Laitera 15 - Bitchy Reception
[Victoria's POV]
"Miss Victoria, papagalitan po ako ni Sir Leonardo nito. Hindi pa po ba kayo tapos diyan?" kanina pa kumakatok ang make up artist s***h fashion designer sa pinto ng hotel room na kinaroroonan ko.
"Miss Victoria, kanina pa po kayo hinihintay ng mga guest sa reception."
Paki ko sa kanila? Maghintay sila diba sila lang naman ang may gusto sa kasalang ito? Ang lalapad nga nang mga ngiti nila kanina. Iyong tipong tuwang tuwa sila sa naging kaparusahan ko.
Kaya maghintay sila, maghintay sila hanggang sa magunaw ang mundo! Dahil hinding hindi ako sisipot.
And if they thought that this is the end of my pagiging laitera s***h kontrabida well, nagkakamali sila.
"Miss Victoria..."
"Miss Victoria!" Ang sarap naman tapunan ng pusa nitong fashion designer. His too loud. Nakakairita. Hindi ko na lang siya pinansin.
Nagpalit ako ng bathrobe. At inapak-apakan ang aking wedding gown na ginamit ko kanina. "You're going to pay for this Gustavo Mabantot! Hinding hindi ko patatahimikin ang buhay mo!"
"Miss Victoria! Miss Victoria! Maawa po kayo sa'kin!" Ang kulit niya talaga. Ayaw magpaawat. Parang hindi siya naubusan nang enerhiyang kumatok sa pinto kahit mag-iisang oras na.
At dahil nainis ako sa ingay niya, binuksan ko ang pinto at tumambad sa'kin ang mukhang naluging mukha ng fashion designer. Mukhang tumanda sya ng isang dekada keysa nang makita ko siya kaninang umaga. Na stress ba sya ng bongga dahil sa'kin?
"Ang kulit mo rin no!" tinapon ko sa kanya ang tuwalyang ginamit kong pampunas nang mukha ko.
"Well, I think you need to do some retouched." wika ko dahil kagagaling ko lang pala maghilamos ng mukha. That's the only reason kaya pinagbuksan ko sya ng pinto.
Umupo ako sa harap ng salamin. At napatingin sa cocktail dress na pamalit ko para sa reception. Kulay puti iyon na may lacy puff sleeves.
Ayaw ko ng white! Nagmumukha akong mabait kapag sinuot ko iyon. Tsaka ang tabas masyadong pang dalagang Pilipina.
I prefer something black. Because black for me signifies strength and power. Gusto kong natatakot ang mga tao sa paligid ko dahil sa aurang taglay ko.
"Hey, you! Palitan mo ng kulay itim iyang damit ko!" utos ko dun sa designer.
"Miss Victoria, hindi po kayo pweding magblack hindi naman po kasi lamay or burol ang celebration ngayon." wika niya pa.
Tumayo ako sa inis. Hindi niya ba'ko kilala?! Pwedi ko pa bang gamitin iyong linya ko? Huwag na lang dahil Victoria Isabelle Mabantot na kasi ako.
" Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong pinapakialaman iyong mga taste ko pagdating sa mga damit na susuotin ko." Humarap ako sa kanya.
"Gusto mo bang mawalan ng trabaho?!" I asked him. Nataranta siya at mukhang di na mapakali keysa kanina.
"Hi-hindi ho maam."
"Then get your ass off here and find me a dress to wear!" Tiinignan ko siya ng masama.
"Miss Victoria naman hi-hindi po talaga pwedi."
"Gusto mo bang kaliskisan kita dyan ha? Hindi ka ba natatakot sa pwedi kong gawin sayo?"
Lumuhod siya sa paanan ko.
"Parang awa nyo na po. Nangako po ako kay Miss Anabelle na susuotin nyo ang damit na sya mismo ang pumili."
"Psssh. Si Annabelle ang pumili nyan?" inaasar nya ba talaga ako?
"Vicky!" narinig ko ang boses ni Allison. Napalingon ako sa pintuan at nakita ko ang aking tatlong nag gagandahang mga kaibigan. And they were all gorgeously wearing black.
"It's your wedding day tapos ang init init ng ulo mo." sabi ni Samantha.
"As if naman ginusto ko 'tong kasalan na'to." sagot ko.
"Oh, Vicky our condolences ulit." medyo naiiyak na niyakap ako ni Samantha. Para nga talaga silang dadalo sa lamay sa mga suot nila.
"Oh Vicky we're so sad." sabi ni Allison. "Hindi na kami dumalo sa wedding ceremony kanina dahil baka mapiga ang puso namin habang nakikita kang magpakasal sa isang monster." dagdag nito.
"Okay lang iyon, Allison. Pasasaan ba't mabyubyuda rin ako!" makahulugang sabi ko sa kanila.
"Oh, well...it's not a bad idea after all." sabat ni Beatrice. "I can't imagine you having kids with him."
"Mapapatay ko sya!" sigaw ko naman. Dahil nahintakutan ako sa sinabi ni Beatrice.
"Miss Victoria, may masama po ba kayong binabalak sa husband niyo?" tanong nung designee. Tinignan namin siya. Nakaluhod parin sya sa harapan ko.
"Who are you?" naiiritang tanong ni Beatrice rito.
"Just don't mind him. May mahalaga pa tayong dapat pagtuonan nang pansin keysa sa kanya." sagot ko.
"Yeah, just go out and leave us here." sabi ni Samantha. Isa ito sa bibihirang pagkakataon na sadyang pinalampas nya lang.
"No, hindi ako aalis dahil aayusan ko pa si Miss Victoria." taas noong sabi nito. Nagpapakamatay ba sya?
"Just go out and save your life." sabi ko sa kanya.
"I will stay here." Kinuha nito ang damit na susuotin ko sa reception. "Miss Victoria, magbihis na po kayo para ma ayusan ko kayo." Gusto niya talagang mamatay ha pwes pagbibigyan ko ang bruha.
"Oh, what a wonderful dress. Akin na nga. I really admire Andrea's taste." nakangisi kong kinuha ang damit sa kanya at ipinakita sa tatlo. Baliw ba si Andrea para isiping susuotin ko ton damit na pinili nya para sakin?
"Yea, sobrang ganda." Nakangising pagsang-ayon ni Allison.
May kinuha si Beatrice at iniabot sa'kin.
"Mas maganda siguro kung mas pa iikliin pa natin. " sabi ko sabay gunting sa bandang dulo ng dress. Pinaggugupit ko iyon hanggang sa pumangit at umikli.
"Naku anong ginawa mo Miss Victoria! Mapapagalitan ako ni Maam Andrea at sir Leonardo nito!" Naiiyak na sabi nito.
Tsk. Napa smirked ako. Akala ko talaga gi-give up na sya pero talagang palaban ang isang 'to.
"Aalis muna ako at ikukuha kita ng bagong damit!" nagmamadali syang umalis ng silid.
"Bea" sinenyasan ko si bea na tawagin ang mga bodyguards niya. Lumapit samin ang apat na lalaki.
"Siguraduhin niyong hindi na makakabalik sa party ang baklitang iyon. Ikulong nyo sa cr hanggang sa matapos ang event ngayon." utos ko. Tumango naman ang mga ito.
"Haahahha, you're wicked Victoria." Sabi sa'kin ni Samantha.
"Wicked of course. Kailangan mo pa bang sabihin yan?"
"Hey, darlin' we have a surprise for you!!!!" Sinenyasan ni Beatrice iyong alalay niya na may dala dalang kahon.
Pagbukas ko nung kahon tumambad sa'kin ang mga signatured items. All in black. Just my favorite color.
Nagkatinginan kaming apat tapos napangiti.
"Let's rock and paint this wedding with black." Sabi ko sa kanila.
[Gustavo's POV]
"Asan na ba si Victoria!" narinig ko ang galit na sigaw ni Mr. Escudero. Tatawagin ko na ba siyang Dad? Hindi parin ako makapaniwala na nagawa nitong pahiyain ang kanyang anak sa napakaraming tao.
I mean sa buong mundo. Napaka impakta naman kasi nitong anak niya. Saan ba ito nagmana mukhang mabait naman silang lahat. Ampon kaya siya?
"I'll just go and get her, Dad." narinig kong sabi ni Lyka. Sadyang malayo ang ugali nito kay Victoria. Sobrang bait nito at down to earth pa.
"It's not necessary." narinig kong sabi ni Marcus.
Tulala ang g*go ha. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.
Pssh, pagwapo!
Napatingin ako sa direksyong tinitignan niya. And I saw four goddesses na naka black. Teka, nang-iinsulto ba sila?
May namatay ba?
They were all making a grand entrance, walking like a stunning super models. Pero ang mga mata ko ay naka focus lang kay Victoria. I must admit,na nangingibabaw talaga ang kagandahang taglay nya. If she was as kind and gentle like Lyka siguradong na inlove na ako sa kanya.
Nakasuot siya ng kulay itim na damit. Maikli at hapit na hapit iyo sa kanyang sexying katawan. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na kinulot sa bandang dulo. She was oozing with fire at hindi kaila sa akin ang malalagkit na tingin ng mga kalalakihang naroon. At isa na nga roon si Marcus.
Mukhang huhubaran na nga nya si Victoria sa kakatitig niya. Eh kung nag-ayos lang talaga ako mas gwapo pa'ko sa lalaking ito! Hindi naman kami nagkakalayo na dalawa eh.
Lahat ng camera ay naka focus sa kanila. Naka focus sa kanya. At mukhang nag-eenjoy sila sa atensyon na nakukuna nila.
Lumapit sya sa'min. "Do you like my dress?" tanong nito sa'kin. Napalunok ako ng umikot sya at ipinakita sakin na backless pala iyong suot niyang damit. Kumikinang na parang bituin sa kalangitan iyong maputi niyang kutis. Talaga nga bang asawa ko na ang babaeng ito?
"Sige maglaway ka lang dahil hinding hindi ito mapapasayo!" sabi nito sakin. Lumapit sya kay Marcus at malanding inaya itong sumayaw.
"Let's dance." Yaya nito. Ang g*gong Marcus naman pumayag. Nakita kong hindi na halos maipinga ang mukha ni Lyka lalo na ng mommy nito. Grabe may pagka insensitive rin pala ang Marcus na'to.
Habang nakikita ko silang sumasayaw teka ako ang groom tapos sila ang sumasayaw?!! Sumasayaw sa saliw ng sweet music. Nakahawak si Marcus sa beywang nito at nakayakap naman ang mga kamay ni Victoria sa batok nito. Bumubulong bulong pa iyong Marcus tapos tatawa naman ng ubod landi itong si Victoria. Tapos siya naman iyong may ibubulong kay Marcus tapos si Marcus naman iyong tatawa ng ubod ng landi!
Grrrrrrrrr!!!! Kalma lang. Kalma lang Gustavo. Para akong masisiraan ng bait kapag nakikita ko si Victoria na lumalandi kay Marcus. Lalo na kapag nakikita kong nakangiti si Marcus at mukhang nag-eenjoy sa pagpapacute nitong si Victoria.
"Damn!" napatayo ako sa mesa at lumapit ako sa kanila.
"Hoy, asawa ko ata iyang nilalandi mo!" sabi ko kay Marcus.
"We're just dancing." Sabi ni Marcus sa'kin.
"Psssh, dancing daw. Halika na nga!" hinila ko si Victoria. Pero hinila nya ang kamay nya.
"Ewwww huwag na huwag mo nga akong hawakan!" dumikit ito kay Marcus na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Ayaw nung babae." sabi ni Marcus.
"At kanino niya gusto sa'yo?!"
"Ikaw Victoria, itigil mo iyang kalandian mo dahil sinasaktan mo ang ate mo! At ikaw Marcus akala ko ba kapatid lang ang turing mo kay Victoria! Pinakitaan ka lang ng likod at cleavage nagka-amnesia ka na bigla!" napanganga ito sa mga sinabi ko.
"Manhid ka ba? Di mo ba alam na may nasasaktan sa ginagawa nyong dalawa?"
"Halikana nawalan ako ng gana sa reception." Hinila ko ulit si Victoria.
"NO!" Ayaw kong sumama sa'yo!"
Dahil matigas ang ulo nya ay wala akong choice kundi ang buhatin sya.
"Sasama ka sa'kin sa ayaw mo man o sa gusto!" Binuhat ko siya sa aking kanang balikat at pinagsasapak nya ako sa aking likuran.
"Hoy saan mo dadalhin si Victoria!!!!" galit na sigaw ni Marcus.
"Gagawa kami ng baby! Gusto mo sumali???!!!!" naiirita kong tanong kay Marcus. Natameme naman ito.
"Hoy g*go! Papatayin talaga kita!!! Hinding hindi ako sasama sa'yo!!!" sigaw naman ni Victoria.
Wala kang magagawa dahil ilalayo kita sa Marcus na iyan. Period.
Lumayas na kami sa harapan niya. Um-exit kami sa reception. Naiwang tulala ang lahat sa nangyari. Napapikit ako at nasapo ko ang noo ko. Tsk! Eksena! Bakit ko ba ginawa iyon.