Chapter 1- Panganib

1067 Words
“SURE ka ba na kaya mo nang mag-isa rito, Aie? Sumabay ka nalang kasi sa akin. Baka matagalan pa ang sundo mo.” tanong at mungkahi ng kaibigan ni Aila na si Yazzie. Katatapos lang ng huling klase nila para sa gabing iyon. Kumukuha siya ng MBA para sa taong ito. Para kasi sa Papa niya, hindi pa sapat ang kaalaman at kakayahan niya sa paghawak ng negosyo maski pa humakot siya ng award noong graduation niya, dalawang taon na ang nakakaraan. Ayaw ng Papa niya ng palpak na trabaho. Kaya nga nang hindi naging maayos ang business presentation niya sa car dealing company nila─ang Belleza Car Corp. o BCC─ay agad-agad na pinakuha siya ng MBA nito. Isa pa sa mga nagpapabigat sa kalooban niya ay ng bawiin ng ama ang mga hawak niyang transaction. Para bang, dahil lang sa simpleng pagkakamali niya ay bigla nalang mawawala ang tiwala sa kanya ng kanyang Papa. Tiwala na iningat-ingatan at pinilit pa niyang makuha sa loob ng napakahabang panahon. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa kompanya nila. Aminado siyang madaming pagkakataon na may palpak sa mga ginagawa niya. Pero lahat naman iyon ay nasolusyunan niyang mag-isa. Kaya nga ganoon nalang ang sama ng loob niya ng marinig mula sa ama ang mga salitang iniiwasan niyang marinig mula rito. “You disappoint me, Aie! Sa dinami-dami ng pagkakataon na pwede kang maging unprepared sa presentation mo, ngayon pa? Bakit sa harapan pa ng mga European investors natin?” Napayuko nalang si Aila. Paano ba naman niya sasabihing pakiramdam niya’y sinabotahe ang presentation niya, kung wala naman siyang sapat na ibidensyang ihaharap sa ama? Maayos niyang iniwan ang laptop niya sa opisina noong nakaraang araw. Maayos na din ang ginawa niyang presentation ng latest designs nila. Pero hindi niya alam kung bakit kung kailan nasa meeting na sila at nagpe-present ay saka naman na-broke ang gadget niya. Mukhang may naglagay ng virus sa laptop niya. Maski ang mga files na ginawa niya ay hindi na niya ma-retrieve. At dala ng matinding pressure ay hindi siya nakasagot ng maayos sa tanong ng mga investors nila. “Sorry, Pa.” nasabi niya. “Sorry, lagi nalang ganyan!” naiiritang saad ng ginoo. Hindi na siya nagsalita. Alam niyang walang kahit anong salita ang makakapagpakalma rito. Kung naroroon lang sana ang kanyang ina, sana’y may malalapitan siya. Pero wala. At bihira nalang din silang magkita at magkausap nito. “I think the board was right. Hindi pa sapat ang kaalaman mo. So, you better take an MBA.” “I’m fine, Yzza,” nakangiting humarap siya sa kaibigan sa muling pagbabalik ng sarili sa kasalukuyan. “mamaya lang nandito na ang sundo ko. Baka na-traffic lang or may dinaanan kaya.” “Pero malalim na ang gabi, friend. Kung iiwan kita dito, baka mapaano ka pa.” Napangiti siya sa narinig. Sa piling lang nito at ng iba pa niyang mga kaibigan nadarama ang halaga niya sa mundo. Ang Papa at Kuya Grey niya ay wala nang ibang inatupag kundi ang magpayaman. Wala namang ibang mahalaga para sa mga ito kundi ang isipin kung paanong mas mapapalago ang negosyo. Minsan nga, tinagurian na niyang mga working freaks ng BBC ang mga ito. Pero siyempre, siya at ang kanyang sarili lang ang nakakaalam ng bagay na iyon. Bihira naman kasi silang magkausap-usap at magkita-kita sa bahay nila—'yong bahay na muntik ng magmistulang haunted house sa sobrang katahimikan kung hindi lang dahil sa mga maids nila. “Ayos lang ako dito, katatawag nga lang ni Papa. Parating na si Mang Ernest.” nakangiti pa ding saad niya. “Tsaka, kapag may hahara-harang sira-ulo dito, tatadyakan ko lang, lalarga na sila ng takbo.” Tumawa si Yzza. Sanay na ito sa mga pabirong hirit niya. “All right, black belter ka nga pala. Anyway, you take care, okay?” bilin pa nito. Tumango lang siya. Ito naman ay sumakay na sa sasakyang sumundo rito. Hindi naman siya usual na nagpapasundo maski gabi ang kinuha niyang schedule. She can drive herself home. Kaya lang ay biglang nagkaaberya ang kotse niya. Ayaw na naman mag-start. Isa iyon sa mga ipinagtatatalak sa kanya ng ama. Nagmamay-ari sila ng isa sa mga pinakamalalaking kompanya sa bansa na nagpo-produce ng mga hi-tech na sasakyan Pero hayun siya, nagtyatyaga sa isang nabubulok ng accord. Hindi na mabilang ang mga pagkakataon na ipinagpilitan ng ama na magpalit na siya ng sasakyan pero palagi siyang tumatanggi. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng ama, kaya lang, ayaw din naman niyang dispatsahin ang pinakamamahal na accord. May sentimental value kasi sa kanya iyon. Iniregalo sa kanya ng kanyang Mama noong debut niya. Anim na taon na niya iyong ginagamit magmula ng mapasakamay niya ang sasakyan. At maski napakadaming beses na siyang itinirik noon sa daan ay hindi pa din niya binalak na palitan. Pakiwari niya kasi, kung ididispatsa niya iyon, para na din niyang dinispatsa sa buhay niya ang kanyang ina. Yes, ang old model na sasakyan na iyon ang nagpapaalala sa kanya na mayroon siyang ina. Ilang beses nang sinipat ni Aila ang wrist watch niya dahil inip na inip na siya. Alas-diyes na ng gabi, wala ng tao sa University. Mag-isa nalang siyang nakatambay sa waiting shed na nasa gilid ng entrance gate. Parang gusto tuloy niyang magsisi na hindi pa pumayag sa alok ng kaibigan. Pero kawawa naman si Mang Ernest na papunta na rin naman daw roon. Napabuntong-hininga siya at nag-decide na maghanap ng bukas pang fast-food booth. Gutom na rin naman siya. “Hi, Miss. Saan ka pupunta?” bati sa kanya ng isa sa mga lalaking papasalubong sa kanya. Kinabahan siyang bigla. At paanong hindi? Nakakakaba naman talaga ang pagmumukha ng apat na lalaking ito. Mga mukha ng mga taong hindi gagawa ng mabuti sa kapwa. Ang isa, may hikaw sa ilong, 'yong isa naman binatbat ng hikaw ang earlobe. Mukha ding sabog sa droga ang mga ito dahil mga namumula at nanlalalim ang mga mata. Iyong isang matangkad na lalaki lang talaga ang matino ang itsura at ipinagtataka niyang kasa-kasama ito ng tatlo pa na mukhang mga patapon na ang mga buhay. At bakit ba napakamalas naman niya at ngayon pa talaga nakasalubong ng mga ganitong uri ng tao? Ang tagal-tagal pang dumating ni Mang Ernest!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD