Chapter 18

2051 Words
Laitera 18- The Runaway Wife [Victoria's POV] 11:30 pm. Nakahiga ako sa isang cheap na kama na kunting galaw mo lang ay parang uuga na. Nakatunganga sa kisame na feeling ko ay babagsak sa'kin anumang oras. Idagdag mo pa ang aircon na parang hangin sa disyerto ang binubuga. Irritable ako at di makatulog dahil sa kung gaano kapangit si Gustavo ay ganoon din kapangit ang silid ko. Tapoa wala pa akong cellphone. Walang laptop. Walang ipad. Walang TV. Walang kahit na anong gadget. Gusto ba nila akong bumalik sa nakaraan? Sabagay mukhang sinaunang tao naman iyong may-ari ng bahay na'to. Mukhang hindi pa marunong maligo. Ang pangit sobra! Hindi ako makapapayag sa ganitong set up! Kailangan kong makaalis sa pamamahay na'to! Biruin mo iyon pati allowance ko sa kanya ko kukunin! Tapos gagawin pa raw niya akong katulong para lang mabigyan niya ako ng allowance! Psssh, ako?! Katulong?! Never pa'kong na utusan sa buong buhay ko. Ipinanganak ako para maging taga utos sa mga hampas lupa at hindi para utos utusan lang ng isang ubod ng pangit na unggoy na iyon! Bumangon ako sa aking pagkakahiga at sumilip sa bintana. Natanaw ko ang dalawang gwardiyang nag kwe-kwentuhan sa may gate. Kailangan kong makaalis dito. Ngayon din! Nagpalit ako ng jeans at t-shirt. Uuwi ako sa bahay siguro naman hindi ako ipagtatabuyan ni Daddy kapag andun na ako. Lumabas ako ng silid at pumunta sa kabilang kwarto. Tulog na tulog na ang aswang at mukhang hindi na magigising. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Naglakad ako ng walang ingay. Ayon! Nakita ko ang silver na bagay na kumikinang sa kanyang bedside table. Kung swe-swertehin ka nga naman, andun din pati ang wallet niya. Kinuha ko iyong susi ng kotse at iyong wallet niya. Muntik ko ng mabitiwan iyong susi at wallet nang marinig ko ang hilik ni Gustavo. Aatakehin ata ako sa puso. Grabe ang baboy din matulog ng isang ito. Nakanganga sya at tulo laway pa. Ewwww much!!! Lumabas na ako ng kwarto at ini lock mula sa labas iyong pintuan. Just to make sure na hindi siya makakalabas ng kwarto niya para sundan ako. Nilagay ko sa bulsa ang susi at wallet. Iyong mga gwardiya na lang ang pro-problemahin ko. Lumabas ako ng bahay. "Ahem..ahem!!!" tumikhim ako at napalingon iyong dalawa. "Yes maam?" tanong nung isa. "Pinapatawag kayo ni Gustavo." sabi ko. "Dali, mukhang masama ang pakiramdam nya." Ang mga tanga naniwala naman. Nang makaalis na sila dahan dahan kong binuksan iyong gate at agad na sumakay sa kotse. "Ano ka ngayon pangit." Nakangisi kong sambit. "It's Victory! Hail to the most glorious queen!" Pinaandar ko iyong kotse. Narinig ko pa ang sigaw nung mga gwardiya nung nakalabas na ang kotse sa gate. Nakita ko pa sa rear mirror ng sasakyan na hinahabol nila ako. Sige tumakbo kayo kung kaya niyong habulin ang bilis nito. Ano ako sira para manatili sa bahay na iyon at maging alila niya?! Nakalabas nako sa cheap na subdivision na iyon. Buti na lang at walang mga pakialam iyong mga guwardiya. Hindi sila makikisig tulad ng mga MIB sa BillionVille. Pshhh..ano pa bang aasahan ko. There's something weird. Mayaman ba talaga siya? Bakit parang masyadong simple ang pamumuhay na mayroon siya?! Ainaku, paki ko sa kanya. Bakit ba nitong mga nakaraang araw ay parati siyang sumisiksik sa utak ko. Nakaka embyerna! Makalipas ang kalahating oras ay biglang huminto ang sasakyan.Hindi ko pala namalayan agad na paubos na ang gasolina nito. Lumabas ako ng kotse. Walang katao tao iyong lugar na napag hintuan ko. I rolled my eyes heavenly at sa sobrang pagka badtrip ay sinipa ko iyong kotse. Asan na ba ako? Masyadong tahimik iyong lugar. Wala akong nakikitang building. Puro puno...kagubatan. Shet! Nasaan ba ako? Ano ba ang tawag sa lugar na'to!!! Napasandal ako sa harapan ng kotse at nag-iisip ng dapat gawin. Mag-iisang oras ay may natanaw akong dalawang big bike na papalapit sa'kin. May apat na tsonggong nakasakay. Tsk! Kapangitan na lang ba ang parati kong makikita? Tama nga pala napapaligiran ako ng mga kahoy at kagubatan, kaya bakit ko pa ba ipagtataka na may mga tsonggo akong makikita sa daan? Huminto sila sa mismong harapan ko. Nakapameywang ako. Tinaasan ko sila ng kilay. Ang lalapad naman ng mga ngiti nung mga tsonggo. "Hi miss mukhang natirikan ka ng sasakyan." sabi nung isa. "Ano ngayon sa'yo." mataray kong sabi. "Haahaha aba suplada rin ang isang ito ah." "At ang ganda pa!" "Correction. Ubod ng ganda!" pagtatama ko sa kanya. "Wow! Gusto ko na siya pare!" "Ako din!" "Pwedi bang lumayas kayo sa aking harapan mga tsonggo!" "Pre, ulamin na natin to mukhang hindi ko 'to pagsasawaan." "Artista ka ba miss ang ganda mo naman at wetweew ang kinis mo!" pakshet! Parang gusto ko silang tadyakan isa isa. "Ikaw mukha kang pang panglinis ng kaldero ang gaspang ng pagmumukha mo!" galit na sigaw ko sa kanya. "Aba! Loko rin to ah!" Ipinarada nila ang big bike at tumayo silang apat sa harapan ko. "Huwag kang masyadong matapang. Kung ako sa'yo maging mabait ka sa'min para hindi ka namin pahirapan ng husto." Ngumisi iyong mukhang leader nung grupo sa mga kasama niya. Tumingin ito ulit sakin. "Kung ako sa inyo lumayas na kayo sa harapan ko dahil ang kaharap niyo ay isang impakta at kayang kaya ko kayong hatakin sa kulungan ng impyerno!" "Matapang ka ha!" sumugod iyong isa sa'kin. Pero bago pa niya ako mahawakan ay sinipa ko na siya ng malakas sa kanyang tuhod "Aray!!!!" reklamo nito at napahawak sa tuhod niyang natamaan ko. "G*ga kang babae ka ha!' lumapit sakin iyon tatlo. Mabilis na nahawakan ako nung dalawa. Nagpupumiglas ako pero masyado silang malakas. Hinila naman nung isa ang buhok ko. f**k! I swear paduduguin ko ang ilong niya kapag nakawala ako sa pagkakahawak ng dalawa niyang kasama. Pagbabayaran nila ito. Isa akong bilyonarya at kayang kaya kong gantihan ang mga ito. Mas triple kesa sa ginagawa nila sa'kin ngayon! "Pahihirapan kita mamaya sa kama!" sabi nito na ngising demonyo. "Mamaya pa? Para malaman niyo ngayon pa lang hirap na hirap na akong tignan ang mga kapangitan niyo!" matapang na sabi ko sa kanila. "Ang tapang mo ha!" hinawakan naman ng marahas nung isa ang mukha ko. "Mas matapang ang mga amoy niyo! Pweeeeeeeeee!!!" dinuraan ko ang mukha niya. "Damn you b***h!" kinusot nito ang mga matang natalsikan ko ng laway. "Dito ka na namin gagahasain at papatayin!" nahintakutan ako ng makita kong tatangalin nito ang butones ng blouse ko. "HOY MGA G*GO BITIWAN NIYO SIYA!" hindi ko alam kong matutuwa ako o hindi. Kilala ko kung sino ang nagmamay-ari sa boses na iyon. Si Mr. Ubod ng pangit. Iniikot nila ako at kaharap na namin si Gustavo ngayon. Isa pa'to. Dumating pa ang isang tsonggo. Tsk. . Nakasakay sya sa isang bike. Don't tell bike lang ang ginamit nya para hanapin ako? "Sira ulo ka rin para makialam no?" sabi nung isang magtatanggal sana ng butones nung blouse ko. "Kung gusto mo pang mabuhay umuwi ka na lang sa inyo at isipin mo na lang na wala kang nakita!" "Eh gago ka pala paano ako hindi makikialam eh asawa ko iyang pinagtritripan niyo!" "Hahahahahahahahahahaha" biglang ngtawanan iyong apat. Iyong isa napahawak pa sa tiyan niya sa katatawa. "Eh ambisyoso rin pala ang isang 'to!!!" "Hahahahahahah, huwag mo kaming pinagloloko dahil hindi naman kapanipaniwala." "Sa ganda ng babaing ito. Ikaw ang asawa? Hahahahaha" "Inuulit ko bitiwan niyo siya kung ayaw niyong masaktan!" "Ede magkaalaman tayo kung sinong masasaktan!" sinugod siya nung isang lalaki. Nailagan niya ang suntok nito at sinipa niya ito sa tyan. Nanggigil na tinakbuhan siya nung pangalawa pero naunahan niya itong suntukin sa mukha. Taob ang tsonggo. Duguan ang ilong. Mabuti naman at nagantihan niya ito. Ako sana ang magpapadugo sa ilong ng isang iyon! Binitiwan akong nun pangatlo at sumugod narin kay Gustavo. Maagap na nahawakan ni UNP ang kanang kamay ng tsonggo at tinadyakan niya sa birdy nito. Ohh! Sakit nun. Pagkakataon ko na'to. Inapakan ko ng malakas sa paa iyong lalaking nakahawak sakin. Tumakbo ako pero nahuli rin ako nito kaagad. Sinuntok ko siya sa mukha. Hinila na naman nito ang aking buhok. At napahawak sa ilong niyang dumugo rin sa pagsuntok ko. "Ito ang sa'yo!" galit na sigaw nito. Sinampal ako nito ng ubod lakas. Nalasahan ko ang aking sariling dugo. Napahawak ako sa aking labi. Nakaramdam ako ng kirot. At laking gulat ko nang makita si Gustavo na nakatingin sakin, samin. Nakita ko ang matinding galit na pumapalibot sa kanya. Napakuyom ang mga kamao niya. Nagagalit ba siya dahil nasaktan ako? Bigla na lang siyang nagwala at pinagbubog iyong tatlong pinipigilan siyang makalapit sa'kin. Tulala naman ako at titig na titig sa kanya. Tumayo siya sa harapan namin at napatitig ng matagal sa'kin. Sabay ang isang matalim na tingin dun sa katabi kong lalaki na hawak hawak parin ako. "Sa lahat sa inyong apat, ikaw ang pipilayan ko." galit na sabi nito sa tsonggo. "Akala mo kung sino ka!" sigaw nung tsonggo. Binitiwan ako nito at sinugod si Gustavo. Nasipa ito kaagad ni Gustavo sa tagiliran. Tumayo ulit iyong lalaki kahit na namimilipit sa sakit. Susuntukin niya sana si Gustavo pero nailagan lang nito. Kasunod nun ang malakas na suntok mula kay UNP. Tumayo parin iyong tsonggo. Isang malakas na sipa sa tuhod nito ang nagpaluhod sa tsonggo. Natumba ulit ang tsonggo.Kaso hindi na ito nakatayo ulit dahil sinuntok ng sinuntok ito ni Gustavo. Natatakot na napatingin lang ang mga kasama nung tsonggo na bugbog sarado rin. Nagulat ako dahil ginawa niyang punching bag iyong lalaki. Papatayin niya ba iyong lalaki? Hahayaan ko ba siyang makapatay ng tao dahil sa;kin? Paki ko sa kanya. Paki ko sa mga tao. Wala naman akong paki sa iba diba? Masama ako. Selfish. Ngunit para siyang magnet na unti unting humihila sakin. Hanggang sa makalapit ako sa kanya. Nag-aalangan akong hawakan siya. Tama ba 'tong ginagawa ko?! Ano bang nangyayari sa'kin? "Ta-tama na." maging ako ay gulat na gulat sa mga katagang lumabas mula sa labi ko. Tinignan ako ni Gustavo ng masama parang hindi nya ako nakilala kaagad. Ilang segundo pa ay biglang nawala ang galit na nakarehistro sa kanyang mukha nang makilala ako. Binitiwan niya iyong lalaking sabog na ang mukha. Tumayo siya at tinitigan ako. Nagsipagtakbuhan naman iyong apat at mabilis na sumakay sa mga motor nila at nag evaporate. Bigla niya akong kinulong sa mga bisig niya. "Don't do it again Ysa. Mapapatay ko ang sinumang manakit sa'yo." sabi nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. At dumaloy na naman sa aking sistema ang alaala ng nakaraan.................. "Ako ang magiging knight and shining armor mo, Ysa!" nakangiting sabi ni Tristan. "Owws talaga? Eh mukha ka namang lampayatot."pang-aasar ko sa kanya. "Sige tawanan mo lang ako. "Hahahaha, si Marcus ang magiging knight and shining armor ko no! Omg! And he's so gwapo pa naman." "Iyon? Eh mukha nga iyong bakla sa sobrang ka gwapuhan! Tsk. Basta. I'll always protect you.At mapapatay ko ang sinumang mananakit sa'yo." -Endflashback- "Tristan!" dilat na dilat ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Who are you?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Gustavo. "Damn. Answer me! Who are you!!!" nakasigaw kong tanong. "Umuwi na tayo." Bigla akong hinila nito. Binawi ko ang aking mga kamay. "Hoy! Pangit kapag tinanong kita! Dapat sagutin mo! Who the hell are you!!!" He just smirked. "Let's go!" hinila na naman ako nito papunta sa nakaparada nitong kotse. "Ano ba! Bitiwan mo'ko pangit ka!" "Shut up!" "Bitiwan mo'ko hindi ako uuwi sa bahay mo!!" "I said shut up!" "Magsasalita ako hanggat gusto ko!" "Nakakairita ka na! Matapos mo'kong i lock sa sarili kong kwarto, takasan ang mga guards at tignan mo nga iyang muntik mangyari sayo dahil sa katigasan ng ulo mo!" "Hoy! Ano bang problema mo!" "Gusto mong malaman ha! Ikaw! Ikaw ang problema ko!" "Ako? Bakit hindi ka manalamin! Mas nararapat mong problemahin iyang pagmumukha mo kesa sa'kin! Pangit!" Bigla akong kinabig nito. "Biti-" "Halos paliparin ko na ang bike para lang mahanap ka! Masyado akong nag aalala Ysa. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo kanina! " tinignan nito ang labi kong nasugatan. And bago paman ako makapalag ay siniil na nya ako nang halik saking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD