Chapter 16

2113 Words
[Victoria’s POV] "Hoy, ibaba mo’ko pangit!! Impakto! Halimaw! Demonyo! Engkanto! Aswang! Lalaking ubod ng pangit!” Pinagsasapak ko ang likod niya. Kinakarga ako nito na para bang walang nararamdamang bigat. Badtrip talaga nagsasayaw pa kami ni Marcus! Nilalandi ko pa si Marcus tapos eeksena ang isang ito. "Paki buksan nga iyong kotse.” Utos nito sa driver. "Hoy, ano ba!!!! " sapilitan ako nitong pinasok sa backseat. “Ano baaaaaa!!!” nagpupumiglas ako at pinagsasapak ko siya. “I swear ipapadala kita sa impyerno at makaka bonding mo si Satanas!” "Grabe nakaka ilan ka na!! Gusto mo kiss kita para umamo ka?!" sabi nito habang tinatakpan ng mga kamay ang kanyang mukha upang maprotektahan ang sarili sa mga pananapak ko. Ano pa bang ikinakatakot niya kung matamaan ko siya eh ang pangit niya! Hinubad ko ang aking kanang stiletto shoe. “Lalabas ako ng kotse o papatayin kita gamit itong stiletto ko!” pagbabanta ko sa kanya. “Sige gawin mo alam ko namang hindi mo kayang pumatay ng tao.” Sabi nito. Hindi pa nga ako nakakapatay pero baka siya na ang magiging unang biktima ko. Pinalo palo ko ang aking stiletto shoe sa kanya. “Mamatay ka! Mamatay kana!!!!! Pangit ka!!!” hinawakan nito ng malakas ang mga kamay ko at inagaw ang aking stiletto shoe sabay tapon nito sa labas ng bintana. "Sumusobra ka na ha!" hinila nito ang kamay ko. Magkalapit ang mga mukha naming dalawa kaya hindi ako nakagalaw sa takot. "Isa pa talagang hahalikan kita." wika nito. Agad kong hinila ang kamay ko at lumayo ako sa kanya. “Grabe ka Victoria! Kailangan ba parating harsh ka sa’kin? Huwag kana kasing umangal at sumama ka na lang. Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae” "Hindi pa’ko baliw para sumama sa’yo!” “Baka nakakalimutan mong Mrs. na kita.” “Ano ngayon hindi ako sasama sa’yo!!!” “Nga pala isuot mo itong coat ko ang laswa ng damit mo.” Sabay tapon sa’kin nung wedding coat niya. Eeeew bahala siya, never! Alam kong kasing bantot niya ito. “Paki mo sa damit ko! Bakit gusto mo rin bang magsuot ng ganito?” “Anong tingin mo sa’kin bakla! Hoy, Mrs. Victoria Isabelle Mabantot straight na lalaki itong husband mo! Hindi ako bakla!” “Hindi ka nga bakla pero mukha kang syokoy! Ang pangit mo!” “Ang ganda mo ha!” “Ubod ng ganda!” pagtatama ko sa kanya. "Hahahahaha ang sweet niyo naman ho.. Maam, Sir." Sabi nung driver. Eh ,kung tadyakan ko kaya siya. "Ang sweet talaga nitong Misis ko." Inakbayan ako nito. Siniko ko naman siya. "Aray!" "Saan ba tayo sir?" tanong nung driver kay Gustavo. "Sa bahay. Sa bago naming bahay.." sagot nito. "Ihinto mo ang kotse! Bababa ako!" utos ko sa driver. "No!" sabi ni Gustavo. "Ihinto mo!” “No. Deritso lang!” “Ihinto mo sabi eh!” “Huwag kang makinig sa kanya manong, deritso lang!” sinapak ko na naman siya. “Hey, ano ba!” "Arrrrrggh! Nabwe-bwesit na’ko sayo pangit!" “Mabwesit ka lang wala ka ng magagawa akin ka na.” Biglang tumunog ang cellphone niya. “Hello, Mr. Escudero.” Tumingin ito sa’kin. “Yes, dad?” ngumisi ito.Pssssh, ang kapal ng pagmumukha! Ang lakas ng loob na tawaging dadi si Dad! “Pasyensiya na kung hindi na kami nakapaalam sa inyo. Bibisita na lang kami sa inyo sa mga susunod na araw.” Namilog ang mga mata ko. Ano hindi kami uuwi sa bahay? Inagaw ko sa kanya ang cellphone. “Hello Dad? Anong kalokohan ito? Hindi ba kayo naaawa sa’kin mukhang rapist ‘tong kasama ko! Hinding hindi ako titira sa isang bahay na siya lang ang kasama ko!” “He will take good care of you, Victoria. Sige, bye hija.” “Dad! Daddy! Hey!” bigla nitong inagaw ang cellphone sa’kin. “Damn you! “ ngumisi lang ito. “Suotin mo na iyong coat ko nagmumukha kang cheap diyan.” Tinignan ko lang siya ng masama. “Lalo na nung nakipagsayaw ka sa feeling gwapo na Marcus na iyon.” Naka smirked pang pang-aasar nito. “Gwapo naman talaga siya! Eh ikaw?!” Bigla lang ito nanahimik at ipinikit ang mga mata. “Hoy ikaw hampaslupa ihinto mo ‘tong kotse o mawawalan ka ng-“ napahinto ako ng bigla akong hilain ni Gustavo. Nahihindik na napatingin na naman ako sa kanya dahil magkadikit na naman ang mga katawan namin. Ramdam ko ang mga kamay niyang nakayakap ngayon sa likod ko. Kinikilabutan talaga ako! Nakapikit ito. “Hoy! Manyak bitiwan mo’ko!!!” “Ang ingay mo Ysa gusto mo bang patahimikin kita?” bigla nitong iminulat ang mga mata at napatingin ito sa mga labi ko. No way! Nagpakapagod akong mag toothbrush at mag gargle noong isang araw! Muntik na ngang mapudpud ang perfect set ng ngipin ko dahil sa kakalinis ko tapos hahalikan niya lang ako ulit?! “Subukan mo lang halikan ako at morgue ang punta mo!” “Hahahaahah hopeless ka nga talaga!” Agad ako nitong binitiwan at napaurong ako ng husto sa gilid nung kotse. Nakapangalumbaba akong napatingin sa labas ng bintana. Ano pa bang magagawa ko? Pinagkaisahan na ako ng mundo. Kahit si Dad ay ipinaubaya na ako sa impaktong ito. Sina Beatrice, Samantha at Allison na lang ang nasa panig ko. “Mas hopeless iyang kapangitan mo!” “Hahahahahahaahahha, maiinlove ka rin sa’kin!” pang-aasar na naman nito. “Tsk!!! Asa! Hinding hindi kita magugustuhan kahit 1% lang!” “Hahaahahahahah, malalaman din natin kalaunan.” Tsk! Antipatiko! Tantya ko tatlong oras ang naging byahe bago namin narating iyong sinasabi niyang magiging bahay namin. Kung bahay nga bang matatawag ito. “What?! You call this a house?!” nabwe-bwesit na tanong ko sa kanya nang makababa ng kotse at makita ang sinasabi nitong bahay. Dito na ba ako titira ngayon? No way! Eh mukha itong bahay ng isang hampas lupa! Isang floor lang. Masyadong simple. Masyadong maliit. Masyadong boring! Isang bungalow type na bahay! “Akin na ang cellphone mo tatawagan ko si Dad. Uuwi ako sa’min!” “Ipinagkatiwala kana sa’kin ng Daddy mo. Let me rephrase it. Ipinagkatiwala kana sa’kin ni Daddy. Daddy natin.” Kinindatan ako nito. Sinipa ko naman siya. “Aray!!! Ang sweet mo ha!!” “Dito lang ako! At hinding hindi ako papasok sa mukhang pang hampas lupang bahay na iyan!” naka cross-arms ako at umuusok talaga ang ilong ko sa galit. Ako ipinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig ay biglang titira sa isang bahay na saksakan ng simple at walang bakas ng ka sosyalan?! NEVER!!! “Problema ba iyon? I’ll carry you, my bride.” “f**k you!!!” bigla ako nitong kinarga in a bridal style. Nagpupumiglas parin ako at pinagsasapak siya. Baliwala lang din dito ang ginagawa ko. “Paki buksan iyong gate tsaka iyong pintuan.” utos nito sa guwardiya na andun. Tapos ng makapasok ay ibinagsak ako nito sa sofa. “Damn you!!!” sigaw ko. “Hindi ka ba titigil sa kasisigaw? Masisiraan na ata ako ng bait sa’yo!” “Akala ko ba mayaman ka. Bakit ang pangit nitong bahay mo! Nagmana sayo pangit! Tsaka asan na ba tayo?! Mukhang napaka cheap ng subdivision na’to!” “Masanay ka na dito na tayo titira ngayon.” “Uuwi ako sa’min!” “Andito na iyong mga gamit mo.” “What!” “Andito na iyong mga gamit mo. Pinalipat ko na kanina.” “At sinong nagsabi sayo na titira ako sa iisang bahay na kasama ka? Nagpakasal lang ako sayo at hanggang dun lang iyon. Hindi ako titira sa isang bahay na sobrang pangit tapos pangit pa ang kasama ko araw araw!” “Hahaaha babe kailangan mong maging mabait sa’kin.” Umupo ito sa sofa katabi ko at inakbayan ako. Tinignan ko siya ng masama. “Kasi ako lang naman ang magbibigay ng allowance mo.” Nakangiting pang-aasar nito sa’kin. “What the hell are you talking about?! Tsaka asan na ba iyong mga katulong!” “Actually wala akong katulong at ngayon na andito kana, ikaw na ang magiging katulong ko. May dalawa tayong guards pero wala tayong katulong. Mas gusto ko kasi na ikaw ang mag-asikaso sa’kin.” Siniko ko siya ng malakas this time. “Aray!!” napahawak ito sa tagiliran niya. “Damn you hinding hindi ko iyon gagawin!” “Ga-gawin mo iyon dahil hindi ko ibibigay ang allowance mo.” Sabi nito kahit namimiliipt sa sakit. “Pshhh, manigas ka hinding hindi ko gagawin iyon!” “Naka freeze lahat ng bank accounts mo.” “Ano?!!!” hinila ko ang kwelyo nung polo niya. “Gusto mo ba talagang mamatay ng maaga ha!” “Hahahhahaha, sobrang hot mo talaga babe! Nag uusok na naman ang ilong mo sa galit. Kung ako sa’yo be a good girl. Remember, nasa akin ang allowance mo.” “Gusto mo ata ng gyera araw araw no!” “Gyera sa kama pwedi?” Sinuntok ko siya sa panga. “f**k-ang sakit ha?! War freak ka rin no?!” Napahawak ito sa kanyang panga. “Hindi lang iyan ang aabutin mo kaya kung ako sa’yo hayaan mo na’kong makauwi sa mansion dahil kung hindi magiging impyerno ang bahay na’to!” “Kung kasing ganda mo naman ang demonyitang makakasama ko. Okay lang! I would prefer to live in hell with you babe.” Hinawakan pa nito ang baba ko. Pwedi ko ba siyang i headbutt ngayon?! Tumahimik na lang ako dahil sobrang gigil na gigil na’kong patayin siya. “At nga pala huwag kang umasa na magkatabi tayo sa kama dahil magkaiba tayo ng silid. Baka kasi gahasain mo’ko.” Kumindat pa ito. At siya pa ang may gana pa siyang sabihin iyon! Ang kapal talaga ng pagmumukha!!!! Sobrang kapal! “Pero magkatabi lang din ang kwarto natin if ever na kailanganin mo’ko.” He flashes his devilish smile. The hell! “Damn you!” sasampalin ko na sana siya ng mahawakan nito ang mga kamay ko. “Ysa.....” that name again. Kapag tinatawag niya akong Ysa pakiramdam ko si Tristan ang kaharap ko. Pero kailangan kong pumikit para maging si Tristan talaga siya. Ang pangit kasi nito. At si Tristan ay sobrang gwapo. Napatingin na lang ako sa kanya. Bigla itong lumapit ng dahan dahan...ng dahan dahan.................ito na naman iyong pakiramdam...pakiramdam kung kelan na pa-paralyzed ang aking katawan....Tadyakan mo siya Victoria! Suntukin mo! Sakalin mo! Patayin mo! Pero nanatili lang akong nakatulala...naghihintay sa gagawin niya........ano bang nagyayari sa’kin! Damn...1 inch na lang ang pagitan sa mga mukha namin...naririnig ko na rin ang kanyang paghinga...I thought he would kiss me again pero bigla itong may ibinulong sa tenga ko...”Babe............” tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Scary Movie!!!! “Babe................ magluto kana nagugutom ako!” At dun ko na siya tinadyakan. “Ouch!!! Grabeeee saan ka ba pinaglihi mas masahol ka pa sa gangster ah!” “Luto your face!!!! Kainin mo iyang mga plato diyan dahil hinding hindi ako magluluto!!!!’ sabay pasok sa isang silid na sinabi niyang magiging kwarto ko. Sino ba siya sa akala niya? Ako! Isa akong senyorita, isa akong heredera at hinding hindi niya ako pweding utos utusan! Magkamatayan na! Isinara ko ng malakas iyong pintuan. “HAHAAHHHAHAHAHHAAHHAHA!!!” narinig ko pa ang malulutong na tawa nito. Sige tumawa ka lang ng tumawa dahil mamaya lalasunin kita! Inilibot ko ang aking paningin sa silid. Damn. Pang babae na pambabae iyong silid with shade of pink. Anong akala niya sa’kin girlalosh?! Napakasimple at napakaboring. Mukhang hindi mamahalin iyong mga gamit na andito. Tsk! Dito na ba talaga ako titira?! Isa akong prinsesa tapos titira ako dito? Dito sa napaka low quality na bahay na’to? Ang masaklap pa may aswang akong kasama! Humiga ako sa kama dahil sa matinding pagod. At dahin narin sa matinding stress at galit na nararamdaman ko ngayon. Gagawa ako ng paraan para makalayas sa pamamahay na’to! Iniangat ko ang aking paningin. At dun ko napansin ang naka drawing sa may kisame...it’s a wall painting........wall painting ng isang prinsesang humalik sa palaka. “What do you want me to paint for you when I grow up and be Michael Angelo’s successor?” “Hahahahahahaha, ang yabang mo talaga Tristan!!! Hindi ka naman ganun kagaling magdrawing eh!” “Hay, panira ka talaga ng pangarap Ysa! Kung mangangarap ka lang naman lubos lubusin mo na!” “Hahahahaha okay!” “So, ano?!” “I want you to paint this.” Ipinakita ko sa kanya ang aking fairytale book. ‘THE FROG PRINCE'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD