PROLOGUE
Tinapon ko ang sigarilyong kakaubos lang at muling bumunot ng isang sigarilyo sa pakete na nasa bulsa ko.
Mabibigat ang aking hininga habang bumubuga ng usok.
Mga nagkakaskasang huni ng sasakyan ang pumupuno sa aking tenga, nakakabinging sigawan at pagkikiskisan ng mga gulong sa aspaltong daan.
Mabuti nga't natuloy pa ang karera, akala ko'y hindi na dahil malakas ang ulan kahapon.
Natigil ako sa paghithit nang may bumunot ng sigarilyong subo ko, nakasalubong ang kilay na nilingon ko ito.
Nakakalokong ngumiti sa'kin si Klea atsaka sinubo ang sigarilyong kanina lang ay subo subo ko pa.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa ngiti niya. Bumuga siya ng usok at tinapik ang balikat ko.
"Tawag ka ni boss, sabi kasi sayo 'wag mo binibitin eh," Natatawang bumuga siya ng usok at sumenyas sa'kin na sakaniya nalang ang sigarilyo.
Hindi ko nalang siya pinansin at dumeretso na sa kung saan 'siya' matatagpuan.
"Oh?" bungad ko sa taong prenteng nakaupo sa isang swivel chair habang nakapikit ang mga mata.
"When are you planning to go home, Racey?" Ibinuka niya ang kanyang mga mata at matiim akong tinignan.
"F-ck off, Drew. Spear me with your bullsh-ts, not gonna buy them." Pabagsak akong umupo sa upuang kaharap niya.
"But Race, you know Tito will always find you wherever you go." Sarkastiko ko siyang tinignan.
"Oh really? I wonder why I'm still here." Mapanuyang sambit ko habang bumubunot ng sigarilyo at sinindihan iyon mismo sa harap niya.
"I can't deny to him that I don't know where you are forever, Pl---" Napatigil siya sa pagsalita at umubo nang malanghap niya ang usok.
"Stop that woman!" Inis na hinablot niya ang sigarilyo sa daliri ko at pinatay ang sindi niyon.
"Are you done?" Patamad na sambit ko.
Bumuntong hininga siya at inis na ginulo ang buhok niya.
"That's it! I'm done, I'll inform Tito Rake that you're here in my racing field, working your a*s off so you'll be send in Bario La Fo-Wait, you little witch, I'm still talking to you. Don't you dare turn your back at me!"
Tumigil ako sa paglalakad, lumingon sa kanya at nagpakawala ng isang ngisi.
"Gonna pack my things now since you've mentioned that I will be sent into 'that' place." Nakita ko ang pagkatigil niya dahil sa sinabi ko.
Mukhang alam niya na ang ibig 'kong sabihin.
Well, he's my cousin. I know he knows what I mean.
"Is this all about what happened years ago Racey?"
"Whatever." Pairap na sambit ko sakaniya bago muling tumalikod.
Pero bago ako tuluyang makalabas sa opisina niya ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi.
"You're not respecting me again, Racey! I'm 3 years older than you, remember that!"
Yeah yeah, whatever.