Chapter 2- Sa kabilang daigdig

1059 Words
PINILIT ni Aila na kumalma at makipag-usap ng maayos sa mga ito. Kung magtataray kasi siya ay malamang na maaga siyang sumakabilang-buhay sa ilalim ng mga kamay ng mga ito. “Diyan lang. Bibili lang ako ng pagkain.” mahinahong sagot niya. Pero ang totoo naman ay gusto na niyang kumaripas ng takbo palayo sa mga ito. “Gusto mo, sumama ka nalang sa amin. Kakain din kami eh.” “Naku, hindi na.” Lihim na napangiwi siya. As if na sasama siya sa mga ito? “Huwag nalang, hinihintay din kasi ako ng kuya kong pulis na nandoon sa banda roon. Ayaw no'n ng sumama ako sa hindi ko kilala.” pagsisinungaling pa niya. Baka sakaling masindak ang mga ito kung banggitin niya ang salitang pulis. “Ganoon ba? Magpapakilala kami, para pwede ka ng sumama sa amin. Ako si Pogs.” sabi ng isa. “Tama na 'yang pakikipaglaro niyo sa babaeng ito, mga pasaway.” awat ng lalaking pinakamatino ang hitsura. “Alam mo Miss, sumama ka nalang sa amin ng maayos. O baka naman gusto mo pang kaladkadin ka namin?” Bigla nitong hinaklit ang braso niya. Tuluyan ng umalpas ang itinatago niyang takot at kaba. “Bitiwan mo ako! Bakit ako sasama sa inyo?” Nagpilit siyang kumawala rito. Pero hindi niya magawa. “Pasensiya ka na. Napag-utusan lang kami. Kaya mabuti pang sumama ka na. Nang matapos na ang trabaho namin.” Wala siyang maintindihan sa mga pinagsasasabi nito. Sinong nag-utos sa mga ito na kunin siya? At bakit? Ah, hindi ito ang oras para mag-isip. Ang kailangan niya’y makalayo sa mga ito. Agad na gumana ang natural skills niya sa taekwondo. Pinapag-aral talaga siya ng ama ng ganoong uri ng sports para naman daw may magamit siyang self-defense kapag bigla siyang napasok sa mga mapanganib na sitwasyon. Para bang inaasahan na ng kanyang ama na dadating ang pangyayari na malalagay siya sa panganib. Inuna niyang tuhudin ang harap nito. Nang lumuwag na ang pagkakahawak nito sa kanyang braso ay hinablot naman niya ang braso saka iniikot para mapilipit. Naramdaman niya ang pagsugod ng tatlo kaya’t sinalubong ng mga paa niya ang mga ito. Matapos iyon ay mabilis na siyang kumaripas ng takbo palayo. “Mga hunghang! Sundan niyo ang babaeng 'yon. Huwag niyong hahayaang makalayo!” Narinig niyang sigaw ng isa na tinuhod niya. Mas binilisan niya ang takbo. Kung saan man siya dadalhin ng kanyang mga paa ay hindi pa niya alam. Di naman niya kabisado ang bahaging iyon ng Quezon City. Naroroon lang naman siya para mag-aral kaya wala siyang alam sa paligid. Nakakita siya ng maliit na eskinita at plinanong sumuot roon ng may bigla nalang humaklit sa kanyang braso at hinila siya sa isang gilid. “Dito ka lang, huwag kang aalis dito.” Sabi pa ng babae. The beautiful woman was in black attire. Kapag nasa dilim ay hindi nga ito makikita ng kahit na sino. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit siya nito tinutulungan. At bakit parang napaghandaan at inaasahan na nito ang mga nangyayari? Nalilito siya, ano ba ang nangyayari? Bagsak ang tatlong lalaki sa galing ng babae sa pakikipaglaban. Pero mas hindi niya inaasahan na may kasunod na muli ang mga iyon na lima pang lalaki. Malalaki ang mga katawan ng mga iyon na parang mga bouncer sa mga bars. Agad na hinagip siya sa braso ng babae at itinakbo palayo, papasok sa maliit na eskinita. “Ano bang nangyayari? Sino ka?” naguguluhang tanong niya rito. “Hindi ito ang oras para magkwentuhan tayo. Mamaya ko nalang sasabihin sayo kapag nasa ligtas na lugar na tayo.” saad naman ng babae. Nahinto sila sa pagtakbo nang mapansing wala na silang lulusutan. Matataas na pader ang nasa magkabilang gilid, at isang pinto naman ang nasa kanilang harapan. Walang sabi-sabing binuksan iyon ng babae at hinila siya papasok sa loob noon. Madilim ang kung anumang lugar na pinasukan nila kaya’t wala siyang ideya kung bahay na ba iyon o kung anupaman. Nang bigla nalang, tila lumulubog sila mula sa kinatutuntungan. Napapikit at napasigaw siya, gayundin ang kanyang kasama. Hindi niya din maintindihan kung paanong tila may pwersa na pilit pinaghihiwalay ang kanilang mga kamay hanggang sa mabitiwan na siya ng babae. SA MULING pagmulat ng mga mata ni Aila ay nasa hindi pamilyar na lugar na siya at nakahilata sa kalsada. Bumangon siya at binalikan sa alaala ang huling nangyari. Nakatulog ba siya? Bakit maliwanag na ang paligid? At ano bang lugar iyon? Bakit walang katao-tao? Iilan lang din ang mga bahay na magkakalayo pa. Bukod doon ay kakaiba ang mga yari. Para bang mula pa sa makalumang panahon ang mga disenyong iyon, at panahon din kung saan nagkanya-kanya ng teritoryo ang mga tao. O babago lang tumutuklas ng mga bagay-bagay. Napakalalayo ng pagitan ng bawat mga bahay. Mabibilang lang yata ang mga mamamayan sa lugar. And wait, an important question sinks her mind; how the hell did she get herself in here? Nagpalinga-linga siya sa paligid. May isang babae ang lumabas mula sa isang bahay sa di-kalayuan. Nang magtangka siyang lumapit roon ay agad na itong pumasok sa loob ng bahay na para bang natatakot sa kanya. Ano bang nakakatakot sa hitsura niya? She looked at herself and surveyed what on earth was wrong with her look. Wala namang mali sa suot niya. Ganoon pa din ang suot niya. Black short-shorts and elbow length white ladies polo, accentuated with a high-waist belt in fine brown leather and chain metals. Sa pagkakaalam niya, bagay sa kanya ang fashion trend na iyon. Kaya nakapagtatakang kinatakutan siya ng ale kanina. Napaisip siya ng maalala ang suot ng ale. Mahaba at maluwang na kasuotan. Mahahaba ang maluluwang na manggas. May sash na nakatali sa baywang. Parang katulad ng kasuotan ng mga babaylan sa teleserye na Amaya. Pero hindi katulad ng mga ordinaryong babae sa panahong tinutukoy sa teleserye, ang babaeng nakita niya, parang ayaw masilip ng liwanag ang kahit na kakarampot na parte ng katawan noon. Hindi ba ito naiinitan sa suot nitong iyon eh samantalang tirik na tirik naman ang araw? Napasipat siya sa wrist watch, alas-diyes ng gabi ang sinasabi noon, pero bakit parang alas otso na ng umaga kung ang pagbabatayan niya ay ang posisyon ng araw sa kalangitan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD