Chapter Four

1751 Words
Adriana’s Point of View Iminulat ko ang aking mga mata. Seryoso? Natulog ba talaga ako? Parang ang bilis naman yatang lumipas ng gabi. Napabuntong-hininga na lamang ako at naupo sa aking kama bago napatingin sa paligid. Kasalukuyan akong naninirahan sa isang Studio Type Condo unit. Mag-isa ko lang naman kaya napagpasyahan kong kumuha na lang ng ganitong klaseng tirahan.  Isa pa, madalang din lang naman akong magbisita kaya hindi ko kailangan ng malaking espasyo. Naalala ko kaagad ang mga kailangan kong gawin ngayong araw. Muli akong napahiga at napatingin sa mukha ni Park Seo Joon an nakapaskil sa kisame. “Oppa, sana magically ka na lang dumating sa mga blind date ko mamaya,” ang parang tanga kong pakikipag-usapan sa kanyang larawan. Napabuntong-hininga ako bago pilit na bumaba ng kama. Binuksan ko naman ang music player upang magising ako sa tugtugin. Nakagawian ko nang gawin ito tuwing umaga. Tila ba may mahika ang mga awiting pinapakinggan ko at nagigising ang mga braincells ko. Dumeretso naman ako sa banyo upang hilamusan ang inilagay kong clay mask kagabi. Kailangan ko nang maghanda dahil magtutungo pa ako sa itinakdang lugar kung saan ako makikipagkita sa columnist na mag-iinterview sa akin. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng kuwarto at tumayo sa tapat ng aking wardrobe. Ilang minuto naman akong nakatitig lang sa mga damit ko doon. “Ano nga bang isusuot ko para sa interview?”  ang tanong ko sa aking sarili. Sisimplehan ko na lang. It’s just an interview for the newspaper, anyway. Kukunin ko sana ang isang babypink na blouse at jeans nang matigilan ako. “Pero baka kuhanan nila ako ng larawan on the spot,” ang sunod kong litanya. Kaya naman ibang damit na lang ang aking kinuha at inilatag sa kama; isang powder pink na Alessandra Rich Tweed Blazer Dress. Prim and proper ang style pero may hint pa rin ng pagiging glamorous. Nang maisuot it ay naupo naman ako sa tapat ng vanity table upang maglagay ng make-up at ayusin na rin ang aking buhok. Dahil gusto kong maging isang imahe ng isang strong independent woman, slicked- back hair ang ginawa ko sa aking buhok. Tinapos ko ang aking hair and makeup sa paglalagay ng red lipstick. And of course, hindi mawawala ang paborito kong alahas, ang kuwintas kong may diyamante. Tulad nga ng sinabi nila, ‘Diamonds are a girl’s bestfriend!” Pinaresan ko naman ang aking suot ng isang Christian Louboutin So Kate pumps para makompleto ang aking outfit of the day. Nang makasiguro na maayos na ang aking itsura ay kinuha ko ang aking handbag at car keys bago lumabas ng condo unit. Dumeretso naman ako sa parking lot at sumakay sa aking sasakyan.   ******   Pagkalipas ng halos isang oras ng pagmamaneho ay nakarating ako sa opisina ng local newspaper. Madali ko namang nahanap ang kolumnistang nagngangalang Emil dela Rosa. “Miss Lopez, nice to finally meet you in person,” ang pagbati niya sa akin sabay alok ng kanyang kamay. “The pleasure is all mine, Mister dela Rosa,” ang nakangiti kong tugon. “Akala ko naman kung sinong Miss Universe candidate ang dumating sa opisina namin,” ang pambobola niya sabay tingin sa paligid. Napagaya naman ako to find out that all eyes are on me.” “You flatter me too much,” ang komento ko naman. “I do hope that I wore the right clothes.” “Parang kahit basahan lang ang suot mo; it will still look good on you,” ang wika niya. Napatikhim naman ang kasama niya. “Anyway, this is Michael Raganit. Siya ang isa sa mga photographers dito. Would it all right na kuhanan ka ng ilang litrato for the column?” “Sure. No problem,” ang pagsang-ayon ko naman. Hassle naman kung mapupunta rin sa wala ang pag-aayos ko kani-kanina. “This way, Miss Adriana.” “Tawagin mo na lang akong, Addie,” ang bilin ko naman sa kolumnista. I guess he’s around my age. He’s good looking and physically fit... but not really my type. Ewan ko ba., simula nung linoko ako ni Juancho ay mas lalong tumaas ang standards ko. Ganun naman kasi ang karamahin sa mga lalaki, hindi ba? Sa una lang mabait, caring at sweet pero lumalabas ang tunay na kulay nila kapag naitali na. Mabuti nga at hindi natuloy ang pagpapakasal ko sa kanya. Ayokong matali sa isang lalaking walang paninindigan. Minsan napapaisip na lamang ako. Am I not attractive enough? May kulang ba sa akin? Bakit niya ako nagawang ipagpalit sa iba? Dahil lang ba talaga sa kayamanan ng angkan ng Lopez kaya niya ako gustong pakasalan? Napa-iling na lamang ako dahil sa aking mga naiisip. Nakarating naman kami sa isang silid na mukhang opisina. Pinaupo niya ako sa isa sa mga sofa. Gayundin naman ang kanyang ginawa; naupo naman siya sa tapat. Kinuha ang niya ang voice recorder. “Okay lang ba na i-record ko ito?” ang paalam niya. Napatango naman ako habang nakangiti. “This is Ramil dela Rosa and this is Sunstar, today, I am interviewing Miss Adriana Vera Lopez, a popular Romance Author. So, Miss Adriana, ikaw ang nagsulat ng nobelang “Stay with Me” na talaga namang nagpakilig at nagpaiyak sa maraming mambabasa. Masasabi ring ito ang nagbigay sa’yo ng marka sa writing industry. What inspired you to write this novel?” “Noong mga panahong sinusulat ko ‘yan, I was full of fantasy. Paano ko nga ba maipapaliwanag? Since, NBSB ako, puno lang talaga ako ng imahinasyon na dapat sa pag-ibig ganito... na dapat ganyan. Hindi ko na in-expect na maraming magkakagusto sa nobelang ‘yun.” Napatango naman siya. “Masasabi mo ba na nag-iba na ngayon ang pananaw mo sa pag-ibig?” ang sunod niyang tanong. “Well, yeah,” ang tugon ko naman. “Nasabi mo na NBSB ka. So, may boyfriend ka ngayon?” Umiling naman ako. “Wala, simula noong huli kong relationship two years ago.” “This question is personal, you may or may not answer. What happened?” Napabuntong-hininga naman ako nang marinig ang katanungang ‘yun. “Tulad nga ng sinabi ko, puwede mong sagutin ang tanong kung gusto mo; kung ayaw mo naman ay wala ring problema,” ang pag-uulit niya sa kanyang komento kanina. “No, it’s fine,” ang tugon ko sabay pilit na ngumiti. Sa totoo lang ay ayaw ko nang magbalik-tanaw pa sa nakaraan ngunit marahil ay oras na rin para sagutin ko ito... upang sa susunod ay wala nang muling magtanong pa. “Pero ito ang una at huling beses kong ikwekwento ang mapait kong buhay pag-ibig. To make the long story short, fiance ko siya. Nahuli ko siyang nakikipaglandian sa kaibigan ko.” “Anong ginawa mo noong nalaman mo? Did you confront them?” “Of course,” ang tugon ko naman. “But I waited for the right time. Sa mismong araw ng kasal namin. Sa oras na tinanong ako ng pari kung gusto ko siyang pakasalan... that’s the time I dropped the bomb.” “Wow,” ang natutuwa niyang reaksyon nang marinig ang aking kuwento. “Napaka-astig mo naman, Miss Adriana.” “Well, ang masasabi ko lang, I’m a force not to be reckon with,” ang sagot ko sabay tawa. “So, simula noon ay hindi ka pa nagkaroon ng susunod na karelasyon?” “Na-realize ko na hindi ko kailangan. I’m a strong independent woman na hindi kailangan ng man.” “Are you trying to say na... you hate men?” ang assumption naman niya. “Oh, no! I’m not a man-hater. In fact, I like men. I will be and always be attracted to men,” ang paliwanag ko. “The idea of falling in love again lang ako natatakot.” “And why so?” “Mahirap kasing mag-invest ng emotions at oras sa hindi sigurado. It’s like I’m building a ship to wreck. “Yung maa-attach ka sa taong sa huli ay iiwan ka rin pala. Isa pa, hindi naman necessity sa aking buhay ang mga bagay na ganyan. This time, I choose me.” “I understand. And are you working with a new novel now?” “Yes,” I replied. “Can you tell as a bit what is it all about?” “If I tell you; then, I have to kill you,” ang tukso ko sa kanya. Sabay naman kaming natawa. “Ang masasabi ko lang ay handa na muli akong manakit ng damdamin. So, kailangan talaga nilang abangan ang bago kong nobela.” Ilang tanong pa ang kanyang binato sa akin bago kami natapos sa interview. Kinuhanan naman nila ako ng ilang litrato na kanilang ilalagay sa pahina kung saan ako mafe-feature. “Thank you very much for the time, Addie,” ang pasasalamat sa akin ni Ramil habang hinahatid niya ako palabas ng opisina nila. “No. Thank you for featuring me and my works,” ang pasasalamat ko naman sa kanya. “Addie, can I get your number?” ang biglaan naman niyang tanong sa akin. “Para saan?” ang tanong ko naman pabalik. “Just in case that you want to hang out with me,” ang paliwanag naman niya. “Mister dela Rosa, I don’t want to be rude... or even sound rude,” ang pagsisimula ko. “But if you just want to get my number to hit on me, magiging prangka na ako. Wala pa sa balak kong makipag-date,” Natigilan naman ako nang may mapagtanto. “I’ll give you my phone number in one condition.” “What?” “Marry me,” ang tugon ko. Akala niya lang ay nagbibiro ako kaya naman natawa siya. “Babe!” ang pagtawag ng isang boses kaya naman natigilan naman ako. Napalingon ako at si Ramil nga ang tinutukoy ng babae. Tinapunan ko naman ng masamang tingin si Ramil. “Tapos na work mo?” ang tanong sa kanya ng kanyang nobya nang makalapit ito. Napatingin naman siya sa akin. “Sino siya?” “Heto na nga ba ang sinasabi ko,” ang wika ko. “Cheaters would always be cheaters.” Iniwan ko naman sila nang mabanggit ko ang mga salitang ‘yun. Kaya naman ang hirap magtiwala dahil sa mga lalaking katulad niya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD