Chapter 1
Past
"Spikeeeeee." Napalingon naman sa akin si Ate Remmy nang marinig niya akong sumigaw. Nagulat siya ngunit kalauna'y natatawang nagthumbs up nalang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pakikipaglaro.
Patalon talon akong pumapalakpak kapag nakakascore siya. Meron pang napapalingon sa akin at nagbubulong bulungan. May ibang sinubukang kausapin ako ngunit hindi ko sila binigyan ng pansin.
I'm here for my Ate.
Rinig na rinig sa buong gym ang sigawan ng mga taong isinisigaw ang kani kanilang team na napupusuan.
Rinig din ang pagtalbog ng bola sa malinis at madulas na sahig ng gym.
Nang matapos ang second quarter ay dumeretso si Ate Remmy patungo sa akin.
"Bunso, andito ka na naman? Naiipit ka na d'yan oh. Baka mainitan ka na naman at pagpawisan. Ikaw talaga, sinabi ko na sa iyong manatili ka nalang sa bahay eh." Ngumuso ako sa kaniya nang ipatong niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng aking ulo.
"Pero gusto kitang suportahan." Tinignan ko siya sa mata, nakatingala.
"Oh no, I can't." Iniwas niya ang kanyang tingin sa mga mata ko at hinatak ako palapit sa kaniya. Tahimik niya akong pinatalikod sa kaniya at pinunasan ang mga namumuong pawis sa likod ko.
"Ikaw ha, you're sneaking again just to went here. Dapat nagpaalam ka muna kay Yaya Melanie, siya na naman ang mapapagalitan sa mga pinaggagawa mo." Tumango lang ako sa kaniya at kinuha sa kaniyang kamay ang isang bimpo na tuyo at malinis.
Pinunasan ko rin ang kaniyang mga pawis sa noo.
Nakatingin lang siya sa akin habang seryoso 'kong ginagawa iyon.
"Uuwi kaba mamaya sa atin ate?" Malungkot naman siyang ngumiti sa akin. Alam ko na ang ibig sabihin ng ngiti niyang iyon. Ibig sabihin, hindi na naman siya uuwi.
Ibubuka niya sana ang bibig niya ngunit saktong tumunog na ang bell, senyales na babalik na sila sa laro.
-
Alas diyes na ng gabi, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog.
Basta ang alam ko lang ay binabagabag ako ng pag aalala kay ate. Kadalasan kasi, kapag pauwi na siya ay dumadaan siya rito upang kumustahin ako. Ngayon wala.
Nakahalumbabang nakatanaw ako sa gate mula sa bintana ng kwarto ko, hindi ako mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nadaan si ate Remmy.
Ate Remmy is my half sister. My father's daughter from the other woman, pero kahit hindi kami purong magkadugo ay mahal na mahal niya ako.
She always take care of me. Hindi siya umuuwi dito sa bahay, hindi ko alam kung bakit.
Napalingon ako sa pintuan nang may marinig akong kalabog.
Dahan dahan akong lumapit sa pinto at sumilip sa peep hole nito.
Ipinikit ko ang kaliwang mata ko at itinuon ang kanang mata sa peep hole.
Awtomatikong napaatras ako at napatakip ng bibig sa nakita.
My father, holding a g*n with a blood dripping on it.
Dinig ko pa rin ang kaniyang mga yabag. Mga yabag na noon kapag naririnig ko ay natutuwa ako kasi alam 'kong nakauwi na siya. Ngunit ngayon, naging yabag iyon ng bangunot.
Nang makalayo na siya sa tapat ng kwarto ko ay dali dali akong sumiksik sa sulok ng aking silid at doon ibinuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Paulit ulit na bumalik sa isip ko ang mga nakita, ang b***l, dugo a-at...
Impit akong napahagulhol nang maalala ang isa ko pang nakita na dala dala niya.
.
.
.
.
.
.
.
Ulo ng aking ina.