CHERRY’S POV Nang magising ako ay kaagad akong nataranta dahil naalala ko ang mga anak ko. “Nurse, ang mga anak ko?” Tanong ko kaagad sa kanya. “Relax lang po kayo, Misis Chief. Okay na po ang kambal at wala pong nangyaring masama sa kanila. Maayos na po sila ngayon." Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko kaya bumangon ako dahil gusto ko silang puntahan. Pero habang nasa hallway ako ay narinig ko na nagkakagulo ang mga doktor at nurses. May paparating daw na pasyente at may tama ito sa ulo. Liliko na sana ako sa pasilyo papunta sa mga anak ko ng biglang nahagip ng mga mata ko ang mga taong kakarating lang. Namukhaan ko ito at nalaman ko na mga kasamahan ito ni Rico. Hindi ko sana papansinin pero bigla ko na naman nakita ang kamay ng pasyente. At malinaw kong nakikita ang singsing n

