Laitera 17- First Night
[Victoria's POV]
"Victoria....” Gustavo whispered. Nasa ibabaw ko siya and he was looking straight into my eyes. The night felt cold and warm at the same time.
And my heart was beating frantically. For the first time in my life narinig ko itong tumibok ng ganito. Marunong din palang tumibok ang puso kong bato.
Ang nakakapagtaka ay kung bakit ba hindi ko siya magawang itulak? Na para bang nasa ilalim ako ng isang mahika.
Why does he always look deep into my eyes? Ano bang hinahanap niya? Bakit ba masyadong misteryoso ang pagkatao nito? Pakiramdam ko ay may mas malalim siyang dahilan kaya bigla siyang dumating sa buhay ko.
"Victoria..." ulit niya.
And then slowly he kissed my forehead. Napapikit ako sa ginawa niya. I could hear him breathing heavily. Hindi ako ito. Hindi ito si Victoria Laitera!
Paano niya nagawang ilabas ang angelic side ko ng ganito kadali? He’s just this ugly stranger na nakabangga ko sa school and now...he’s my husband.
"Victoria...please push me away." he said...begging me to end his curse. Napatingin lang ako. Ako ba talaga ito. Tama bang banggitin ko ang pangalan niya? Tama ba'tong ginagawa ko? Napalunok ako. It made me fragile. Should I say his name?
"Gustavo...." ngumiti ito ng marinig ang pagbigkas ko sa pangalan niya.
And then suddenly he nibbled my lips. At napapikit ako. At first it was a slow kiss...a passionate one pero nang iyakap ko ang aking mga kamay sa batok niya. At ng gantihan ko din ang mga halik niya. He suddenly turned.into a monster..bigla niyang nilalim iyong halik...I’m melting....matutunaw na ata ang lahat ng kamalditahan ko. May taglay bang antidote ang mga halik nito?
"Ysa, you’ll regret this." he said huskily.
“Am I?” hindi ko alam kung sya o ang sarili ko ang tinatanong ko.
"D*mn! I need you! I need you now!"
"Noooo!" napabalikwas ako ng bangon at bumangga ang ulo ko sa isang bagay.
"Ouch!" reklamo ko sabay hawak sa parting nabangga ng kung anuman.
"Aray!" Teka. Iniangat ko ang aking paningin.
Tang'na! Bumilog ang mga mata ko at halos malaglag na sa lupa ang eyeballs ko nang makita ko si Gustavo na naka paimbabaw sakin. Tinadyakan ko siya sa tiyan dahilan para mahulog ito sa kama.
"Arrrrraaaaaaaaay!!!!" nagpagulong gulong sya sa sahig habang hawak hawak ang kanyang tiyan na sinipa ko. Tumayo ako at pinuntahan siya.
"Rapist!!! Isusumbong kita kay Dad! And I’ll make sure na makukulong ka! Mabubulok ka sa kulungan manyak ka!" sinipa sipa ko pa siya.
"A-ano ba gigisingin lang naman sana kita eh!"
"Wow ha ibang klase ka ring gumising ng tao?! Kailangan naka paimbabaw?!!!" naka pamewang na tanong ko sa kanya. Tumayo sya. Hawak hawak parin ang tyan nya.
"Gigisingin sana kita pero himbing na himbing ka kaya kinumutan na lang kita."
"Subukan mo lang talagang lumapit ulit sakin! Makakatikim ka!"
"Mukha ngang ang ganda ng tulog mo eh. Maganda ba iyong panaginip mo?"
At para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung maalala ko ang panaginip ko. Napatingin ako sa kanya. No way. Napailing iling ako. No wayyyy!!!!! Ito na naman iyong pakiramdam, dahan dahan.naman bumabaliktad ang sikmura ko....napahawak ako sa tiyan ko. Parang may unti unting umaakyat papunta sa lalamunan ko. Napahawak ang isang kamay ko sa aking lalamunan.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
Mas lalo akong nakaramdam ng pagbaliktad ng sikmura ng makita ang pagmumukha niya. Ang pangit!!! Ubod ng pangit!!!
"Victoria, what’s wrong?"
Tinabig ko ang mga kamay niya. Napahawak nako sa bibig ko. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat. Dalawang kamay na ang tinatakip ko sa bibig ko.
"Victoria? Ysa?"
"Buuuuhmp!!!!" kailangan kong pumunta sa cr ASAP! Tatakbo na sana ako kaso mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko.
"Hey, ano bang nangyaya-"
“Buuuuuuuwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!” ayon naisuka ko lang naman sa poloshirt niya iyon kanina ko pa gusto ilabas. Nandidiri nya akong binitawan. At napatingin sya sa suot niyang damit.
“Pakshet! Nakakadiri ka Victoria!”
“You deserved it monster looking guy!” sabi ko sabay takbo sa banyo na nasa loob lang din ng silid.
Binuksan ko iyong faucet at naghilamos. Shet! Diring diri ako sa sarili ko. Kahit panaginip lang iyon nandidiri talaga ako sa naging bed scene namin! How could I let him kiss me and have me in my dreams! Nakakadiri ka Victoria!
"Thank you ha! Ang sweet mo talaga!” narinig ko pang sigaw niya. Narinig ko ang mga yabag niya palabas ng kwarto at ang pagsara ng pinto. Naghilamos ako ulit. Naghilamos ng naghilamos hanggang sa mahimasmasan ako! Biruin mo iyon kahit sa panaginip ko may alien na nag-iinvade! At ang malala pumayag naman ako at mukhang gustong gusto ko pa ang nangyari.
Napahawak ako sa aking noo. At napatingin sa salamin. “That was the worst nightmare I had in my whole life.”
Dalawang oras akong nanatili sa banyo hanggang sa makaramdam ako ng gutom.
Napahawak ako sa aking tyan dahil tumunog iyon. Buong araw pala akong hindi nakakakain. Naghanap ako ng damit sa cabinet and to my dismay wala dito iyong mga paborito kong damit. Simpleng simple lang ang mga damit na naroon at ang kukulay pa. Damit ko ba talaga ang mga ito?
Dun ko naalala ang mga regalong damit sakin ni Dad noon na hindi ko nagagamit.
Lumabas ako ng silid at nakita kong nasa may dining area si Gustavo. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa mesa. Sobrang liit nung mesa. Parang apat na tao lang ang pweding kumain dito. Napatingin ako kay Mr. Ubod ng Pangit. Nakatalikod ito sa’kin at mukhang may ginagawa sa lababo. Nakabihis na sya at hindi na amoy suka.
“I’m hungry.” sabi ko sa kanya.
“Heto nagluluto na po mahal na prinsesa!”
“Bilisan mo gutom na talaga ako!”
“Alam mo bang dapat ikaw ang gumagawa nito?!!! Pero dahil first night nating magkasama sige pagbibigyan kita. Mabait naman kasi ako eh hindi gaya ng iba diyan.” Obvious naman ako ang pinapatamaan nito.
I just rolled my eyes. Wala akong lakas makipag-away. Nanghihina ako kapag nagugutom.
“Pero bukas ikaw na ang magluluto!”
“I’m hungry!” ulit ko. Sumasakit na kasi talaga ang tiyan ko nakalimutan ko kasing kumain kanina.
“Kunting tiis na lang malapit na’to.”
“Bilisan mo. Ano ba iyang niluluto mo?” masyado akong nanghihina para sigawan ko siya kaya medyo chill lang iyong tono ng pananalita ko. First time ko kasing malipasan ng gutom sa buong buhay ko.
“Beef steak” tipid na sagot nito habang tinitikman iyong niluluto niya.
“Bilisan mo.” Utos ko.
“Heto na nga binibilisan niya senyorita. Bakit hindi mo na lang ipagdasal diyan na maluto na kaagad iyong ulam.”
“Gutom na talaga ako.”
“Ano ba hindi ka ba marunong mag-“ napahinto ito ng makita akong nakapangalumbaba at nanghihina.
“What.”
“Hindi mo bagay.”
“Ang ano?”
“Ang nanghihina.”
Ganito ako kapag nagugutom.”
“Wow, hindi mo’ko sinisigawan! Isa itong himala! Isang malaking himala! Dapat pala gutumin kita palagi.”
“Subukan mo lang.” Tinignan ko siya ng masama kahit nanghihina.
Inilapag nito ang mga plato, kutsara tinidor, baso etc.. Tinitignan ko lang siya habang abalang abala sa ginagawa nito.
“WHOMP CHOMP RIP SKLIK URP GLORK”
Tumunog na naman iyong tyan ko. Napahawak ako rito.
“Hahahahahaha!!! Gutom ka na nga!” Tinapunan ko siya ng kutsara . Sapol sa mukha.
“Aray! Ang sadista mo, babe!”
“Bilisan mo naman pangit gutom na talaga ako.”
“Say please.”
“Ano?!”
“Sabi ko mag please ka muna.”
“Ayaw ko.” nasisiraan ba sya.
“Okay fine.” Kumuha ito ng kanin at ulam pero para sa kanya lang. Umupo ito sa harapan ko.
“Ummmmmmmmmmmmm.... ang sarap naman.” Tinignan ko lang siya habang dahan dahang niyang sinubo iyong karne.
“Ulmmmmmmmmm , ang sarap!” parang nakaka enganyo ang pag nguya nito. Para iyong napapanuod ko sa youtube na korean mukbang.
Nakakatakam iyong tunog kung paani sya kumain.
“Gusto mo?” tanong nito sa’kin. Tumango lang ako.
“Say please muna.”
“Ayaw ko!” sabay tayo ngunit bigla na lang umikot iyong paligid ko. Naramdaman ko ang mabilis na pagtayo nito at pag-aalalay sa’kin.
“I-Im sorry Ysa.” Sabi nito sabay alalay sakin paupo. Nagmamadali itong kumuha ng kanin at ulam pero nanghihina talaga ako. Sobrang naghihina ako ngayon. Tinitigan ko lang ang pagkain.
“Susubuan na lang kita.” Anito sabay upo sa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. “Sige na Ysa ibuka mo na ang bibig mo.” Papatulan ko ba ang trip ng isang ito?
“Sige na, say ahhhhhhhhhhhhhh..........”
My choice pa ba ako? Eh sa nanghihina talaga ako. Pagtiyagaan ko na lang muna ang kapangitan niya. Ibinuka ko ang aking bunganga at isinubo niya sakin ang pagkain. Nginuya ko ito.
He patted my head. “Good girl. Ayaw kong nakikita kang nanghihina.” nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. The way he said that it really reminded me of my childhood friend.
“Tristan?”
“Ha?” nakakunot noong tanong nito.
“Wala.” Sabi ko sabay bawi nung kutsara sa kanya. “Layas kaya ko na’to.”
“Hahahahaha kaya mo naman pala babe. Gusto mo lang palang magpasubo sakin?”
“Pwedi bang umalis ka sa harapan ko para makakain ako ng maayos.”
“Ayaw ko nga.”
“Nakakawala ka ng gana sa pagkain.” Sabi ko. “Bakit ba ang pangit mo?”
Bakit ba ang laitera mo?”
“Bakit mo ba ako pinakasalan?”
“Ohoooooooooooooooo!!! Ohoooo! Ohooooooooo!!” nabulunan sya bigla. Tinakbo nito ang refrigerator at kumuha ng tubig. Pero imbis na ilagay sa baso deritso na nitong ininom iyong nasa container, napangiwi ako. Ewwww!!!
“Wew, kamuntikan na iyon!”
“Sayang natuluyan kana sana ede byuda na ako. So, bakit ka nga ba nagpakasal sa’kin?”
“Ha?”
“Gusto mo bang tuluyan kita sa pagbibingi bingihan mo diyan?!”
“Ano ba iyang pinagsasabi mo?”
“Dahil ba sa taglay kong ganda o dahil sa kayamanan ko?”
Tinitigan ako nito ng mabuti.
“Ano ba ang pagmamahal sa’yo Victoria?”
“Love? Isa iyong mapanganib na pakiramdam. It could either kill you or make you numb.” Tae bakit ko ba siya kinakausap!
“Love is when you see an imperfect person perfectly. Iyong tipong kahit gaano pa siya kasama sayo ay hinding hindi parin nababawasan iyong pagmamahal mo para sa kanya.”
“Psssh, corny.” Sabi ko sabay tayo.
“Ha?! Aalis kana hindi kaman lang ba maghuhugas ng pinggan?” Unti unti ng bumalik ang aking lakas. Baka naman pwedi ko na siyang sakalin ngayon?
“Mas mukha kang katulong kesa sakin kaya you do the dishes. Matutulog na’ko!”
“Hoy!!! Ysa! Ang daya mo! Bukas hinding hindi na kita pagbibigyan!!! Ikaw na ang gagawin ng mga household chores!”
“Whatever.”
Pumasok ako sa loob ng kwarto. And I slammed the door.
“Good night babe! Sweet dreams!!! Hoy! Teka wala bang good night kiss diyan?” narinig ko pang sigaw nito.
Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto. Kitang kita ko ang buwan at ang mga bituin. Napatingin ako sa orasan. 8:30pm na pala. Napatingin ako ulit sa labas.
Si Gustavo at Tristan iisa lang ba sila? He always reminds me of Tristan. Pero hindi naman sila magkamukha. Kung siya nga ang Tristan na kilala ko.
"Papel, gunting, bato!"
"Papel, gunting, bato!”
"Papel, gunting, bato!"
"Hahahah 3 wins!" masayang sigaw ko tapos dinilaan ko si Tristan. Sumimangot naman ito at mukhang hindi nito nagustuhan ang resulta ng laro. Paano ba naman kasi parati siyang talo. Andito kami ngayon sa may park ng BillionVille kasama ang mga bodyguards at yaya ko.
"Ang daya mo naman eh!" reklamo nito.
"Hahahaha bakit hindi mo kasi matanggap na talunan ka!"
"Eh madaya ka naman talaga! Binabagalan mo kasi!"
"Hahahahah! Hindi kaya!"
"Tawa ka diyan!"
"Ang sungit mo naman Tristan!"
"Paano parati mo kasi akong natatalo..."
"Hahahaha parati mo kasi akong pinagbibigyan!"
"Hindi ah! Nandadaya ka lang talaga!"
"Hahahahaha! So mag iisip na'ko ng dare?"
"Pwedi ring hindi!!"
"Hahahaha, suplado!"
"So?"
"Huwag kang makulit nag-iisip pa'ko!"
"Hay....ang tagal!"
"Heto na!"
"Ano?"
"Jump like a frog" nasisiyahang utos ko.
"Wow, mukha ba'kong palaka?"
"Ahahaha medyo! Nguso mo pa lang pwedi ng maging kmag anak ng palaka! Hahaha"
"Hey, san ka natuto ng pagiging laitera mo?"
"Sayo! Hahaha"
"Sa'kin???"
"Ou, isa ito sa mga defense mechanism na kailangan kong gawin for me to win. Remember, find your opponents' weakness, ‘Physically’!"
"Ha! Hindi naman ganyan iyong tinuro ko."
"Hahaha, ganun ko inintindi e."
"Tssse! Alam mo ba ang kwento ng The Frog Prince?"
"Oh tapos?"
"Pag laki natin pwedi mo ba akong halikan? Para maalis ang sumpa sa'kin at maging napakagwapo nakong prinsipe? Kapag nangyari iyon liligawan na kita Victoria."