Jaewon’s Point of View Nang makapag-ayos ay nagpunta na nga ako sa head office. Tinahak ko ang pasilyo patungo sa Domain of Lust. Adonis Gala, according to Xean, is an underground event. Imbitado ang mga mayayamang babae sa event na ‘yun. Hinatid naman ako ng isa sa mga agents na naroon sa holding area. May ilang mga husband for hire ang naroon. Ang ilan sa kanila ay kakilala ko tulad ni Alex, and William. Mukhang wala pa si Peyton. Mga kasabayan ko sila sa training. Ang iba naman ay nakaksalubong ko o nakakasabayan sa gym. Kaagad naman akong lumapit at naupo sa tabi ni Alex. Kapwa naman sila napatingin sa akin. “What’s up, Jaewon?” ang tanong naman sa akin ni William. “Tired, as usual,” ang tugon ko naman. “This Adonis Gala is giving me the creeps,” ang wika naman ni Alexander. Suman

