RICO'S POV Galit ako at halos hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Pero mabuti na lang dahil nand’yan ang asawa ko para pakalmahin ako. She's so cute dahil alam ko na nahiya siya sa mga kasamahan ko. "Sige, Chief alis na po kami para naman maituloy niyo na an—" "Hahaha! Mabuti pa nga para makarami kami." Pabiro na sabi ko sa kanya. "Ikaw na talaga ang idol ko, Chief. Basta 'wag mo akong kalimutan sa binyag ha. Para naman makakain ako ng shanghai." Pabiro pa na sabi ng isa sa mga kasamahan ko. "Hahaha! Pa'no ba 'yan. Ayaw kayong imbitahin ng asawa ko." Pabiro na sabi ko sa kanila. "Kayo kasi eh, sana umalis na lang tayo kanina." Saad pa nang isa. "Hahaha! Pasensiya na kayo, ganun lang kami maglambingan ng asawa ko. Sige na ingat kayo sa pag-uwi." Saad ko sa kanila. "Sige, Chief

