CHERRY'S POV Napabuga ako ng hangin dahil pinapakalma ko ang sarili ko. Hinawakan ni Rico ang kamay ko at sinasabi na kumalma lang ako. Na nasa tabi ko lang siya kaya wala akong dapat ipangamba. Alam ko na mahirap humarap sa mga taong mapagkunwari pero pipilitin ko ang sarili ko na kumilos ng normal. Nang makapasok na ang kotse namin sa loob ng gate ay unang bumaba si Rico. Nakangiti siya habang binubuksan ang pinto ng kotse. Inalalayan niya akong bumaba. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Tamara nang makita niya ako. Alam ko na hindi niya inaasahan na babalik ako. Alam ko rin ang nasa isipan niya ngayon. "Cherry, buntis ka?" Hindi makapaniwala na tanong niya sa akin. "Oo at si Rico ang ama." Sagot ko sa kanya. Gusto kong ipagmalaki sa kanya na anak ni Rico ang dinadala

