Kabanata 13

1822 Words
“Nababaliw ka na ba? Bakit mo naman gustong saluhin ang galit ni Sir Jack para lang iligtas si Nestor? Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo, napakabait mo kasi kaya madalas kang naaabuso,” naiinis na salubong ni Tiffany sa kabigan niya noong inilahad nito sa kanya ang mga totoong nangyari nang tanungin siya nito sa kumakalat na usap-usapan sa opisina nila. Maging sa department pala nila ay nakarating na iyon. “Malaki ang sahod mo rito at maganda ang benefits na nakukuha mo. Paano kung ikaw ang tanggalin ni Sir Jack sa trabaho? Pangarap ng nakararami ang trabaho mo pero i-gi-give up mo lang? Ano naman ang sasabihin mo kina Tito at Tita kapag nalaman nila na ipinatanggal ka? Alam mo naman kung gaano ka istrikto si Sir Jack sa mga ganiyang bagay, baka sa sobrang init ng ulo niya ay kung ano pa ang maidagdag niya sa sasabihin sa iyo.” Ipinaliwanag ni Evelyn ang dahilan niya at sinabi naman niya na hindi siya basta-basta tatanggalin ni Jack dahil ganoon ang seguridad na sinabi sa kanya ni Charles. Kahit nagalit naman daw si Jack ay pinag-iisipan daw nito kapag natatanggal ng empleyado. Gayunpaman, gumagawa rin si Evelyn ng paraan para makausap ang mga manager sa nasabing branch kung saan pumalpak ang delivery at masuwerte si Evelyn na ang mga manager na iyon ay dati niyang nakatrabaho! Nakausap niya ang mga ito at nagulat pa nga na sekretarya siya ni Jack Avillarde. Hindi naman siya pinangakuan ng kahit ano pero malaking bagay na iyong may nakausap siya roon. Umaasa niya na magagawan niya ng paraan ang bagay na iyon lalo na at magaling siya sa pakikipag-usap kaya nabuhayan siya na kakayanin niyang gumawa ng paraan para mabigyan sila ng isa pang pagkakataon. Inaral niya ang magagandang bagay na maaari niyang ibahagi tungkol sa S2J at pinag-aralan niya kung ano ang kailangan ng mga store na iyon na kayang punan ng S2J habang naghihintay ng sagot mula sa mga nakatrabaho niya noon. Iyon ang pinagkakaabalahan niya dahil hindi naman siya inuutusan ni Jack sa opisina ngayon dahil nga sa init ng ulo nito sa kanya. Naghihintay na lang siya ng reply mula sa mga ito kung kailan niya maaaring makausap ang mga boss nila. Sana ay mapagbigyan siya, hindi man niya direktang masabi kay Jack na hindi niya iyon kasalanan ay malaking bagay na kung magagawan niya iyon ng paraan para na rin mapatunayan niya na kaya niya ang mga simpleng trabaho. Binalaan din naman siya ng dating katrabaho na mahirap talagang mapapayag ang mga boss nila lalo na kung may kapalpakan na sa trial delivery na iyon. “Kambal ang anak niya at mahina ang isa sa kambal na iyon,” sagot ni Evelyn sa kaibigan niya na para bang iyon lang ang kailangan niyang sabihin para maintindihan nito kung bakit ganoon ang naging desisyon niya. Tumango si Tiffany para sabihin na sapat na iyong dahilan para maintindihan ang kaibigan niya at sinabing, “Kaya naman pala, naiitindihan na kita. Iyon lang ang paliwanag na dapat kong marinig. I won’t question your decision about it anymore.” ILANG ARAW NA ANG nakalipas simula ng nagalit si Jack kay Evelyn. Walang pinagbago sa pakikisama nito sa kanya at kung noon ay malamig na ang pakikisama nito kay Evelyn, mas naging malamig pa iyon dahil sa naging problema. Hindi naman sumusuko si Evelyn sa paghahanap ng solusyon at para humingi ng pagkakataon sa mga taong dapat niyang kausapin. Ganoon din naman ang ginagawa ni Jack kaya hindi pa rin nito nakalilimutan na dahil kay Evelyn ay may dagdag pa siyang trabaho. “Ikaw pa ba ang susuko sa ganiyang bagay? Kayang-kaya mo iyan pero bilib din ako sa iyo, kaya ka nawawalan ng trabaho ay dahil madali kang maawa sa mga tao.” Pagkausap ni Tiffany kay Evelyn habang magkasama sila. Hindi siya susuko pero sa totoo lang ay nahihirapan na siya at naiisip niyang hindi na siya makahihingi ng isa pang pagkakataon sa kliyente nila. Muli nilang nagpag-usapan ang pagkonsidera na sabihin ni Evelyn ang totoo kay Jack. “Kung ikaw ba ang nasa posisyon ko, ano ang gagawin mo? Magiging masaya ka ba na sabihin ang totoo kay Sir Jack para lang maligtas mo ang pangalan mo sa kanya o mas pipiliin mong unawain ang pinagdadaanan ni Nestor? Alam mo naman na isa si Nestor sa maganda ang pakikisama sa akin sa kumpaniya na ito. Kung sakali man na piliin kong ipamukha kay Sir Jack na mali siya ng panghuhusga sa akin, alam mong hindi ako magiging masaya sa ganoon lalo na at alam kong mas malaki ang mawawala kay Nestor kapag nangyari iyon.” “Bakit mo naman iyon nasabi? Sa tingin mo ba ay tatanggalin si Nestor sa trabaho kapag nangyari iyon? Akala ko ba lumalambot ang puso ni Sir Jack pagdating sa pamilya?” “Hindi ko na nga rin maintindihan, minsan kasi ang bait niya sa akin at parang concern siya pero minsan din naman ay parang napakamapanganib niyang hayop na anumang oras ay sasakmalin ka.” “Susuportahan kita sa desisyon mo pero mas naniniwala ako na kaya mo iyan gawan ng paraan. Marami kang karanasan sa pakikipag-usap at sa pagkakaalala ko, hindi pa nabibigo ang isang Evelyn Espinolista pagdating sa ganiyang bagay.” Napangiti silang dalawa dahil sa pag-uusap na iyon. Dating manager sa isang computer company si Evelyn kaya nagtaka ang mga magulang niya na pinasok niya ang pagiging sekretarya ngunit naintindihan naman nila iyon noong sabihin niya ang pagkakaiba ng suweldo niya bilang manager at sekretarya sa S2J. Posisyon lang ang mataas sa dati niyang pinasukan at balewala sa kanya kung anuman ang mapasukan niyang trabaho as long as tama iyong magpa-suweldo kaya tinanggap niya ang pagiging sekretarya. Sa madaling salita, may kapasidad si Evelyn na gawan ng paraan na makausap at kumbinsihin ang mga taong iyon na bigyan ng pagkakataon ang S2J. That’t the spirit, Evelyn! Siya ang babaeng masaktan man sa mga binitiwang salita ni Jack ay hindi basta susuko sa hamon na ito. “Alam mong sususportahan naman kita pero hindi ba’t mas gusto ni Sir Jack na honest ang mga empleyado niya? Baka naman nahuhusgahan mo na siya ngayon? Paano kung maintindihan pala niya? Paano kung makagawa siya ng paraan na mapabalik ang kliyente kapag nalaman niya ang totoo?” tanong ni Tiffany sa kaibigan. “Paano kung hindi? Ah, bahala na nga!” HALOS NAGING NORMAL NAMAN ulit ang mga trabahong ibinibigay sa kanya ni Jack at madalas pa niyang nakasasalubong si Nestor kapag bumababa siya. Normal dahil walang sawa pa rin si Jack sa pagsesermon at pagsusungit sa kanya, nadagdagan pa nga ang pagiging masungit nito sa kanya ngunit sa ngayon ay hindi na iyon iniinda ni Evelyn. Masaya si Evelyn dahil sa wakas ay binigyan siya ng pagkakataon na makausap ang mga may matataas na posisyon sa mga store na nagawan ng S2J ng kapalpakan. Nakakuha siya ng appointment sa mga ito! Mukhang nakulitan din sila sa kanya. Mabuti na lang at may tinatanaw na utang na loob ang dati niyang katrabaho kaya tinulungan siyang makausap ang mga may-ari ng store sa Makati at Tagaytay branch. Kilala si Evelyn sa pagiging mabuting katrabaho kaya walang sama ng loob sa kanya ang mga nakatrabaho niya noon at alam ng mga ito kung paano siya kapulidong magtrabaho kaya naman nang humingi ng tulong si Evelyn ay nagpurisige rin itong matulungan siya kagaya ng madalas na ginagawa ni Evelyn noon. Hindi ipinaalam ni Evelyn ang pagkausap na ginawa niya sa mga may-ari ng store na iyon dahil ayaw naman niyang madagdagan pa ang sama ng loob ni Jack kapag hindi siya nabigyan ng pagkakataon. Sa pagkakataong ito ay gusto niyang masiguro ang lahat bago sabihin kay Jack. Mataas man ang kumpiyansa niya sa sarili ay ayaw niyang umasa na mapagbibigyan sila. Maayos man niyang nakausap ang mga iyon ay hindi siya umaasa dahil wala sa mga ekspresiyon ng mukha nila na pagbibigyan nilang muli ang S2J. Ang huling sinabi lang ng mga ito sa kanya ay pag-uusapan nila ang bagay na iyon at tatawag na lang kapag nakapagdesisyon na sila. “Espinolista, café noir,” utos ni Jack kay Evelyn. Napa-buntonghininga na lang ulit si Evelyn noong narinig niya ang pagtawag ni Jack sa kanyang apelyido. Parang bagong salta lang siya sa opisina at parang bigla na lang itong nagkaharang dahil sa ganoong pagtawag. Tumayo si Evelyn para sundin si Jack at bigyan ito ng kape niya. Hindi na ganoon karami ang trabaho nila ngayon pero usap-usapan pa rin ang pagtanggi ng dalawang store dahil sa palpak na delivery. Ang kondisyon lang ng mga ito noon ay ang maayos na delivery dahil marami silang naging partner noon na palpak sa delivery at ayaw na nila iyong maulit kaya ganoon na lang din sila kabilis na tumanggi sa offer ng S2J. Pumasok si Evelyn sa opisina ni Jack na dala na ang kape na hiningi nito. Lalabas na sana si Evelyn pero kinabahan siya sa sumunod na utos ni Jack. “Ano po iyon?” “Pakitawag ang isang staff natin na si Nestor, I want to talk to him.” Malinaw iyong narinig ni Evelyn pero dahil sa kaba na naramdaman niya ay pinaulit niya iyon kay Jack. “Ano po ulit iyon, Sir Jack?” “Bingi ka ba o nang-aasar ka na ngayon? Ang sabi ko ay tawagin mo si Nestor at papuntahin dito sa opisina ko.” Mainit na naman yata ang ulo ni Jack kay Evelyn. “Pagkatapos mong sabihin kay Nestor na pumunta sa opisina ko ay dahil mo ito sa HR department,” dagdag pa ni Jack kasabay ang paglapag ng isang envelope. Napa-isip kaagad si Evelyn kung bagong empleyado na ba iyon pero dahil mainit ang ulo ni Jack ay hindi na siya nagtanong pa. Kaagad naman siyang bumaba para sabihin kay Nestor na pinatatawag siya ni Jack at kagaya ng kaba na naramdaman niya ay kitang-kita rin iyon sa mga mata ni Jack. “Mukhang alam na niya ang nangyari, Ma’am Evelyn. Gusto ko lang humingi ng tawad sa pandadamay ko sa iyo at tatanggapin ko na lang kung ano ang magiging parusa ko. Makahahanap naman siguro ako ng paraan para makabayad sa gastusin sa ospital. Maraming salamat sa kabutihan mo sa akin, Ma’am Evelyn.” Muling napa-buntonghininga si Evelyn. Siguro naman ay maaawa si Jack kay Nestor dahil sa sitwasyon nito. Kung tatanggalin niya si Nestor dahil sa pagsisinungaling nito, naisip ni Evelyn na magreresign na lang siya tutal ay hindi naman sila nagkakasundo ng boss niya. Mas pipiliin ni Evelyn ang peace of mind niya kaysa sa malaking sahod sa S2J. Bakit kaya ipinatawag ni Jack si Nestor? Desidido na ba talaga si Evelyn na mag-resign kung sakali man na tanggalin ni Jack si Nestor sa trabaho? May pag-asa pa kaya na makuha nila ang dalawang store sa Makati at Tagaytay para maging partner ng S2J?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD