RICO'S POV Narinig ko pa lang ang pinapagawa niya ay naduduwal na ako. Ngayon pa na nakatingin siya sa akin at gusto niya na inumin ko ang watermelon shake na may bagoong alamang. Napalunok ako at sa tingin ko ay pinagpapawisan ako. Hindi ko talaga kaya, amoy pa lang ay hindi na kaya ng sikmura ko. "Love, okay lang ba hindi ko inumin?" Tanong ko sa kanya. "Ayaw mo ba? Bakit?" Malungkot na tanong niya sa akin. "Love, kasi..." "Okay," malungkot na sabi niya. Akmang tatayo siya kaya mabilis kong kinuha ang baso at dahan-dahan ko itong ininom. "Chiefy! Huwag mo ngang inomin 'yan. Diba ayaw mo—" Hindi ko na talaga kaya ang lasa. Mabilis akong tumakbo papunta sa lababo at doon ko nilabas ang lahat ng puwede kong ilabas. Nagmomog ako pagkatapos ay tumingin ako sa asawa ko. Nakita ko na u

