Naramdaman ni Cairo ang marahang pagpiksi ni Aila. Siguro ay nabigla din ito sa ginawa niya. Pero hindi naman nagtangkang agawin muli ng babae ang kamay nito. Hinayaan lang siya sa kanyang ginagawa. Malambot ang kamay ng dalaga, masarap sa pakiramdam na hawakan iyon. Kakaiba din ang init na hatid sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. At para bang nahihipnotismo siya sa tuwing magtatama ang mga paningin nila ng babae. May kung anong enerhiya ang nagtutulak sa kanya para kabigin na naman ito palapit. Gusto niyang matikman ang mamula-mula nitong labi. Pero sinaway niya ang sarili. Isang kabastusan ang naiisip niyang iyon. Maling-mali talaga na tinitingnan niya ng deretso sa mga mata ang babae. Dahil kung anu-anong damdamin ang nagagawa nitong buhayin mula sa kanya. Tulad nalang nang nagda

