Chapter 11-Hinirang na Binibini

1030 Words
“Teka, pwede bang itikom mo muna iyang bibig mo at makinig ka sa sasabihin ko?” Baling ni Aila kay Cairo. Tumikom nga ang bibig nito. “Nakikita mo itong mga bato sa haligi?” tumango si Cairo . “Katulad ang mga ito sa naririto sa bangle ko, hindi ba?” Tumango ulit ito. “Anong masasabi mo sa mga ito?” Wala siyang natanggap na kasagutan. Pinagtaasan niya ito ng kilay, wala man lang ba itong magiging reaksyon sa mga iyon? “Hoy? Wala ka man lang bang masasabi?” Itinuro nito ang nakatikom na bibig. Ah, nakalimutan niya. “Maaarii ka nang magsalita.” Marahas na bumuntong-hininga si Cairo . “Masisiraan ako ng pag-iisip sa mga pinaggagagawa mo sa akin. Maaari ba, huwag mong kalimutan na lahat ng iutos o sabihin mo sa akin ay ginagawa ko kahit hindi ko gusto?” paangil na saad pa din nito. “Sa wakas, dumating ka na din, binibini. Matagal ka nang hinihintay ng bayang ito.” Sabay silang lumingon ni Cairo sa nagsalita. Ganoon nalang ang pamimilog ng mga mata niya dahil sa nakita. AGAD na yumukod sa harapan ng bagong dating si Cairo. I could guess he is their king. Or their leader. Or whatever they called him. The man was utterly handsome! Kumikinang ito sa kagwapuhan. Makinis at maputo ang kutis, silky smooth. Katulad nang mga Japanese na artista. Kung 'yong kastilyo, kamukha ng sa European Empire, 'yong pinuno katulad sa Japanese Empire! “Magandang araw po, kamahalan.” ‘Aba’t... Talaga palang namimili ang magaling na lalaking ito ng igagalang. Hindi niya ako iginalang ng ganyan kanina samantalang malaki ang nahuthot niya sa akin.’ Kumumpas ang kamay ng lalaki. Ito na ang pinunong Ryeuki na tinutukoy ng lahat. Nilapitan siya nito saka inabot ang kanyang kanang kamay. Naalerto at nailang siya nang agad na dalhin nito sa mga labi ang likod ng kanyang palad. Ang gwapo niya, oo! Pero ang awkward ng pakiramdam. Akala niya, kapag naranasan niya ang ganitong treatment ng lalaki sa isang babae, kikiligin siya. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito. She was more like embarrassed. Nakatingin kasi sa kanya ang lahat ng mga naroroon. “Matagal na kitang hinihintay, binibini. Naipagkamali pa kita sa isang bruskong babae na kakaiba rin ang pananamit. Ipagpatawad mo sana. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?” Napapangiwi nalang siya. Hindi kasi siya sana’y sa sobrang maginoong lalaki. Parang, mas prefer niya ang isang balahura at swapang na lalaking si Cairo . “I am Aila. Tawagin mo nalang akong Aie kung gusto mo. Teka, nasaan iyong babaeng tinutukoy mo?” tanong niya rito. Agad niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pinuno. Sobrang naiilang na siya sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya. Gusto niyang isipin na nagagandahan ito sa kanya pero parang hindi naman ganoon ang dahilan ng ginagawa nitong pagtitig. “Yong bruskong babae na si Yamilla? Kasama mo ba siya?” Tumango nalang siya maski hindi naman niya sigurado kung 'yong babaeng kasama nga niya ang tinutukoy niyo. Isa pa, hindi niya talaga alam ang pangalan ng babaeng kasama niyang pumasok sa pinto na tila isang portal. Pero kung sinabi nitong brusko at kakaiba rin ang uri ng pananamit, malamang na iyon na nga ang kasama niya. “Naroroon siya sa gilid ng trono ko. Ginawa ko siyang personal na alipin.” walang anumang saad nito. “Ano? Bakit ginawa mo siyang alipin?” Ano ba itong mundo na napasok nila? Bakit kailangang mangyari ito sa kanila? “Hindi maaari. Kailangan na naming umuwi sa mundo namin. Kaya lang naman ako pumarito sa palasyo mo ay para humingi ng tulong.” Nag-aalalang saad niya. Balak pa yata ng lalaking ito na gawin silang mga bihag o alipin sa mundong iyon. Mga swapang yatang talaga ang mga tao dito. “Huminahon ka binibini. Makakabalik kayo sa mundo ninyo pero sa sandaling matapos na ninyo ang seremonya ayon sa nakatadhana. Lilitaw lang muli ang pintuang lagusan sa sandaling natapos na ninyo ang inyong misyon sa mundo namin. Mahalagang katungkulan ang nararapat mong gampanan rito, binibini. Ikaw na marahil ang nakatakdang magligtas sa bayan namin sa nalalapit na malawakang digmaan. Iyon ang nakalahad sa propesiya. Ikaw ang hinirang na tagapagligtas ng silangan. Matagal ka ng hinihintay ng bayang ito, Aie.” Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. Adik ka ba? Gusto niya sanang itanong. Pero pinigilan niya ang sarili. Baka bigla nalang niyang makita ang sarili na binibitbit ng mga kawal nito para pugutan ng ulo. Bumaling siya kay Cairo. Wala talaga siyang ma-gets sa mga pinagsasasabi ng Ryeuki na ito. At mukhang ganon din si Cairo dahil blanko lang ang mukha ng lalaki habang nakaharap sa kanya at nakahalukipkip pa. “Pwede bang linawin mo? Wala kasi akong maintindihan eh.” Baling niya muli kay Ryeuki. “Matuto kang gumalang sa kamahalan, Aila.” Saway sa kanya ni Cairo. Kamahalan nila ito. Hindi ko naman siya hari. Tiningnan niya si Caiit ng masama. Ano bang pakialam nito kung magwala man siya roon? Karapatan niya iyon dahil hindi niya maintindihan ang ibinibigay sa kanyang tungkulin daw niya. Bakit niya ipagtatanggol ang bayang hindi naman siya kabilang. And besides, wala siyang ganoong kakayahan. Sarili nga niya, hindi niya maipagtanggol, itong mundo pa kaya ng mga ito? “Walang problema sa akin iyon, Cairo . Nauunawaan ko ang damdamin ng nakatakdang binibini. Malamang naguguluhan pa siya sa ngayon.” Narinig niyang sabi ng pinuno. “Salamat at matalino ka naman pala, kamaha─” “Ryeuki nalang ang itawag mo sa akin.” Putol ng kamahalan sa sinasabi niya. “Isang karangalan ang makilala ang isang magandang binibini na tulad mo. Nawa'y, sa sandaling natapos na ang misyon mo rito, hindi mo na din naisin pang bumalik sa mundo mo.” Nasamid siya. Paanong hindi niya gugustuhing bumalik sa mundo niya? Ngayon pa nga lang ay umuusok na ang mga paa niya sa kagustuhan na makaalis sa kung nasaan mang lupalop ng daigdig siya naroroon At ano naman ang gagawin niya rito? Hindi naman siya taga-rito. May sarili siyang buhay na dapat asikasuhin. Kung tutuusin, over staying na nga siya sa lugar na ito. And overstayingn means, madami na siyang inaksaya na oras. Na actually, dapat niyang ginagamit sa mas may pakinabang na bagay. May dapat pa siyang patunayan sa ama at sa pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD