NAG-SLOW DOWN na ang mga kabayo nina Cairo at Ryeuki. Naramdaman siguro na malayo na sila sa kung sinong umaatake sa kanila. Sumabay sa kanilang pace sina Ryeuki at Yamilla. “Sino kaya ang sumibat sa atin kanina?” naitanong ni Aila kay Ryeuki. “Malamang na mula sa mga tauhan ni Xeric. Maaaring may nag-iispiya. Maaaring may nakatawid sa hangganan ng Yama na nagmula sa Serov. Kaya kailangan nating doblehin ang pag-iingat. Malamang na nakarating na kay Xeric ang tungkol sa pagdating mo. Kailangan na talaga nating mahanap ang tatlo mo pang tagasunod bago pa man sila kumilos.” Mahabang paliwanag ni Ryeuki. “Paano naman natin hahanapin ang mga tinutukoy mo kung ni hindi nga natin kilala ang mga hinahanap natin?” yamot na singhal naman ni Yamilla. “Hindi ko kailangan ang opinyon mo kaya’t man

