Chapter 3- Sino ka?

1251 Words
WEIRD talaga ang mga nangyayari, at nagsisimula na namang kabahan si Aila. Nasaan na ang babaeng kasama niya kanina? Paano siyang makakaalis sa lugar na iyon kung ganitong wala naman siyang mapagtanungan? Sinimulan niyang maglakad-lakad sa paligid, sukbit ang kanyang bag. Nalilito siya at hindi malaman ang gagawin pero mas na walang mangyayari sa kanya kung tatayo at tutunganga lang siya sa isang lugar. Para na naman siyang tinadyakan sa dibdib ng makasalubong ng tatlong lalaki sa kanyang dinaraanan. Kakaiba din ang suot ng mga ito. Tulad sa babaeng nakita niya kanina, maluluwag at mahahaba din ang suot ng mga ito. Katulad sa mga monghe. Mukhang ayaw talaga ng mga tao dito na palapatan sa liwanag ng araw ang kanilang mga balat. Tanging mukha lang ng mga ito ang naka-expose. At hindi niya nagugustuhan ang uri ng pagngisi ng mga ito sa kanya. Parang kanina─rather kagabi─ lang ay ganoon din ang nangyari sa kanya. Bago pa siya makalagpas sa mga ito ay napigilan na siya ng isa. “Taga saan ka binibini? Bakit kakaiba yata ang iyong kasuotan?” Napangiwi siya. Hindi lang pala kasuotan ang kakaiba sa mga ito, maging ang uri ng pananalita. Masyadong makaluma. Parang gusto niya tuloy magtanong ng napakaraming bagay. Ano ba kasing nangyayari? “Taga Quezon City po ako.” Kumunot ang noo ng mga ito. Para bang naghihintay ng iba pang sasabihin niya o gagawin. ‘Teka, kailangan ko din bang sumayaw pagkatapos kong sabihin kung tagasaan ako? Baka popular din sa kanila ang pauso ni Vice Ganda?’ Pero hindi! Hindi siya sasayaw! Para mailayo ang isip sa kung anu-anong kagagahan ay nag-follow up question nalang siya. “Ano po bang lugar ito?” magalang na tanong niya. “Quezon City daw… narinig niyo na ba ang lugar na ‘yon?” “Quezon City? Saan ba iyon, Hireun? Hindi ko pa yata naririnig ang lugar na iyon.” sabi naman ng isa. Siniko ito ng lalaking nagtanong sa kanya. “Alam namin kung saan iyon, gusto mo bang ihatid ka namin?” Ano bang akala ng lalaking ito sa kanya? Na mangmang siya at madaling mauto? Halata naman na nagsisinungaling lang ito. “Huwag nalang po, Sir. Kaya ko naman pong mag-isa.” tanggi niya. Tumawa ang isang lalaki na labis niyang ipinagtaka. Ano bang nakakatawa sa sinabi niya? “Sir daw, tinawag ka niyang Sir, Hireun. Teka, ano bang ibigsabihin ng “Sir”?” napakamot ito sa ulo. “Tumahimik ka diyan!” sikmat dito ng unang lalaki. “Sumama ka na sa amin, binibini. Ihahatid ka namin sa iyong patutunguhan.” baling nito sa kanya. “Ah…” Ano ba ang dapat niyang sabihin para makaiwas rito nang hindi ito magagalit? Mukha kasing hindi siya tatantanan ng mga ito. At natatakot na siya. She was here, in a place of nowhere and no one seem to notice that she needs help. “Pasensiya ka na, ginoo. Nagmamadali kasi ako. Excuse me.” Kumawala siya sa pagkakahawak nito pero agad namang dumaluhong sa kanya ang dalawa pa. “Sinabi nang sumama ka na sa amin. Hindi mo ba kami narinig?!” “Bitiwan niyo sabi ako!”nagpumiglas siya. Hindi siya makaporma dahil pinagtig-isahan na ng dalawang lalaki ang mga kamay niya. “Bitiwan niyo ako!” “Mga bingi ba kayo? Sinabi na ng binibini na bitiwan niyo siya. Bitiwan niyo siya, ngayon din!” NAPALINGON si Aila sa lalaking nagsalita. Gayundin, tumigil ang tatlong lalaki sa mga pinaplano ng mga itong gawin sa kanya. There, standing a few feet away from them was a long-haired handsome guy in his absolutely unpredictable garment─just like what these three ugly men were wearing. Ang pagkakaiba nga lang, maganda sa paningin ang pananamit ng lalaki. Di tulad ng tatlong ugok na ito na parang mga busog na lumpia sa kasuotan. “Paumanhin ginoo, pero ang babaeng ito ay aking kabiyak. Kailangan lang naming mag-usap hinggil sa uri ng kasuotan niya ngayon. Hindi kasiya-siya sa aking paningin na ganito ang kanyang pananamit. Masyadong mahalay.” Naningkit ang kanyang mga mata. Ang lakas naman ng loob ng mukhang bayabas na ito na sabihing asawa siya nito. At mahalay daw ang suot niya? Oo, half-thigh length nga iyon, pero uso na naman ang ganoong kasuotan sa… Ah, nakalimutan niya, hindi ganito ang uri nfg kasuotan na suot ng babaeng nakita niya kanina. Teka, nasaan nga ba siya at bakit parang nahuhuli sa sibilisasyon ang mga tao sa lugar na ito? “Totoo ba iyon, binibini? Kabiyak mo nga ba ang lalaking ito?” baling sa kanya ng gwapong lalaki. “Aba, nasa hitsura ko ba na papatol sa mukhang bayabas na lalaking ito?” naasar na balik-tanong niya. Ni hindi man lang ba nito pinagdudahan ang sinabi ng talipandas na lalaking iyon? Nakita niyang kumunot ang noo ng gwapong lalaki. Para bang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. Kaya naman ni-rephrase niya. “Ang ibig kong sabihin, hindi niya ako asawa. Ang ganda ko naman para pumatol sa tipaklong na ito.” Napangiwi ulit siya, naintindihan na kaya nito ang sinabi niya? Sa itsura ng mga ito at maging ng lugar, nasisigurado niyang kakaiba ang pamumuhay ng mga ito. Bukod doon, nalilito at naguguluhan talaga siya sa mga nangyayari. Isang sandali, may humahabol sa kanya sa dilim, at sa sumunod na sandali ay nasa lugar na siya na hindi naman niya malaman kung saan. Bumaling ang gwapong lalaki sa lalaking mukhang bayabas. Ah hindi. Mukha itong busog na tipaklong, masyado kasing mahahaba ang mga binti nito pero malaki naman ang tiyan. “Narinig mo siya. Hindi ka daw niya kabiyak. Tama naman siya, paanong magiging asawa ng isang magandang binibini ang mukhang lamang-lupa na tulad mo?” Grabe! Akala niya, wala ng sasaklap pa sa bigat ng kanyang panlalait. Pero mukhang may makakalagpas na sa kanya ngayon. “Aba’t! Ang hambog mong lalaki ka.” nanlilisik ang mga matang angil ng tipaklong na lalaki sa gwapong binata. Sana nga lang ay binata pa ito. Sa angkin nitong kagwapuhan, hindi na siya magtataka kung naglipana na sa paligid ang mga babaeng nahuhumaling rito. At bakit nga ba naiisip pa niya ang mga ganoong bagay sa gitna ng ganitong sitwasyon? Bigla inumbayan ng suntok ng tipaklong ang gwapong lalaki. Mabilis naman iyong nakailag at agad na pinatikim ng flying-kick ang una. Binitiwan na siya ng dalawa pang tipaklong…err… mga mukhang bayabas para sugudin na ang gwapong lalaki. At ngayon ay para na siyang nanonood ng rambulan ng mga anime sa tv show. Para lang kasing naglalaro ang lalaki sa ginagawa nitong pambubugbog sa tatlo. Walang kahirap-hirap na napatumba nito ang mga iyon at halos nagkapatong-patong matapos nitong maipagsasalya. Katulad ng kung paanong napapatumba ang mga kalaban ng mga anime boys na pinagpapantasyahan niya noong nasa kolehiyo pa siya. Hindi din nakaligtas sa kanyang paningin ang malayang pagsunod ng mahaba at magandang buhok nitong nakatali sa likuran. Mas maganda pa yata ang buhok nito sa kanya. At hindi ba uso sa lalaking ito ang gunting? Sabagay, nakakapanghinayang naman ngang putulin ang pagkaganda-ganda at pagkakintab-kintab nitong buhok. “Salamat.” nakangiting saad niya habang nagpapagpag ito ng kasuotan nitong hindi naman nadumihan. “Ako nga pala si─” “Iyan ba ang dahilan kung bakit ka biglang nawala sa araw ng pag-iisang dibdib natin, Kroen? Ang makapagbagong bihis at magbago ng pamumuhay?” “Ha?” Nag-igkasan ang mga kilay niya. Anong sinasabi nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD