NAPAPABUNTONG-HININGA si Cairo habang pabalik sa lugar na pinag-iwanan niya sa hinirang na binibini. Minsan ay gusto niyang pagalitan ang sarili. Bakit ba niya kailangang mag-alala ng sobra sa parang ignoranteng babae na ‘yon? Kontrolado din ba ng kapangyarihan nito ang kanyang damdamin? Hindi na din niya maintinidihan ang sarili kung bakit siya naiirita sa kaalamang interesado ang pinuno kay Aila. Kitang-kita naman niya sa ikinikilos ni pinunong Ryeuki ang malakaing interes nito sa hinirang na binibini. Kapansin-panisn na mas maganda ang pagtrato ng kamahalan kay Aila kumpara kay Yamilla. Ganoong pareho lang naman na dayo ang dalawang dalaga. Dahil doon, nakakaramdam siya ng pagngingitngit. Wala siyang laban sa kamahalan kung sakaling tama man nga ang obserbasyon niya. Pero ang higit ni

