Episode 5

2936 Words
“Just asking.” Dugtong nito. Ano ba ang isasagot niya? Hindi rin siya sigurado dahil sa ngayon ay friendship lang ang kaya niyang i-offer. Boyfriend material din naman si Josh. He was thoughtful, kind, gentleman, funny, etc. kaya wala namang masama kung pagbigyan niya itong maging boyfriend. “I don’t know yet.” Iyon na lamang ang sinabi niya para mas safe. She heard him sigh. She understood where Jaz was coming from. She actually felt guilty for not telling him personally about Josh. Ilang linggo din kasi siyang umiwas dito. Hindi nga niya alam kung sino ang nagsabi dito na nagliligawan sila. She should have been the first one to tell him about that because they are best friends. “Okay then.” Tipid nitong sagot at tahimik na nilang tinapos ang pagkain. Sandali silang naghiwalay dahil ibinigay nito sa mga kaklase ang kinuhang tickets kanina. Pagbalik nito ay inabutan siya na nakatao sa ticket booth at sinamahan siya nito. Ibinigay din nito ang mga bayad sa kinuhang tickets. Natatawa siya dahil hindi niya akalaing gagawin ni Jaz ang tulad ng ganoon. It was far too different from his personality. Pero eto na nga ito, nakabenta ng dalawang booklets. Nakikita niyang pasulyap-sulyap sa kanila si Josh at hindi siya malapitan. Mas mainam na munang ganoon dahil baka magkainitan pa ang dalawa. Thankful siya dahil sa pagiging understanding at mapagpasensya ni Josh. Ginamit din niya ang charm ni Jaz para makabenta pa ng tickets at mukhang effective naman dahil halos maubos ito. Naging masaya naman ang bonding nilang magkaibigan nang araw na iyon kahit minsan ay naiinis siya sa mga mahaharot na bumibili ng ticket. Halata kasing nagpapacute lamang ang mga ito kay Jaz. Kapag walang bumibili ay itinutuloy nila ang kwentuhan saka magtatawanan ng malakas. She was genuinely happy that moment because she missed him. Hindi na nila nagawang manood ng dance competition dahil pinilit na siya nitong sumabay sa kanya pauwi noong pasilim na. Kinabukasan ay maaga siyang umalis ng bahay dahil sumabay siya sa Kuya Brew niya. Regular naman talaga silang nagsasabay dahil malapit lang ang university na pinapasukan nito. Madalas din siyang sinusundo nito maliban na lamang kapag may lakad ito. Kaya lamang nitong mga nakaraang linggo ay naging busy ito dahil sa tinatapos na thesis kaya’t sinasabihan siya nito at binibilinan na magpasundo sa ama o kaya ay sumabay kay Jaz na ang ending ay kay Jaz pa din dahil iyon lang din ang ibibilin ng Papa niya. Pero dahil nga nagwawala ang puso niya ay mas pinili niya ang commute mode at sakto ding nakilala niya si Josh kaya’t may kasabay siya palagi mag-abang ng taxi. Next year ay graduate na ang Kuya Brew niya. Tiyak na hindi siya papayagan ng ama na magdrive ng sariling kotse kaya’t no choice siya, kung hindi siya sasabay kay Jaz ay magcocommute siya. Inisang-tabi niya muna iyon dahil mahaba pa naman ang taon. Marami pang maaaring mangyari. “Alam mo, Liel, minsan feeling strong ka. You shouldn’t take a taxi alone lalo kapag gabi na!” Sermon ng kuya niya. “Ako tuloy ang napapagalitan nila Mama kapag umuuwi ka ng mag-isa.” Her brother was frowning but she knew he was not mad, he was just worried. “Okay lang, Kuya. I can handle myself.” depensa niya. “No, it’s not okay. Babae ka pa rin at maraming loko diyan.” Huminto ito sa tapat ng school nila at sandali siyang nilingon nang makababa siya kaya hindi muna niya isinara ang pinto. Nakakunot ang noo nito. “Mag-oovernight kami ng classmates ko kaya hindi kita ulit masusundo. Sumabay ka na lang kay Jaz, or please, just please Liel, let Mama or Papa know kapag wala kang masasabayan. ‘Wag matigas ang ulo, okay? Sige na, alis na ako. Bye.” Tumango na lamang siya saka kumaway para magpaalam. Mas maraming tao ngayon sa campus dahil last day na ng foundation day at ngayong araw ang main event. Natanaw niya agad si Josh na nag-aayos ng stage kaya’t nilapitan niya ito. “Hey, ang aga natin ah!” Bati niya rito. Lumingon naman ito agad nang mabosesan siya. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi nito nang makita siya at binitiwan ang mga hawak. Mabilis itong lumapit sa kanya at kinuha ang bag niya. “Nica, Namiss kita.” Seryosong sabi nito sa kanya. Hindi siya makatingin ng tuwid dito dahil hindi niya alam ang isasagot. “Nagbreakfast ka na ba? Tara sa canteen or gusto mo sa headquarter na dumiretso?” Muli itong nagsalita nang hindi siya kumibo agad. Swerte ang magiging girlfriend ni Josh sa totoo lang dahil sobrang maasikaso nito. She was thinking that she was not worth his time and effort. Pinipilit naman niya ang sarili na bigyan ito ng chance at nakikita naman niya na mabuti itong tao kumpara sa mga chickboy niyang kaklase at kaibigang tulad ni Jaz, pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya rito. Mag-iisang buwan na silang nagliligawan pero wala pa ring improvement on her end. Josh had already proven himself, siya na talaga ang may problema. “Nica.” tawag nito sa kanya. Tinapik pa nito ng bahagya ang balikat niya para matauhan siya. “Y-yes?” Kandautal na sabi niya at nag-angat ng tingin kay Josh habang naglalakad sila. “Tulala ka. Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito. “Ahm. Yeah! Okay lang ako. Sa headquarter na lang tayo. May dala akong breakfast. Hati tayo.” Nginitian niya ito saka pa lamang nawala ang pag-aalala sa mukha nito. “Hmm sige. Pero mabilisan lang. Kailangan ko na matapos ‘yong backdrop, eh. Baka mapagalitan ako ni Chairman.” Nang makarating sila sa headquarter ay pumwesto agad sila para kumain. “Nica, pansin ko lang, tahimik ka. Was it something about your kuya-kuyahan?” Nag-alangan itong tumingin sa kanya. Parang nahihiya na naiinis ang itsura nito. “Kuya Jaz? What about him? And speaking of that jerk, I didn’t know na mainit ang dugo niyo sa isat-isa. Why is that?” usisa niya. Hindi na sana naaalala ni Liel ang nangyari kahapon sa canteen pero binuksan ni Josh ang topic na iyon. “Nope. Actually, I had no problem with him until that incident yesterday.” His jaw clenched and he heaved a sigh. “May napansin lang ako sa kanya.” “What was it?” she asked out of curiosity. Ano kaya iyon? Bakit siya ay wala namang napapansing kakaiba sa kaibigan maliban sa pagiging behave nito sa kanya simula noong isang araw. Dati ay hindi sila tatagal ng bente kwatro oras na hindi nag-kakapikunan. “Hmm. Nevermind. Kailangan ko na din bumalik sa stage, eh. Okay lang ba na iwan muna kita dito?” Tumayo na ito habang hinihintay siyang sumagot. She sensed something unusual with Josh. Hindi niya matukoy pero parang malungkot ang mata nito. “Oo naman, okay lang ako dito, Josh. Salamat sa paghatid at pagsabay kumain.” Nginitian niya ito kaya’t kahit paano ay sumaya ang mga mata nito. “Too bad, hindi ako makakasama sa fun run. Ingat mamaya, ha? See 'ya around.” Nagpaalam na ito saka tumalikod. After ng lahat ng ito ay magtatapat na siya kay Josh para hindi na ito umasa at mag-aksaya ng panahon sa kanya. Pero paano niya sasabihin iyon na hindi masisira ang friendship nila? Ang hirap pero kailangan niyang pagdesisyunan ang bagay na iyon. Napasubo siya nang pumayag siyang magpaligaw para lang makalimutan ang nararamdaman para kay Jaz. Hindi pala ganoon kadali ang manakit ng damdamin ng iba. Sorry naman, first timer, eh. Inabala na lamang niya ang sarili hanggang humapon. Alas kwatro pa ang simula ng takbuhan pero nandoon na siya sa pwesto niya ng alas tres y media. Hinahanap niya ang magaling niyang best friend dahil nasa kanya ang race kit nito. Mukhang iindianin siya nito. Hindi naman kasi ito nagpaalam kagabi na hindi makakasali pero hindi rin naman nagsabi na tutuloy. Kanina pa rin niya ito tinetext at tinatawagan pero hindi sumasagot. Ilang sandali na lamang ay magsisimula na ang fun run. Ang 10km-run participants ay nauna nang tumakbo. Sila na ang susunod. Muli niyang kinuha ang phone at tinext ito. Habang tumitipa siya ay nakarinig siya ng mga bulungan na parang mga naeexcite. Malapit na malapit nang magsimula ang takbuhan sa 5km pero hindi niya inintindi iyon dahil naiinis na siya sa kababata. “Sorry, I’m late.” She startled when she heard Jaz’s voice. Nang mag-angat siya ng paningin ay nasa harapan na niya ito. Nadidinig pa rin niya ang bulungan sa paligid niya at napagtantong ito pala ang dahilan ng mga iyon. Ang inis niya kanina ay napalitan ng excitement nang makita niya si Jaz. “Where’s my tix? Para makuha ko na ang race kit sa booth niyo.” nagmamadaling sabi nito. Muli ay nanumbalik siya sa reyalidad pati ang inis niya. “‘Yan! Tapos magmamadali ka. Eto na po señorito, kinuha ko na.” she mocked him then took another string bag from hers. Dri fit shirt, baller, race bib at limang color packet lang naman kasi ang laman noon kaya nagkasya sa bag niya. Nang maiabot iyon ay nakangisi na si Jaz. “Thanks, little sister.” He mocked her too and that made her more annoyed. She crossed her arms and rolled her eyes. “Nasan pala si Josh babe mo? Hindi ka ba sasamahan?” He raised his eyebrows habang hinihintay siyang sumagot. Inirapan lang niya ito then she curled her upper lip to the side. Inilabas nito ang dri fit shirt na gagamitin sa race mula sa string bag nito at umaktong maghuhubad kaya napamulagat siya. “What the hell, Kuya Jaz? Do’n ka nga magbihis sa tago, para kang timang! Baka makita ka ng principal!” Gigil niyang sabi dito habang itinutulak ito palayo pero hindi ito nagpatinag. “Dito na, baka biglang magstart, eh. Saglit lang 'to.” Hindi siya inintindi nito at nagpatuloy lang sa ginagawa. Umisquat ito sa harapan niya para bahagyang makapagtago sa mga taong naroon. Parang may sariling isip naman ang mga mata niya na sinundan ito ng tingin at tinitigan. Nadinig niyang nagtilian ang ilang mga babae. Napalunok siya ng ilang ulit at nanlaki ang mga mata. Nakakahiya. At ang awkward. Ilang ulit na niya iyong nakita pero bakit parang ngayon lang siya naging apektado. Lagi siyang nanonood ng swimming competition nito kaya lagi niya ito nakikitang nakahubad. Pero ngayon ay kakaiba. Lumunok-lunok siya ng sariling laway. Nang makarecover ay bigay-todo niya itong binatukan bago pa man makatayo kaya napasalampak ito. “Sira ulo ka talaga. Masyado kang papansin.” Nadinig niyang nagtawanan ang ibang tao doon. She was fully aware that they knew who she was in Jaz’s life. She was not a threat to them. Ilang taon na silang magkasama sa school na iyon at saksi ang mga ito sa aso’t pusa nilang turingan. At hindi rin naman sila sweet ni Jaz kaya wala ni isa man sa mga may gusto dito ang pinagselosan o inaway siya. Mabuti pa ang kainggitan siya dahil madalas niyang nakakasama ito. Kung alam niyo lang! Impakto ang crush niyo! Jaz was just grinning at her na parang wala lang dito ang ginawa. Palibhasa maraming chicks sa gawing iyon ay nagpakitang gilas na naman si Jaz. Napakachickboy talaga. Nakakainis! “Sige na, babalik na ako doon sa classmates ko. See you later.” paalam nito saka tumalikod na. She saw how the girls drooled over her childhood best friend. Lumaki na naman ang ulo nito, malamang “Liel, ang cute talaga ng Kuya Jaz mo!” Tapik sa kanya ng orgmate niyang si Vernice na isang binabae. Ito ang isa sa mga kasama niyang magbantay sa 5km-run participants. “Cute ba ‘yon? Nakakabwisit nga ang itsura.” naiinis niyang sabi kay Vernice. Pero aaminin niya sa sariling cute naman talaga si Jaz. Hindi nga lang paghanga sa itsura nito ang meron siya eh, maging ang mahulog ang loob dito. No, Liezel! You’re just admiring him. That’s all! Hanggang kailan ba niya itatanggi sa sarili niya na nai-inlove na siya sa kababata? Kung bakit kasi nagsimula na naman ang puso niya sa pagtibok para dito. Isang sandali pa ay nagsimula na ang takbuhan. Napakasaya niyon dahil may mga destination na binabasa sila ng tubig gamit ang isang malaking hose saka sasabuyan sila ng makukulay na pulbos. Kahit bantay lang sila ay nag-enjoy pa rin siya. Nasa kalahatian pa lamang tuloy sila ng tinatakbo ay napapagod na siya agad dahil tawa sila ng tawa ni Vernice lalo kapag may mga nakakasabay silang kakilala. Naghahabulan sila at nagsasabuyan ng makukulay na pulbos. Punong-puno na siya ng kulay sa damit at buong katawan. Pati nga ang anit niya ay puro pulbos na din. Kasalukuyan siyang naglalakad mag-isa noon dahil si Vernice ay nauna na sa kanya. May nakasabay kasi silang cute kanina kaya’t sinundan at iniwan siya. Napailing na lamang siya. Napansin niyang may tumabi sa kanya at sinabayan siyang maglakad. Nang lingunin niya ito ay buong pagtataka niya itong tinignan dahil nakangiti ito sa kanya. Hindi niya ito kilala o namumukhaan man lang. “Hi, I’m Byron. Liezel, right?” sabi nito na hindi inaalis ang tingin at ngiti sa kanya. Inilahad nito ang kamay. Bigla naman ay may umakbay sa kanya sa kabilang gilid. “Hi, Byron. Yes, she’s Liezel Veronica. By the way, I’m Brandon Jace Montaña.” Ito ang umabot sa kamay ng nagpakilalang Byron. Hindi siya doon nagulat kundi sa pag akbay nito. Ngayon lang siya inakbayan nito na katulad ng ganoon. Dati ay parating sa isang balikat lamang ito umaakbay, parang ginagawa lamang nitong patungan ng braso ang balikat niya noon dahil mas matangkad ito sa kanya. Pero ngayon ay sakop ng mga bisig nito ang buong balikat niya. Ramdam pa nga niya ang matitigas nitong muscle sa tagiliran. Medyo masarap sa pakiramdam. It was as if she was so secured inside that arm. Narinig niyang pumalatak ang lalaking “Byron” and pangalan. “Gago ka naman, ‘pre. Panira ka ng diskarte.” sabi ni Byron saka inabot nito si Jaz at malakas na tinapik sa bandang sikmura kaya ang isa ay napaigtad. The two guys laughed. Saka iiling-iling si Byron na iniwan silang magkaibigan. Inalis naman niya ang braso ni Jaz dahil baka kapag hindi siya nakapagpigil ay ikawit na niya ang kamay sa bewang nito katulad ng mga nakikita niyang magkasintahan sa campus. “Kilala mo ba talaga ‘yon?” Baling niya kay Jaz. “Yeah. Classmate ko siya noong grade ten. Matagal ka nang type ka no'n.‘Di mo ba nahalata?” Walang prenong sabi nito. “Hindi.” Tipid niyang sagot. “Yeah. Hindi mo talaga alam. Dahil may Josh babe ka na eh, Nica.” Ulit nito sa palayaw na ibinigay sa kanya ni Josh. “Can you please stop calling me that way?” Mataray niyang sabi dito. Heto na naman at nalulukot ang mukha niya. Nagbalik na yata sa katinuan si Jaz. He was starting to get on her nerves again simula pa kanina. Para tuloy mas gusto niyang mabait na lamang ito. “Bakit? Gusto mo si Josh babe lang ang tatawag sa’yo niyan? Psh.” He exclaimed. “Ewan ko sa ’yo. Bahala ka nga diyan!” Nagsimula na siyang magjogging at iniwan ito. Alam niyang sumunod ito kaya mas binilisan pa niya ang takbo ngunit maya-maya pa ay may kamay na dumapo sa pisngi niya. Basang kamay iyon ni Jaz. Nagtatawa ito sa harapan niya habang tumatakbo ng patalikod. Pinagmasdan niya ang kamay nito na punong-puno ng kulay pink na pulbos. Basa iyon kaya’t sigurado siya na lalong dumikit ang kulay sa pisngi niya. “Humanda ka sa‘kin.” She was gritting her teeth. Lumingon siya sa likod at hinanap ang mga bag ng pulbos na pinagkuhanan nito. Nang masumpungan ay dumakot siya ng kulay violet at binalingan si Jaz. Nagsimula namang tumakbo si Jaz kaya’t naghabulan silang dalawa hanggang sa makarating sila sa finish line. Doon lang niya inabutan si Jaz na tatawa-tawa pa rin sa kanya. Binatukan niya ito habang naghahabol siya ng hininga. “Weak.” Sabi nito sa kanya. He was grinning but his eyes were very expressive that time. Parang masayang masaya ito. “Pinagod mo lang ako. Bwisit ka!” Sabay silang sumalampak sa lawn para magpahinga. “Namiss kong makipaghabulan sa ’yo, eh.” Nakatingin ito sa malayo pero nakangiti pa rin. Then she remembered when they were still young. Madalas magpahabol si Jaz sa kanya kapag nag-aasaran sila. She smiled. Namiss niya din iyon. “Kain tayo mamaya. Magpahinga lang tayo sandali.” Sabi nito saka walang ano-ano’y nahiga sa damuhan at pumikit. Ganoon ang gawain ni Jaz kapag nakatambay sila sa field. Kaya nitong matulog doon na parang invisible at walang pakialam sa ibang tao. Isa iyon sa natutunan niyang special skill nito. Minsan ay naa-adapt niya iyon pero sa tagong bench siya nagnanakaw ng tulog kapag naghihintay ng susunod na klase. Medyo madilim na noon pero may liwanag naman na nagmumula sa mga disco lights at marami ding ibang mga nakaupo doong estudyante kaya hindi nakakailang. Pero si Jaz ay tahimik lang habang ang isang braso ay nakapatong sa noo. Tulog na ba ‘tong kumag na ‘to? Nakakaisip siya ng kalokohan nang mga sandaling iyon. Bumunot siya ng isang d**o at kikilitiin sana niya ang ilong nito nang may tumawag sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap, Nica. Eto yung snacks mo.” Lumapit sa kanya si Josh at nag-indian sit sa tabi niya. She suspected that he didn’t notice Jaz on the other side. “You’re so colorful.” Masayang sabi nito nang maaninag ang mga kulay sa katawan at mukha niya. “And you’re still cute.” he winked. Nginitian rin niya ito at saglit na nalimutan si Jaz. Tahimik lang kasi ito kaya inisip niyang nakatulog na ito agad. “Thanks, Josh. Ikaw kumain ka na ba?” Tanong niya rito saka binuksan ang styro na iniabot nito. May laman iyong carbonara. “Hmm. Bango. Lalong nakakagutom.” “Kumain na ako kanina noong hindi kita makita. Sorry, nauna na ako. Late na kasi kami natapos sa pagaayos ng program kaya gutom na gutom na ako kanina.” “Okay lang, no worries.” she said saka sinimulang sumubo. “Kumusta naman ang fun run? Nag-enjoy ka ba, Nica?” “Liel. Her nickname is Liel.” sabat ni Jaz saka ito bumangon. Muntik na siyang mabilaukan. May kasama nga pala siyang impakto. “Yes, we enjoyed the fun run together.” Saka ito bumaling sa kanya dahilan para mapalunok. “Didn’t I say that we will eat after we get some rest?” Napalunok ulit siya kahit wala nang laman ang bibig. Nalimutan niya ang sinabing iyon kanina ni Jaz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD