” “Ang totoo po niyan ay...” Ano nga bang puwede kong sabihin? “Kaaalis lang niya. Nagpasabi po na may iba siyang kailangang puntahan,” pagdadahilan ko. Nagkatinginan naman silang dalawa. “Tara, anak. Hindi ito maari!” ang galit niyang wika. “Kailangan nating mahabol ang babaeng nakasalubong natin kanina.” Madalian naman silang lumabas ng restawran. Ano ba itong mga rinekomenda sa akin ni Trixie?! Kung hindi macho dancer, mama’s boy naman! Kung hindi ako natutuwa; paniguradong si Papalolo ay mas lalong hindi maliligayahan sa kanila. “Sana naman, matino na ang huli,” ang bulong ko sa aking sarili. “Sana.” Hindi naman nagtagal ay dumating ang lalaking may pangalang Carl Casaquite. “Hi, I’m Carl Casaquite,” ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili sabay alok ng kanyang kamay. “Adriana Lopez,” ang pagpapakilalala ko naman sa aking sarili. Kinuha ko naman ang kanyang kamay at nakipagkamay. Kapwa naman kaming naupo. Tulad ng nauna ay he’s also good-looking. Napaka-charming din niya at nagungusap ang kanyang mga mata. “So, what do you do?” ang tanong ko sa kanya sa gitna ng aming pag-uusap. “I’m a surgeon,” ang sagot niya. “A cardiothoracic surgeon to be exact.” “Napaka-importante naman pala ng trabaho mo,” ang komento ko. “How about you? What do you do?” ang tanong niya sa akin. “I’m a writer,” ang tugon ko. “Writer?” ang pag-uulit niya sabay ngiwi. “Yeah, is there a problem?” ang nagtataka ko namang tanong nang masaksihan ang kanyang reaksyon. “Well, do you have a real job?” “What do you mean a real job?” Aba, iba na ang tono ng lalaking ito, ah! “Being a writer is a job.” “But it doesn’t pay much, right?” ang argyumento niya. “This is ridiculous.” “Excuse me?” ang reaksyon ko. “Maghahanap ka ng lalaking magpapanggap na asawa mo, right?” ang tanong niya sa akin. “But how will you pay me, then? Baka nga barya lang ang ibayad mo sa akin kapalit ng gagawin kong pagpapanggap.” “Wow, just wow,” ang tangi kong nasabi. He’s such a douchebag. At akala ko, hanggang doon lang matatapos ‘yun pero nagkamali ako. “Isa pa, women belong to the kitchen,” ang wika niya. “Ang pagtratrabaho ay gawain ng mga lalaki.” Okay, I’m done. Kinuha ko naman ang baso ng sparkling tubig at sinaboy sa kanya. “What the hell!” ang sigaw niya nang gawin ko ‘yun. “How dare you,” ang wika ko sa kanya. “A writer is a job, asshole. Isa pa, hindi mo ako kilala. ‘yang pinagmamalaki mong kinikita mo ay barya lang sa akin. Heredera kaya ako ng Azucarera de Valencia. Lumayas ka sa tingin ko. Layas!” “Hindi mo na kailangang sabihin pa,” ang wika naman niya bago tumayo at mabilis na umalis. It’s already the twenty-first century pero may mga lalaking misogynist katulad niya. Hindi ko ma-take! At hindi ko ma-take ang mga pinadala sa akin ni Trixie! Alam kong desperada ako pero kailangan ko rin namang kilatisin ang mga lalaking willing sa trabahong ‘yun. “Paano ngayon ako makakahanap ng isang pekeng asawa,” ang inboluntaryo kong sambit sabay pukpok ng aking noo sa mesa. “Ayoko na,” ang naiiyak kong banggit. “Excuse me, Ma’am,” ang pagtawag ng waitress sa aking atensyon. Napaupo naman ako ng deretso at inayos ang aking sarili. “Yes?” ang tanong ko na tila ba walang nangyari.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD