Kabanata 15

1683 Words
Maagang lumabas si Evelyn dahil maaga rin siyang nagising. Nagtaka nga siya na hindi niya naabutan na nag-eehersisyo si Jack pero itinatanggi niya sa isip niya na hindi niya hinihintay ang binata. Nakita ni Evelyn na kalalabas lang din ni Charles mula sa bahay ni Jack dahil doon din ito naninirahan. Ganoon sila kalapit sa isa’t isa dahil totoong magkapatid na talaga ang turingan nila. “Good morning, Charles.” Kaagad na binati ni Evelyn si Charles noong nakalapit na sa kanya. Nakangiti nang malawak si Evelyn noong binati niya si Charles pero nagtaka naman siya na tiningan siya ni Charles mula ulo hanggang paa at hindi niya mabasa kung ano ang ibig sabihin ng tingin na iyon kaya maging siya ay napatingin sa suot niyang damit para tingnan kung may mali o kung marumi iyon. “Wow!” Iyon ang unang binigkas ni Charkes ng makabalik ang tingin niya sa mga mata ni Evelyn. “Bakit? Binati lang kita ng magandang umaga pero ganiyan na ang reaction mo? Paano kaya kapag nag-ayos pa ako bago kita batiin?” pagbibiro naman ni Evelyn kay Charles. “Ang aga-aga ay binibiro mo ako sa ganiyang reaction! Baka isipin ko pa na nagagandahan ka sa akin!” dagdag na sinabi pa ni Evelyn dahil ngayon lang naman naging ganoon ang reaction ni Charles sa kanya kaya inisip kaagad niya na binibiro lang siya nito. “Hindi ako nagbibiro, ah! Sa katunayan ay nagulat lang talaga ako noong makita kita dahil blooming ka ngayon! Ano ang mayroon? May special occasion ba?” tanong ni Charles. “Ano ang ibig mong sabihin? Ganito naman ang itsura ko palagi.” “Hindi ko mapunto kung ano iyon pero sigurado ako na may kakaiba sa iyo ngayon at blooming ka talaga.” Dahil sa sinabi ni Charles ay mas lumawak ang ngiti ni Evelyn. Alam niyang sadyang palabiro si Charles pero nararamdaman niya na sincere ito sa pagbibigay ng compliment sa kanya ngayon. Wala naman siyang binago sa routine niya tuwing umaga kaya iniisip lang niya kung ano ang iba sa kanya para maging ganoon ang reaction ni Charles sa kanya. “Pero seryoso, ano ang mayroon ngayon at mukhang blooming ka?” pangungulit sa kanya ni Charles. “Alam mo, hindi ko nga maintindihan kung ano ang sinasabi mo. Ano ba ang mayroon sa akin ngayon at ganiyan ka magbiro?” tanong ni Evelyn. Dahil sa tanong ni Evelyn kay Charles ay tiningnan ni Charles si Evelyn sa mukha para alamin kung ano ang bago sa kanya. “Teka, hindi ko nga rin alam pero kitang-kita na maaliwalas ang mukha mo ngayon. Ano nga ba ang nagpapa-blooming sa itsura mo ngayon?” “It’s her smile.” Napalingon naman ang dalawang nagbibiruan na sina Charles at Evelyn dahil dumating na pala si Jack na hindi man lang nila napansin at dahil na rin sa naging sagot nito sa tanong ni Evelyn. Muli namang pinagmasdan ni Charles si Evelyn at napansin nga niya ang maganda nitong ngiti. Kinabahan naman si Evelyn dahil sa pagsagot ni Jack. “Ang ibig sabihin ba nito ay nagagandahan siya sa akin dahil sa ngiti ko? Sumasang-ayon kaya siya sa sinabi ni Charles?” Iyon ang nasa isip ni Evelyn sa oras na marinig niya ang naging sagot ni Jack. Dahil na rin sa naisip niya ay hindi na nawala ang ngiti sa mga labi niya. “Tama ako, hindi ba? Lalo siyang gumanda ngayon, hindi ba, Jack?” tanong ni Charles sa kaibigan na may kasama pang pang-aasar. Inaabangan nilang dalawa ang isasagot ni Jack pero bigla na lang nitong sinabi na umalis na sila bago pa sila maabutan ng matinding traffic sa daan. Natawa naman si Charles sa inasta ng kaibigan dahil ngayon lang ulit ito nagbigay ng compliment sa isang babae at nasabi pa niya iyon kahit na hindi naman siya ang tinatanong. Ang ibig sabihin lang noon ay maging si Jack ay sang-ayon na kakaiba ang ganda ni Evelyn ngayon dahil sa ngiti niya. “Totoo ba na nagandahan si Jack sa ngiti ko? Dahil kung oo, puwede ba akong maging masaya na nakatanggap ako ng compliment mula sa kaniya? Masaya rin naman ako na sinabi iyon ni Charles pero . . . iba ang dating ng sinabi ni Jack. Bakit pakiramdam ko ay napasaya kaagad niya ako dahil sa simpleng sinabi niya?” ani Evelyn sa isip niya nang makasakay na sila sa sasakyan para pumasok sa opisina. Pagkatapos nilang mag-usap at manghingi ng tawad sa isa’t isa ay pakiramdam ni Evelyn na napapalapit na siya sa mga boss niya. Sinama na niya at tinatatrato niyang boss si Charles dahil iyon naman ang nararapat. NANG MAKARATING NAMAN SA opisina sina Jack ay hindi pa rin nito tinitigilan ang kaibigan sa pagbibiro tungkol sa pagbibigay nito ng compliment kay Evelyn. Kahit na maraming gagawin si Jack ngayon ay hindi naman niya magawang paalisin ang kaibigan dahil alam niya ang ugali nito na sadyang mapagbiro. Kung mayroon mang mas nakakikila kay Jack ay si Charles iyon. “Last time I checked madalas mong pinagagalitan si Evelyn at palagi mo siyang sinisigawan. Maging ako nga ay napagagalitan mo kapag ipinagtatanggol ko pa siya sa iyo, hindi ba? Ano ang nangyari?” tanong ni Charles kahit na abala na si Jack sa pagsagot ng mahahalagang email at abala sa pagtutok sa laptop niya. “Ano ba ang ibig mong sabihin? Saan papunta ang usapan na ito?” “Ikaw nga dapat ang tanungin ko kung ano ang ibig sabihin ng mga kinikilos mo. Alam mo naman na puwede kang magsabi sa akin anumang oras.” Hindi pa rin nakatingin si Jack kay Charles dahil alam niya na makikita lang ngiti ang mapang-asar na ngiti ni Charles. “Hindi kita maintindihan. Paligoy-ligoy ka pa sa tanong mo. Busy ako rito kaya diretsuhin mo na kung ano ang nasa isip mo dahil kung kalokohan lang iyan ay wala akong panahon para makipagbiruan sa iyo. Palalabasin talaga kita rito sa opisina ko kapag hindi ka pa tumigil.” Hindi naman ganoon kaseryoso si Jack sa mga salita na iyon pero may katotohanan na maaari niyang palabasin si Charles kapag hindi pa tumigil sa pang-aasar sa kanya at pagtatanong ng kung ano-ano. “Bakit mo niyakap si Evelyn noong isang araw? Bakit bigla ka na lang bumait sa kanya at nakuha mo pa siyang bigyan ng compliment kanina? May gusto ka ba sa kanya? Sabihin mo nga sa akin, inaakit mo ba si Evelyn? May relasyon ba kayo ni Evelyn?” Dahil sa sunod-sunod na tanong ni Charles ay napatingin na si Jack sa kanya. Iyong tingin pa naman ni Jack ang parang gusto nitong bigyan ng ilang suntok si Charles. “Nababaliw ka na ba talaga? Anong pang-aakit ang pinagsasabi mo? Ako? Sa tingin mo ba ay kailangan pang mag-akit ng isang Jack Avillarde? Parang hindi mo naman alam na mga babae ang lumalapit sa akin. Isa pa, wala kaming relasyon ni Evelyn! Baka kung sino pa ang makarinig sa kabaliwang sinasabi mo!” Tumawa ng malakas si Charles dahil sa paraan ng pagsagot ni Jack sa kanya. “Iyon lang pala ang mga tanong na kailangan para tumingin ka sa akin. Well, parang nahuli rin naman kita, Jack. Sinagot mo na hindi mo siya inakit at wala kayong relasyon pero hindi mo sinagot kung gusto mo ba siya kaya isa lang ang ibig sabihin noon.” Naisip ni Charles na kahit papaano ay may gusto ang kaibigan niya sa sekretarya nito na si Evelyn. Kung tutuusin ay maganda naman talaga si Evelyn kaya hindi malabo na magkaroon ng paghanga sa kanya kahit sino sa opisina nila at maging si Jack ay puwede ring humanga sa dalaga. “Wala nga! Sinagot ko iyon. Isa pa, ang dahilan ng biglaang pagyakap ko sa kanya ay dahil tumawag sa akin ang mga may-ari ng store sa Makati at Tagaytay para ipaalam na bibigyan tayo ng pagkakataon dahil gumawa ng paraan si Evelyn para kumbinsihin sila sa pagkakataon na iyon. Nagustuhan din nila ang pangungulit ko sa kanila at paghingi ng tawad kaya napagdesisyunan nila na bigyan pa ng isang chance ang S2J. Humanga sila sa pagiging dedicated natin sa mga gustong magtiwala sa produkto ng S2J kaya binigyan tayo ng pagkakataon. Masama ba na maging masaya dahil sa ginawa niya? Sa kabila ng mga sinabi ko sa kanya ay gumawa siya ng paraan para maresolba ang problema. Hindi ko ba iyon puwedeng i-appreciate man lang?” Tumango-tango pa si Charles dahil iyon naman talaga ang dahilan ni Jack. Isa pa, alam din niya kung gaano iyon ka-importante kay Jack kaya naman hindi rin imposible na sobrang saya lang nito nang marinig ang balita na iyon. “Sige, makalulusot ka sa sinabi mo pero dahil sa naging sagot mo kanina ay parang sinabi mo na rin na nagagandahan ka kay Evelyn. Nagagandahan ka sa kanya, ano?” pangungulit pa ni Charles. Hindi siya aalis hangga’t hindi nakakukuha ng sagot sa kaibigan. Aalis lang siya at tatahimik kapag sumagot ito nang maayos at kapag kuntento na siya sa pang-aasar sa kaibigan. “Charles, hindi ako bulag para hindi makita na maganda siya. Maganda naman talaga siya kaya wala akong nakikitang masama na sabihin iyon sa kanya.” Napa-palakpak pa si Charles nang marinig iyon na parang napakahalaga ng sagot na iyon. “Sabi na nga ba! Parehas pa kayo ng sinabi sa akin! Ganiyan din ang sinabi niya sa akin nang tanungin ko siya kung guwapo ka sa paningin niya.” Muling tumingin si Jack kay Charles at nagtanong ng, “Ano ang isinagot niya sa iyo?” “Bakit ka naman interesado? Busy ka sa trabaho mo, hindi ba? Aalis na ako para hindi ka maabala.” Ntatawa na lang ulit si Charles na lumabas mula sa opisina ng kaibigan niya. Ramdam na ni Charles na may espesiyal na nararamdaman ang kaibigan niya para kay Evelyn dahil unti-unti na itong lumalambot at nagiging bukas na ang isip nito para unti-unting magpakilala sa ibang tao. Hiling niya na magtuloy-tuloy na iyon dahil hangad niyang bumalik ang dating sigla ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD