Sa pagkakaalala ni Aila, isang ordinaryong nilalang lang si Cairo. Wala itong super powers or anything na pwedeng makatulong sa sitwasyon nila. Sa sandaling maubos na ang lakas nita, posibleng mamatay ang lalaki sa bigat ng mga tablang nakatabon sa likuran nito. At paano ang likuran nito? Paano kung magkaroon bg damagp ang spinal cord nito? Hindi yata kakayanin ng konsensiya niya na may mangyaring hindi maganda sa lalaki. “Ikaw ang kumukontrol sa akin. Utusan mo lang akong maging malakas at matatag, siguradong makakaya ko ito hanggang sa mabungkal na tayo ng mga tao.” “Paano nila tayo bubungkalin dito, hindi ba’t galit nga sila sa akin?” “Hindi naman ganoon kasasama ang mga mamamayan ng Yama. Maaaring nagkamali sila ng aksyon sa ginawang pagsugod sa atin, pero hindi nila matitiis na hin

