Kabanata 14

1815 Words
Balisang-balisa si Evelyn habang nasa HR department. Ang inutos lang sa kanya ni Jack ay dalhin iyon sa kanila dahil balak niyang bumalik kaagad sa opisina ni Jack para malaman ang dahilan ng pagtawag nito kay Nestor. Nalaman ni Evelyn na nasa kritikal na kalagayan ang anak ni Nestor dahil kulang ito ng buwan kaya ganoon na lang ang awa na naramdaman niya sa matanda. Noon pa man ay malambot na ang puso ni Evelyn sa mga sanggol kaya ganoon na lang nag naging reaksyon niya. Sa halip na dadalhin lang niya ang isang envelope sa HR department ay tinawagan siya ni Jack para sabihin na hintayin na rin niya iyon dahil kailangan iyong maibalik sa kanya. “Evelyn, heto na ang envelope. Pakibalik na lang ulit kay Mr. Avillarde. Salamat.” Sa oras na makuha ni Evelyn ang envelope ay kaagad siyang tumalikod para makabalik sa opisina ni Jack. Hindi niya alam kung nandoon pa si Nestor ngunit kumatok siya para ibalik ang envelope na iyon kay Jack. Narinig niyang pinapasok siya nito at pagbukas ng pinto ni Evelyn ay siya namang pagluhod ni Nestor kay Jack na ikinagulat ng dalawa. Lumapit si Evelyn para ibigay ang envelope kay Jack pagkatapos ay tinulungan niyang tumayo si Nestor. “Ano po ba ang nangyayari?” bulong nito kay Nestor. Hindi na iyon nasagot ni Nestor dahil nagsalita si Jack. “Totoo ba ang sinabi niya sa akin, Espinolista?” Hindi naman alam ni Evelyn kung ano ang pinag-uusapan nila kaya nagtanong siya at si Nestor ang nagsabi na sinabi niya ang totoo kay Jack pati na rin ang pagkausap nito sa kanya para hilingin na huwag sabihin kay Jack ang tungkol doon. Hindi makatingin si Evelyn kay Jack dahil nagsinungaling siya sa boss niya at tinanggap lang ang masasakit na salitang sinabi nito sa kanya pati na rin ang p**********p nito sa trabaho ay tinanggap lang ng sekretarya niya. Kalmado man si Jack sa sitwasyon at nabigla sa nalaman niya ay hindi niya magawang magalit sa dalawa lalo na at buhay ng mag-ina ni Nestor ang pinag-uusapan dito. Kilala ni Jack si Nestor dahil matagal na itong nagtatrabaho sa kanya at ito ang unang pagkakataon na nagkamali ito sa trabaho at nalaman ni Jack ang tungkol sa panganganak ng asawa niya kaya ipinatawag niya ito para tulungan. Hindi pa man nagsasalita si Jack ay bigla na lang inamin ni Nestor na siya ang may kasalanan kung bakit nagkaproblema sa dalawang store na maiging binabantayan ni Jack. Bago pa man dumating si Evelyn ay nilinaw niya na wala siyang alam sa pagkakamali ni Nestor at hindi siya tatanggalin sa trabaho pero kaya siya ipinatawag nito ay para sabihin na huwag muna itong pumasok sa trabaho para bantayan ang kalagayan ng mag-ina nito at para sabihin na sasagutin niya ang gastusin sa ospital. Napaluhod na lang si Nestor dahil sa sobrang saya at pasasalamat sa mabuting kalooban ng boss nila. Pinagsabihan din ni Jack si Nestor na huwag na iyong uulitin dahil ayaw niya sa empleyado na hindi nagsasabi ng totoo. “Tapos na tayong mag-usap, Nestor. Maaari ka nang umuwi ngayon.” Nagpasalamat si Nestor at umalis sa loob ng opisina ni Jack kaya naman ang natira na lang doon ay sina Evelyn at Jack. Sinabi ni Jack na manatili roon si Evelyn dahil mag-uusap pa sila. Hindi maipinta ang mukha ni Jack kaya hindi alam ni Evelyn kung galit ba ito o galit na galit sa kanya. “Gusto ko lang malaman kung bakit mo iyon ginawa?” tanong ni Jack sa kanya pero nanatili lang siyang nakayuko. Alam na ni Evelyn sa sarili niya na hindi pa niya hustong kakilala si Jack kaya naman nahusgahan niya ito na baka tanggalin sa trabaho si Nestor. Hindi niya naisip na posibleng tulungan pa nito si Nestor. Nabulag siya sa katotohanan na maaaring tulungan ni Jack si Nestor dahil sa masasakit na sinabi nito sa kanya. “I’m sorry, Sir Jack. Hindi ko kayang sabihin na si Nestor ang may kasalanan dahil sa sitwasyon niya.” “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.” Napatingin si Evelyn kay Jack dahil sa naging sagot nito. “Ang gusto kong malaman ay kung bakit hinayaan mo akong pagalitan at pahirapan ka dahil sa pagkakamali ng iba. Maaari mo naman iyong sabihin sa akin sa maayos na paraan pero hinayaan mo lang na isipin kong hindi mo kaya ang ganoong ka-simpleng trabaho.” “Puwede bang sabihin ko ang totoo?” Tumango si Jack. “Oo naman, ganoon ang gusto kong gawin mo. Ano ang nasa isip mo at ginawa mo iyon?” “Sa totoo lang, Sir Jack, naiinis ako sa iyo dahil sa mga sinabi mo. Sa kabila ng naitulong ko sa iyo ay minaliit mo ang kakayahan ko sa isang iglap lang at sa isang pagkakamali lang. Alam ko naman na trabaho ko na tulungan ka at higit pa sa sapat ang ibinabayad mo sa akin pero hindi naman po yata makatao na pagsalitaan mo ako ng ganoon. Kahit makulit at matigas ang ulo ko sa paningin mo ay babae pa rin naman po ako at nasasaktan din ang kalooban ko. Hindi naman sa pagiging mahina pero nasaktan lang ako na kahit ano pala ang pagpapatunay na gawin ko ay mababa pa rin ang tingin mo sa akin. Mas pinili ko na lang na ganoon ang isipin mo dahil ganoon naman ang tingin mo sa akin noong una pa lang. Kailangan ni Nestor ang trabaho niya kaya hindi na ako nagpaliwanag sa iyo.” Nagustuhan ni Jack ang naging sagot ni Evelyn dahil totoo iyon at malinaw na malinaw. “Okay, naiintindihan kita. I’m sorry sa mga nasabi ko sa iyo dahil hindi ko talaga napipigilan ang sarili ko pero—” “Pero ano? Kailangan ko na bang magligpit ng mga gamit at umalis sa bahay mo? Tatanggalin mo na po ba ako bilang sekretarya mo?” “Ano? Hindi iyon ang sasabihin ko at hindi kita tatanggalin. Kahit si Nestor ay hindi ko aalisin sa trabaho dahil naiintindihan ko siya. Inuulit ko, pasensya ka na sa mga nasabi ko pero sana sa susunod, sasabihin mo sa akin ang mga ganoong bagay dahil gusto ko na nakatutulong ako sa mga empleyado ko dahil itinuturing ko kayong pamilya. Hindi ko nagustuhan na may pinagtakpan ka dahil lang iniisip mo na ganoon akong klaseng boss. Huwag mo akong pinangungunahan sa mga ganoong bagay. You don’t like me for judging you and yet you judged me too. I maybe a strict boss but I’m not like that, Evelyn.” Yumuko si Evelyn. “I’m sorry, Sir Jack, kung naisip ko kaagad na tatanggalin mo kami sa trabaho at hindi ko naisip na tutulungan mo si Nestor.” “Iniisip mo ba rin ba na masama akong tao kagaya ng sinabi ng security guard sa iyo? Kung magtatanggal ako ng empleyado ay baka unahin ko pang tanggalin ang security guard na nakausap mo,” sabi pa ni Jack nang pabiro. At laking gulat na lang ni Evelyn ng malinaw niyang makita ngayon ang ngiti ng Jack Avillarde! Himala yata iyon! “Nagbiro ba siya ngayon?” ani Evelyn sa isip niya dahil hindi niya alam kung puwede na siyang ngumiti ngayon o hindi pa sila tapos mag-usap tungkol sa seryosong bagay. “Sir Jack, did you just smile right now?” tanong pa niya dahil gulat na gulat siya na malinaw na niya iyong nakita ngayon at sa isang iglap din ay mas naging guwapo si Jack sa paningin niya! Bumalik naman sa pagiging seryoso ang mukha ni Jack. Hindi rin niya napansin na ngumiti siya pero alam niya sa sarili niya na nakita iyon ni Evelyn kaya walang rason para itanggi pa niya. “Yes, I think, I did.” Muli pa nilang pinag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon at parehas silang humingi ng tawad sa isa’t isa. Naisip tuloy ni Evelyn na parang wala naman talagang masamang ginagawa sa kanya si Jack kung hindi punahin lang ang mali nito na karapatan naman nito bilang nagpapasuweldo sa kanya kaya naman simula ngayon ay mas kikilalanin niya si Jack. Nilinaw lang niya na nasaktan lang talaga siya sa sinabi ni Jack na simpleng trabaho lang ay hindi niya magawa dahil hindi iyon totoo. “Himala na ngumiti ka!” Hindi napigilan ni Evelyn na sabihin iyin kaya napatakip na lang siya ng bibig nang mapagtanto na malakas niya iyong nabanggit. “I mean, alam mo naman ang pagkakakilala ko sa iyo na hindi marunong ngumiti pero nakatutuwa na madalas ko iyon nakikita sa iyo. Dalasan mo kaya ang pagngiti mo, Sir Jack, dahil mas lumalakas ang dating mo at mas lalo kang gumaguwapo.” “Inamin mo ba sa akin mismo na guwapo ako?” tanong ni Jack na parang ngayon lang niya iyon narinig kahit halos araw-araw ay may nagpapaalala naman sa kanya na guwapo siya. Gusto nga sana ulit ngumiti ni Jack nang marinig iyon pero nakararami na si Evelyn na masilayan ang ngiti niya kaya pinigilan niya iyon. “Oo, totoo naman. Huwag mong sabihin na hindi mo iyon alam, Sir Jack?” “Well, hindi ko ugali na bigyan ng compliment ang sarili ko.” “So, magkaibigan na ba tayo o bawal din sa rules mo na maging kaibigan ang empleyado mo?” tanong ni Evelyn. Naging komportable na kaagad si Evelyn na biruin si Jack kahit ngayon lang niya ito nakausap na magaan sa pakiramdam. “Bumalik ka na nga sa puwesto mo.” Hindi sinagot ni Jack ang tanong ni Evelyn pero malaking bagay na kay Evelyn na nakakausap niya ng ganoon si Jack. Pagkatapos iyon sabihin ni Jack ay may tumawag sa kanya kaya lumabas na si Evelyn. Hindi pa man siya nakakaupo sa puwesto niya ay naramdaman niyang hinawakan siya ni Jack sa braso kaya napalingon siya sa boss. “Bakit ka—” Magtatanong na sana si Evelyn pero hindi na niya iyon naituloy dahil nabigla siya sa paghatak na ginawa ni Jack at ang sumunod na napagtanto niya ay yakap-yakap na siya ni Jack. “Woah!” Nang makarinig sila ng sigaw mula kay Charles ay bigla silang naghiwalay na parang mga bata na nahuli sa maling ginagawa. “What’s happening here?” tanong ni Charles na may kasamang pang-aasar pa sa dalawa. “Kayong dalawa, ah? May hindi ba ako alam?” Hindi rin naman alam ni Evelyn ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang niyakap ni Jack kaya hindi rin niya masagot ang tanong ni Charles. Habang nag-uusap ang dalawa ay tumahimik sa isang gilid si Evelyn para damahin ang lakas ng t***k ng puso niya. Inaamin ni Evelyn sa sarili niya na nagulat siya pero masaya siya sa yakap na iyon. “Humanga ka na lang sa kanya pero huwag ka naman sana mahulog, Evelyn. Ingatan mo ang puso mo,” aniya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD