LAITERA 14-THE WEDDING
(Victoria’s P.O.V.)
Music playing:Forevermore by Side A
Isang garden wedding. Sandamakmak na mga showbiz personalities, mga businessman at ilang commoners ang andito. And I f*ckin hate it. Ang daming camera na nakafocus sa’kin. Sarap tapunan ng stiletto shoes!
I'm currently walking down the aisle, with all eyes on me. Alam ko namang nagagandahan sila ng husto sa ‘kin. Kailangan ko pa bang ulit-ulitin na maganda ako? I mean,ubod ng ganda! Hindi tulad ng ibang bride na umiyak o naka-smile, matapang ang pagmumukha ko ngayon. Tinataasan ko pa nga ng kilay ‘yong ibang naka-smile sa ‘kin. Mga leche!
Hindi ako kakikitaan ng bahid ng kaligayahan. Ikaw ba naman kasi ang piliting magpakasal, matutuwa ka ba? Ang masaklap pa, ubod ng pangit ‘yong magiging husband mo!
Tiningnan ko ang groom na mas nararapat na tawaging broom! Ang pangit grabe!! Super gulo ng buhok niya! Psssh, at ngayon niya pa naisipang magsuot ng nerd na salamin ha! Of all day sa kasal pa talaga namin leche!
Tapos sobrang puti pa ng mukha niya na hindi naman pumantay sa leeg. Hindi rin bumagay iyong suit sa kanya. Nagmukha tuloy siyang apparition ng isang bangkay na namatay noong unang panahon, naku kabaong na lang talaga ang kulang at bebenta na iyong get up niya!
Hindi talaga ako nararapat sa kanya. Isa akong pangarap, pangarap na hindi niya dapat maangkin! He doesn’t deserve me. He’s a one hell of an a**h*le.
Naglalakad ako ng sobrang bagal. Sige nga matanong kita, gugustuhin mo bang tumakbo papuntang aisle kung kasing pangit ni Shrek ang makakatuluyan mo? Pshh, wala akong paki kahit umulit-ulit pa ‘yong kanta. Hindi rin ganoon kalayo ang altar. Kung hindi lang talaga para kay Daddy hindi ako magpapakasal sa aswang na'to. ‘Di bale, sisiguraduhin ko kaagad na mabubyuda ako mamayang gabi!
Sa dinahan-dahan man ng paglalakad ko patungong altar ay narating ko parin ito. Nasa harapan na ako ngayon, infront of Gustavo and Marcus.
Initsapwera ko lang ang broom–este groom– and laid my eyes on the most handsome bestman ever. Marcus...
He's that ubod ng gwapo guy that I always dreamt of. His hair is as smooth as silk and his eyes, para akong matutunaw kapag tinitingnan ako ng mga ito. His lips, alam kong kasing lambot ito ng labi ko and his aura is like a prince chamring in a fairytale book. Hindi ako naniniwala sa fairytale pero kung kasing gwapo naman niya ang nasa harap ko eh di sige, may happily ever after na.
"Vicky..." Oh my, he's looking at me! Hindi ko namalayang sa kanya ko pala naiabot ang kanang kamay ko. Pwede ko ba siyang hilain papunta sa altar at siya na lang ang maging groom ko?!
"You're beautiful..." Parang may sumipang kabayo sa puso ko. Matagal na ‘kong maganda Marcus, ngayon ka pa gumanyan!
"Am I?" Ngumiti pa ‘ko sa kanya,pa-demure syempre. Nagawa ko pang magpa-cute sa mga oras na'to. Tumango lang ito. Tama ba 'tong nakikita ko? May bahid ng lungkot sa mga mata niya?
"Ehem! Ehem!Gusto ko lang sana ipaalala sa inyo na ako ang groom dito?!" singit ni Gustavo.
"Best wishes, Vicky." Sabay abot ni Marcus ng aking kanang kamay ni UNP.
"Bad luck." Patama ko kay Gustavo. Hinawakan nito ang kamay ko na nagdulot ng kilabot sa buo kong pagkatao. Hello, mukhang gorilya kaya itong magiging husband ko!
"He's a liar." Patungkol nito kay Marcus. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Pwede ko ba siyang apakan ngayon in public?
"’Coz you're not beautiful baby, you're gorgeous." Wika nito at inilalayan na ako papunta sa altar. Tsk! Nakakakilabot!
"Nga pala, ngayon mo pa naisipang magsuot ng nerd na salamin ha!"
"Para naman masilayan ko ng mabuti ang taglay mong ganda, baby!" Tsk! Sipain ko kaya ang pagmumukha niya?!
"We are gathered here today in the sight of God and angels, and the presence of friends and loved ones, to celebrate one of life's greatest moments, to give recognition to the worth and beauty of love, and to add our best wishes and blessings to the words which shall unite Gustavo and Victoria in holy matrimony."
Psssh, parang gusto ko na lang magpakamatay sa mga oras na'to!
"Marriage is a most honorable estate, created and Instituted by God, signifying unto us the mystical union, which also rests between Christ and the Church; so too may this marriage be adorned by true and abiding love..."
Marami pang sinabi ‘yong Pari na hindi ko na pinakinggan. Hindi naman din kasi ako interesado sa kasalang ito. Parang gusto kong maghikab. Wala bang fast forward dyan,Father?
"Would you please face each other and join hands." Napilitan akong harapin siya, with taas kilay ofcourse! He's smiling like a daredevil. Father, wala ka bang holy water dyan?Pakisabuyan naman itong mukhang engkantong kaharap ko!
Hinawakan nito ang mga kamay ko at tumingin sa ‘kin. Ako nama'y tumingin din sa kanya, sa kung anong mayroon sa likuran niya to be exact.Mukha lang akong nakatingin sa kanya pero ‘yong garden talaga ‘yong tinitingnan ko.
"Gustavo Mabantot, do you take Victoria Isabelle Escudero to be your wife? Do you promise to love, honor, cherish and protect her, forsaking all others and holding only to her forevermore?"
"I do!" kaagad na sagot nito. Napa-smirk naman ako.
"Victoria Isabelle Escudero, do you take Gustavo Mabantot to be your husband? Do you promise to love, honor, cherish and protect him, forsaking all others and holding only to him forevermore?" napabuntong hininga ako hindi lang isang beses kundi dalawa. Napatingin ako sa ubod ng pangit na lalaking kaharap ko.
"No choice father!" sagot ko na nagpatawa sa lahat ng mga nakarinig na guest.
"Victoria!" narinig kong sigaw ni Dad. Okay, fine! Inulit no’ng Pari ang tanong.
"Victoria Isabelle Escudero do you take Gustavo Mabantot to be your Husband? Do you promise to love, honor, cherish and protect him, forsa ‘king all others and holding only to him forevermore?"
"I cho." Sabi ko. Tumaas ang kilay ng Pari sa inasal ko.
"VICTORIA ISABELLE!" sigaw ulit ni Dad. Okay! Sige! Para happy kayong lahat!
"I DO!" singhal ko sa kaharap ko. Ngumiti naman ito nang nakakaloko.
Ang dami pang sumunod na mga seremonyas na ikinabigat lalo ng dibdib ko...exchange of vows, exchange of rings at lahat ng mga ka-etchosan sa kasal!
"May the Lord bless you and keep you. May the Lord make his face shine upon you, and be gracious unto you. May the Lord lift up his countenance unto you, and give you peace."
"Congratulations, you may now kiss the bride!" Napatingin ako kay Father sa sinabi nito. Gulat na gulat at nandidiri sa mga katagang 'kiss the bride'. Umatras ako. Never! Hindi ako magpapahalik ulit sa pangit na'to!
"Subukan mo lang halikan ako at hindi ka na aabot bukas." Mahinang sabi ko kay Gustavo.
"Baby, ano ba isang kiss lang naman." Ngumuso pa ito na mas lalong nagpakilabot sa 'kin! Ang pangit talaga! Napangiwi ako lalo na nung lawayan ng dila niya ang lips niya. Eeeew!!!
“Baby, huwag ka ng mahiya hindi naman ‘to ang first kiss nating dalawa!” unti unti niyang inilapit ang nguso niya sa’kin. At sa sobrang takot ko na mahalikan niya ako uli ay hinawakan ko ang kanang kamay niya, umikot ako patalikod sa kanya para kumuha ng pwersa at saka siya ibinalibag sabay apak sa mukha niya nang lumapat ang likod niya sa sahig.
“Oh, ayan halikan mong paa ko! Ambisyoso palaka!”
Di naman magkaugaga iyong mga photographer na andun para kunan ang moment na iyon. Kaya iyon ang naging kinalabasan ng wedding picture naming dalawa. Napangisi ako lalo ng makita na halos himatayin naman iyong tiyahin at tiyuhin niya dahil sa eksena. Ginusto niyo ‘to diba? *evil laugh*