“Sandali lang ha, Ryeuki. Kasi, pwede bang paki-explain sa akin ang lahat ng mga sinasabi mo? Anong misyon? Anong digmaan? At bakit ako ang magliligtas sa inyo? Sariling buhay ko nga, hindi ko mailigtas, mga buhay pa kaya ng sangkatauhan o ng mga nasasakupan mo? Ano ako, superhero?” naaasar na sabi ni Aila sa kagalang-galang na pinuno ng lugar o bayan o kastilyo na iyon, kung saan man siya naroroon.
“Ano ‘yung superhero, Aie?” nagtatakang tanong nito.
She rolled her eyes. ‘I wonder how long will I survive in here.’
“Tagapagligtas ‘yong superhero.”
“Kung ganoon, isa kang superhero.”
“Ano?” pumikit siya ng mariin at bumilang hanggang tatlo.
Nagbabakasakali siyang makakatulong ang ganoon para mapakalma ang kanyang sarili.
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o patuloy na maiirita.
“Lilinawin ko lang Ryeuki. Ang mga superhero, may mga kapangyarihan para ipagtanggol ang sangkatauhan. Ako, simpleng nilalang lang ako sa ibabaw ng earth. Wala akong kapangyarihan para maipagtanggol kayo. Kaya, pwede ba? Kung may alam kayong daan para makauwi na ako, sabihin niyo nalang. Teka, ‘yong kasama ko, kailangan ko na din siyang isama pauwi.”
“Earth?” Kunot-noong tanong ng pinuno.
“Oo, Earth. Sangkatauhan. In your case, baka Sangka-alien-an ang tawag sa inyo. Ang alien niyo kasi.”
O baka naman nasa virtual world ako.
Diyos ko! Masisiraan na ako ng bait!
Napansin niyang pangisi-ngisi si Cairo habang nakamasid sa kanya. Mukhang tuwang-tuwa pa ang hinayupak sa kamiserablehan niya.
“Anong nginingisi-ngisi mo diyan?” angil niya kay Cairo . “Suntukin mo ang sarili mo.” utos niya rito ng makabawi naman siya.
Sinuntok nga nito ang sarili. Humalakhak siya ng malakas. Minsan talaga, nakakatuwa din gamitin ang ipinagkaloob na kakayahan para sa sariling advantage. Pero hindi naman niya inisip na lumabis sa paggamit noon, kinailangan niya lang talaga para naman mabawasan ang pagngingitngit niya.
“Napakasalbahe mo talagang mambabarang ka!”angil sa kanya ni Cairo habang sapo-sapo ang nasaktang mukha.
Isang malutong na halakhak lang ang isinagot ni Aila.
“Ikaw nga talaga ang itinakda. Sa una ay bahagya pa akong nalito dahil may naunang babaeng lumitaw nalang rito sa palasyo gayong ang nasa propesiya ay isang babae lang mula sa kabilang mundo ang dadating. Pero ngayo’y wala nang duda. Ikaw talaga ang itinakda.”
Napabaling na naman siya kay Ryeuki na inabot ang kanang kamay niya saka marahang hinaplos ang suot niyang bangle.
“Ito ang pinagkukunan ng iyong kapangyarihan. Ang mga batong nakapalibot rito ang nag-uugnay sayo at sa apat na nakatakdang tagapagtanggol at tagasunod. Nakita kong nagliwanag sa kulay puti ang mga bato rito kaninang utusan mo si Cairo , gayundin ang marka sa kanyang batok. Nangangahulugan lang na isa siya sa mga tagapagtanggol at tagasunod mo.”
Nanlaki na naman ang mga mata ni Aila. Kung anu-ano kasing sinasabi ng pinuno.
At anong tagapagtanggol at tagasunod? Iyon ba ang dahilan kung bakit awtomatiko ang pagkilos ni Cairo kanina para protektahan siya sa kawal na bigla nalang humablot sa kanya?
Well, fair enough. Mabuti naman at may naka-assign pala na magprotekta sa kanya sa mundong ito na hindi naman siya kabilang.
Hindi naman sa tinatanggap na niya ang kapalarang ibinibigay sa kanya nitong si Ryeuki. Pero mabuti na din itong secure na ang seguridad niya.
“Sinasagisag mo ang elemento ng hangin, Cairo.” Baling ni Ryeuki kay Cairo. “Hindi ako nagkamali sa pagkupkop sayo, alam kong isa ka sa mga taong magkakaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan ng ating bayan.”
“Sandali.” Agad na tutol ni Cairo .
Mukhang pati ito ay naguluhan na din dahil bigla itong nadawit sa usapan nila ng baliw na pinuno ng mga ito.
“Kamahalan, alam niyo naman na mayroon akong mga prayoridad sa buhay. Hindi ako maaaring maging alipin ng mambabarang na iyan habambuhay. At paanong magiging kinatawan ng ating bayan ang isang ‘yan gayong napakalampa naman.”
Pinukol niya ng masamang tingin si Cairo pero sa malas ay para bang wala naman iyong epekto para rito.
Ang kapal ng mukha ng lalaking ito na tawagin siyang lampa!
Well, slightly true naman. But still, wala siyang karapatan na insultuhin ako. Sino ba siya sa akala niya?
“Isa pa, gusto na daw niyang umuwi. Pauwiin na natin siya ng makabalik na tayong lahat sa kanya-kanya nating mga buhay.” dagdag pa nito.
Kahit paano ay nag-agree siya sa huling litanya nitong iyon. But that doesn’t mean na natutuwa na siya rito. He should wait and see.
“Isang kalapastanganan ang ginawa mong pagtukoy sa hinirang, Cairo.” saway rito ni Ryeuki.
See? Ang bilis ng karma. Napagsabihan ka tuloy.
Yumukod naman si Cairo at humingi ng tawad sa kanya wven though alam niyang napipilitan lang itong gawin iyon.
“Sumunod kayo sa akin.” Utos sa kanila ni Ryeuki.
Nagsimula na itong maglakad sa tila walang hanggang pasilyo. Sumunod naman nga sila rito. They entered the biggest library she had ever seen in her whole life. Mas malaki pa yata iyon sa pinakamalaking library ng bansa. Punong-puno ng libro ang silid, may mga study table din na yari sa hindi maipagkakamaling matitibay na uri ng kahoy. Uso na naman pala ang kaelegantehan sa panahong iyon, pero bakit wala man lang matinong masasakyan? Kawawa naman ang mga manlalakbay na tulad nila ni Cairo . Hindi pala, si Cairo lang. Hindi naman siya manlalakbay, napasama lang siya sa tusong lalaking ito.
Naghagilap ng isang luma at makapal na aklat si Ryeuki. Dumiretso ito sa isang malaking study table, lumapit sila ni Cairo roon.
“Ito ang libro ng kasaysayan ng teritoryong Yama. Simula’t-sapul ay nasa pangangalaga na ito ng aming angkan at nagpasalin-salin sa mga sumunod na henerasyon.”
So, monarchy pala ang umiiral sa lugar na ito.
“Ayon sa aking nasirang ama, ilang daang siglo na ang nakalipas ng may isang binibini ang bigla nalang lumitaw sa aming teritoryo taglay ang pagkontrol sa kapangyarihan ng apat na elemento ng daigdig; ang lupa, hangin, tubig at apoy. Siya ang hinirang na kinatawang tagapagligtas ng silangan. Sa sandaling makompleto na niya ang paghahanap sa apat na tagasunod ay isasagawa naman ang seremonya para mabuhay ang bathala ng mga Yama─isang malaking ibon na nagtataglay ng napakagandang tinig at mga balahibo na nagpapalit ng kulay.”
‘Parang ibong Adarna ang tinutukoy ng isang ito ah? Nag-e-exist ba talaga iyon? Galing lang naman iyon sa malawak na imahinasyon ni Jose dela Cruz.’
Bakit parang ang fictions lang sa mundo niya ay nagkakaroon ng buhay sa mundong ito? May na-miss ba ang mga taong sumulat ng history ng bansa nila at hindi naisulat ang tungkol rito?