Laitera 19- Behind Gustavo's Mask
[Gustavo’s POV]
Nakapikit ako at hinahayaang dumaloy sa aking mukha ang maligamgam na tubig mula sa shower. How could I be so stupid? Ano ba’tong nararamdaman ko? Nahuhulog na ba ang loob ko kay Victoria?
Kahit na parati niya akong nilalait, sinisigawan, tinatadyakan, sinisipa, sinusuntok, parati akong battered husband eh heto ako handang pumatay para sa kanya. Hindi ko na napigilan ang aking galit kanina sa mga manyak na iyon. Lalo na nung nakita kong sinaktan siya ng mga ito. Muntik ko na ngang masira ang pagmumukha nila sa lakas ng mga suntok ko.
Idinikit ko ang aking noo sa pader nung banyo. Mapapahamak ako nito sa nararamdaman ko.
What the heck!
Para akong isang ibon na unti unting lumalapit sa Tigre. Ako na mismo ang lumalapit sa kamatayan ko. Bakit ba hindi sya mawala wala sa sistema ko? Kahit ipikit ko pa ang aking mata siya parin ang nakikita ko. Paano ba na invade ng isang impakta ang pagkatao ko ng ilang araw lang?
And to think na hindi ko talaga siya pweding mahalin.
30 minutes earlier.
“Umupo ka.” Utos ko sa kanya nung makarating na kami sa bahay. Matigas din ang ulo ng isang ‘to. Ubod ng tigas! Muntik na akong makapatay ng tao kanina ng dahil sa kanya. Nanggigil talaga ako ng makita kong hilain nito ang maganda niyang buhok lalo na nung sampalin siya nung bakulaw na iyon. Isama mo narin iyong kamuntikang pagbukas sa blouse niya. Grrrrrrrrrrr!!! Damn I swear hihilain ko sila papuntang impyerno kapag ginalaw nila si Victoria!
Nga pala halos masiraan narin ako ng bait kanina sa pagpupumilit sa kanyang umuwi na sa bahay. Tatanda ako ng maaga sa spoiled brat na’to. Hindi marunong makinig. At nag uumapaw sa kamalditahan. Kung gaano kabait ang ate niya, ganun naman kasama ang babaing ito. Para silang yin yang. Sobrang opposite nila sa isat isa.
“At bakit naman kita susundin?” naka cross arms na tanong niya sa'kin.
“Simple lang dahil ako ang batas sa bahay na’to!” hayst...pwedi bang sundin niya na lang ako dahil 2:05am na at antok na antok na ako.
“Ikaw ang batas pero ako ang masusunod!” Grrrrrrrr, ang hirap kausapin. Kailangan ko atang mag overdose ng stress tabs nito.
“Kapag umupo ka, ako ang magiging katulong bukas.”
Umupo sya. Naku! Di ba nga siya dapat iyong katulong. Siya dapat iyong uutos utusan ko? Aasarin? Eh ano ako ngayon? Sunod sunuran ako sa kanya.Dinaig ko pa ang lalaking under de saya!Bukas ko lang talaga siya pagbibigyan! Bukas lang! Pumunta ako sa banyo at kumuha ng alcohol, cotton, face towel at maligamgam na tubig. Umupo ako sa sofa.
“Humarap ka sa’kin.”
“Inuutusan mo na naman ba ako?!” Wew!!! Heto na naman kami.
“Please Ysa, inaantok na talaga ako.”
“Paki ko! Ede matulog ka!”
“Gagamutin lang naman kita kaya huwag kang-“ hinila nito ang mga gamit sa kamay ko.
“Kaya ko na’to!”
“Okay fine.” Tumayo ako at pupunta na sa kwarto ko ng bigla itong may sinabi na pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto.
“Chenk chho” Napalingon ako. Mahina kasi ang pagkakasabi nito. Dala lang ba ng matinding antok iyong narinig ko?
“Ha?” tanong ko. Gusto ko lang makumpirma kung tama ba iyong narinig ko. Tumayo ito.
“Ang sabi ko THANK YOU!!! Pangit na nga! Bingi pa!” sabay ang pag alis nito sa harapan ko at pag sarado ng malakas sa pinto ng kwarto niya. Wow, totoo nga pa lang may himala! Napangiti ako habang tinititigan ang pintuan nung kwarto niya.
At mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya. Damn!
Isinuot ko ang aking bath towel. At lumabas na sa banyo. Napaupo ako sa kama. Tumingin ako sa salamin. Ang pangit ko nga. Tapos siya sobrang ganda! Hoy, Gustavo huwag ka ng umasa dahil ang babaing iyon ay isang dyosa tapos ikaw isa kang palaka! Hoy! Anong palaka ka diyan! Kapag hinalikan niya ako magiging gwapong prinsipe ako! Gwapo naman talaga ako. Kasing gwapo nung Marcus na kinababaliwan niya pero kailangan kong magpakapangit.
Nagpapanggap akong pangit para lang inisin ang babaing ubod ng ganda na si Victoria. Para maging karma niya.
Tsaka nakalimutan mo na ba iyong sinabi mong hindi mo siya type dahil masama siya?
Tama hindi nga dapat.
Hindi ko siya dapat mahalin.
Dahil ang lahat ng ito ay isa lamang pagpapanggap.
I have to be mean to her at all times. Hindi dapat ako maging mabait sa kanya..pero kapag nasa harap ko na siya..nawawala ang tapang ko. Tsk! Paano na lang ang kompanya?
3 months earlier...
“Drake! I don’t know what to do! Kailangan kong mabawi ang kompanya namin! At tumataginting na 50 million pesos iyon! Saan ako kukuha ng ganun kalaki?” nasa condo ako ng aking kaibigan.
“Gustavo, tumaya kana lang sa lotto!” sabi nito habang abalang naglalaro sa kanyang playstation. ‘
“Suntok sa buwan iyon!”
“Humanap ka na lang ng MBMM”
“Ha? Anong MBMM?”
“Mayamang babaing madaling mamatay!”
“Ungas!”
“Hahahaah! Huwag kang mag alala secured na si Mikaela sa’kin.” kumindat pa ito. Bunsong kapatid ko ang tinutukoy nito na nasa highschool pa lang.
“Wow, suntok gusto mo?!!!!”
“Hoy mga tsong!!! Napatingin kami kay Raymond.” Iyong kaibigan naming sobrang lusog kumain. At saksakan ng nerd.
“Guys! May nakita akong na mapagkakakitaan online!” umupo ito sa tabi ko.
“Not interested. Mayaman parin ako.” sabi ni Drake.
“Ano iyon?” tanong ko. Kami lang naman dalawa ni Raymond ang naghihirap ngayon. Bumagsak kasi ang negosyo nila. Samantalang ako naman. Ipinusta ni Uncle sa casino ang kompanya namin. At sa kasamaang palad ay natalo sya. Nasa highschool pa ang kapatid kong si Mikaela at gusto ko siyang mabigyan ng magandang kinabukasan. Si Mama naman ay may weekly dialysis dahil sa sakit nya sa kidney. Kaya gagawin ko lahat upang mabawi ang aming kompanya. Simula kasi namatay si Papa ay napunta sa pangangalaga nina Uncle ang kompanya pero hindi rin tumagal dahil walang interes si Uncle sa kompanya at pera lang nito ang habol ni Uncle.
Kaya naman nang binanggit ko sa kanya ang papasukan kong trabaho ay agad syang sumang-ayon na tulungan ako.
“Isang audition.”
“Kung pag aartista iyan o pag momodel ayaw ko.”
“Hahahaha baka pang PINOY BIG LOSER iyan.” Kantyaw ni Drake kay Raymond.
“Ikaw na ang may abs!” naiinis na sabi ni Raymond dito. “Hindi ako pwedi eh. Pero itong katabi ko pweding pwedi!” dagdag pa nito tapos inakbayan ako. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa’kin.
Binuksan nito ang dalang netboom at pumunta sa kanyang email. Interesado rin akong napatingin habang si Drake ay patuloy parin sa paglalaro nito.
“Ayan iyong sinasabi ko.” Iniabot sa’kin ni Raymond iyong netbook. At halos idikit ko na sa mukha ko ang gadget.
‘MR. UBOD NG PANGIT (THE UGLY KARMA)’
Operation: Taming a Lioness
Qualification: With weird name!
“Check ka dun! Gustavo Mabantot.” Singit ni Raymond. Nakasilip parin pala ito at timing din ang sinabi niya ha. Parang gusto kong suntukin tong kaibigan ko. Ang pangalan na ito ay ibinigay sakin ni Lolo dahil pangalan daw ito ng isa nyang matalik na kaibigan. Ito raw ang tumulong sa kanya sa maraming bagay lalo na sa kanyang negosyo.
Male, 18-25 yrs old.
Mahaba ang pasyensya, magaling umarte. Pangit or willing magpa-kapangit within the contract.
“For 1 billion pesos just be Victoria Isabelle Escudero's Ugly Karma.”
-EGC-
“Audition ba ang tawag dito? Job hiring naman ito eh.”
“Pssh! Huwag ka na ngang umangal angal diyan. Private message lang iyan sa email at pinagbabawalang ikalat kundi mananagot ka sa Escudero Group of Companies.” Sabi ni Raymond.
1 BILLION PESOS!!!
“Kailan ang audition?”
“I scroll mo pa kaya pababa.”
“Ahhh, so kailangan ko pa palang magsubmit ng resume sa kanila.”
“Gawin mo na ngayon!” excited na sabi ni Raymond. Hihingi ba ito ng balato sakin kapag nagkataong ako ang napili? O baka naman 50% ay sa kanya?! Hahahaah!
Kinagabihan din nung araw na iyon ay nakatanggap ako ng text message na nagsasabing qualified ako para sa audition.
Kinabukasan.
Pumunta ako kung saan gaganapin iyong sinasabing audition. Sa isang pribadong lugar. Tumawid pa kami ng dagat para marating ito. At naglalakihang mga bodyguards ang nakapalibot sa’min. Nilibot ko ang aking paningin. Isang daan ata kaming kalahok. And to think na isa lamang ang mapipili. Sabagay sabi naman ni Raymond may parang consolation price na tig 50 thousand pesos ang hindi mapipili para sa ikakatahimik ng bibig nito. Mabuti na lang at na approbahan akong makapasok.
------
“What’s your name.” Tanong nung lalaking nag-interview.
“Gustavo Mabantot po.”
Tumango ito at binuklat ang laman ng folder na ibinigay ko. Nakita ko pang nagulat ito at ipinakita iyong info sa matadang lalaki na katabi nito. Tinitigan ako nung matanda matapos niyang makita ang laman nung folder ko.
“Kilala ko si Diego San Rafael Mabantot. He was a good business partner back then.” Sabi nito.
“Masipag po si lolo at mabait po sa mga tao kahit po sa mga empleyado ng kompanya." Tipid na sagot ko.
"Sayang lang at mukhang hindi natutukan nang maigi ang kompanya nyo nang mawala si Don Diego. Sa tingin ko mas mapapalago pa ang ABC International kung mapupunta ito sa tamang tao. "
“So, I assume na kaya ka nag-apply sa trabaho ay para mabawi ang kompanya na pinaghirapan ng iyong lolo.”
“Yes po. Mahalaga po sakin ang kompanya dahil pinaghirapan po ito ni lolo. Noong bata pa po ako parati niyang kinukwento kung paano nila binuo ni lola ang kompanya. Dugot pawis po ang isa sa pinuhunan nila dito. At hindi lamang po iyon basta basta isang kompanya, ang ABC International po aynabuo dahil sa pagmamahalan ng lola at lolo ko."
Nakita kong may kinuha ang matandang lalaki sa kanyang wallet. Iniabot nito sa’kin ang larawan ng isang babae...........ng isang ubod ng gandang babae. Ganito ba kaganda ang babaing pa aamuhin ko? O baka naman ang puso ko ang mapaamo nito?
“Can you please describe the girl in the picture.” Nagulat ako sa mga sinabi nito. Napatingin ako ulit sa larawang hawah hawak ko.
“She’s not pretty. Not even gorgeous or beautiful.” Makahulugang sab ko. Nginitian niya ako.
“I'm ammuse. You’re the very first one to tell me that sa lahat ng mga nag apply.”
“She’s not pretty, gorgeous or beautiful...because she’s not wearing a genuine smile on her face.” Sabi ko habang titig na titig sa nasa larawan.
“You’re hired.” Sabi nung matandang lalaki. “Pauwiin na iyong ibang pumipila nakapili na’ko.” Utos nito sa lalaking katabi.
“Ho? Ganun ganun lang? Hindi niyo na ho ba ako hahanapan ng NBI clearance? Malay niyo masamang tao pala ako.”
“Magaan ang loob ko sa’yo hijo.Tsaka mukha ka namang mabait. Nagkita na ba tayo noon? Tanong nito.
Sinubukan kong alalahanin. Kaso sumakit lang ang ulo ko. “Hindi ho Mr. Escudero”.
“Oh.”
“Sir pwedi ko ho bang itanong kung bakit niyo binalak gawin ito?”
“I just want to cure my daughter..to end her curse. Hindi naman siya ganyan nung bata pa siya pero simula nawalan si Tristan bigla na lang nagbago ang ugali niya.”
“Tristan?”
“Bestfriend siya ng anak ko. Anak siya ng dati naming katulong.”
“Ahhhhhhhhhhh.”
“Bibigyan kita ng background sa anak ko. And I’m warning you hijo masyadong masama ang ugali nitong anak ko lalo na sa ibang tao. Just don’t hurt her physically.”
“Hindi naman ho ako nananakit ng babae.”
“Mabuti kung ganun hijo.”
“Handa po kayong gumasto ng malaki?!”
“Handa kong ipahiya ang buong Escudero group of companies. Kahit bumagsak pa ang ratings o kayay maubos ang yaman ko maibalik lang sa dati ang anak ko.”
“Isa po kayong mabuting ama.”
“I just want the best for my daughter kahit kapalit pa nito’y masaktan siya.”
“Makakaasa ho kayong gagawin ko ang lahat para maibalik ang dati niyong anak.”
Napatitig si Mr. Escudero sa’kin.
“Hindi ka naman pangit. Okay lang ba sayong magpakapangit?”
“Oho.”
“Bibigyan kita ng 3 months para magpakapangit. And don’t worry ako ang bahala sa lahat ng gastusin. Just do everything to bring my daughter back.”
“Yes sir!” sabi ko.
“And one thing more...may rules kang dapat sundin...
Rule#1 don't fall in love with the lioness."
“Rule#2 No s****l contact within the said contract"
“Kapag napabago mo na siya. Kailangan mo ng magpakalayo at huwag ka ng bumalik ulit. Alam ko namang hindi magkakagusto ang anak ko sa isang pangit..kaya hindi naman siguro siya masasaktan ng husto kapag nalaman niya ang totoo. At matutuwa pa siya kapag nalamang fake lamang ang magiging kasal niyo. Just be here number 1 enemy, just be her karma. You can do special things to win her trust.”
-Endflashback-
Damn! Nasapo ko ang aking noo. Papatayin ko ang pakiramdam na’to bago paman lumalim ang pagkakagusto ko sa kanya! I’m just her fake husband. Kaya wala akong karapatan sa kanya.
Pero kahit anong pagpipigil ko ay parang magnet ito na hinihila ako papalapit sa kanya.
Okay lang kaya kung sisilipin ko siya sa kwarto niya? Kung okay lang ba siya? Kung tulog na ba siya? Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. She’s sleeping umupo ako sa sahig just staring at her. Naka open ang lamp shade nito kaya kitang kita ko parin ang taglay nitong ganda. Ano bang nangyayari sa’kin? I can’t resist her charm. Napatingin ako sa kisame. Tama. Isa iyan sa mga kagaguhan ko. Ewan ko ba bigla ko na lang naisipang i paint iyan baka kasi magustuhan niya.
Napatitig ulit ako sa kanya.
Bakit parang matagal na tayong magkakilala Victoria?
Or baka pakiramdam ko lang na matagal na kaming magkakilala dahil nahulog na ata ako sa kamandag nito?
No.
Galing kami sa magkaibang mundo. She doesn’t deserved a guy na kagaya ko.
Isa siyang prinsesa. At ako isang dakilang mapagpanggap at ambisyosong palaka na kailanman ay hindi hahalikan ng ubod ng gandang si Victoria, laitera.