Pagod na pagod si Liel sa buong maghapon. First day pa lamang ng foundation day ng school nila pero parang hindi na niya kaya. Kabilang kasi siya sa program committee kaya naman parito’t paroon siya. She was assigned with the band performers at night and to ensure that the timeline will be followed. Mahigpit na bilin iyon ng school administrator dahil hindi pwedeng abutin ng hating gabi ang mga estudyante. Pero dahil sa culture na “Filipino Time” ay nastress ang beauty niya. Patapos na ang huling bandang tutugtog at pasado alas nuebe na noon. Sa tantiya niya ay mga alas onse pa sila makakauwi dahil magliligpit pa sila.
“Hey!” Pasigaw na tawag ni Josh sa kanya sabay abot ng bottled water. Maingay doon kaya’t hindi sila magkarinigan. Inabot niya ito at uminom agad pagkabukas. Hindi na niya nagawang magmeryenda at uminom. Ni ang umihi ay hindi rin.
“Ako na muna dito. Maupo ka muna.” Bahagyang inilapit nito ang bibig sa tenga niya. Nakabantay kasi siya sa harap ng stage kung saan nakapwesto ang mga organizers, nandoon rin sa tabi nila ang naglalakihang speakers. Parehas sila ng committee ni Josh. Buti na lamang dahil hindi niya kaclose ang mga nakagrupo niya. Kada event kasi ay nagshushuffle ng committee members ang org nila. Para daw makilala ang bawat isa at magamay ang buong activities.
“Okay lang ako dito. Matatapos na din naman eh.” Tutol niya. Mas malapit na sila ni Josh ngayon dahil araw-araw silang nagkikita simula noong papalapit na ang foundation day. Nagsabi na rin ito sa kanya na manliligaw at pormal na nagpaalam na rin sa mga magulang niya. Pinayagan niya ito para tuluyan na niyang maibaon sa limot ang nararamdaman para kay Jaz. Kasundo rin naman niya si Josh. Kung tutuusin ay mas gentleman ito. Mas tinuturing siya nitong babae kaysa kay Jaz na walang ibang ginawa kundi ang inisin siya. Ilang linggo na din silang hindi nakakapag-usap ng maayos ni Jaz. Maikling usapan lamang at asaran pa ang nagiging ending. Pero mas okay na ang ganoon. Hindi niya alam kung alam na nito na may manliligaw na siya. First time niyang nagpaakyat ng ligaw.
So far, so good. Maasikaso si Josh. Sinasamahan din siya nito palagi sa canteen basta nagkasabay ang kanilang lunch break. Nakakatuwa din ang mga banat nitong joke. Pero kahit na anong good quality ang nakikita niya ay hindi pa rin nito mabago ang isip niya para sagutin ito. Kaibigan pa rin ang turing niya dito.
“Oh sige, dito na lang din ako sa tabi mo.” Tumabi ito ng sobrang lapit sa kanya at nagbubungguan na ang mga braso nila. Wala namang malisya iyon sa kanya basta’t huwag lang siya nitong yayakapin o aakbayan. Kung hindi ay makakatikim ito ng kamao niya. Nilingon niya si Josh at nginitian.
“Okay, sige.” pagpapahintulot niya rito ngunit hindi nadinig ni Josh iyon kaya’t iniyuko nito bahagya ang ulo para maitapat ang tenga sa bibig niya.
“Ano ‘yon, Nica?”
“Sabi ko lang, okay!” Saka nagbungisngisan silang dalawa nang marealize na para silang timang na nagsisigawan. Hindi niya alam na malapit lang si Jaz doon at kanina pa sila pinapanood.
Inis na inis na si Jaz kanina pa. Akala niya ay masosolo na niya si Liel dahil wala nang klase sa buong school. Pero may asungot pala. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi siya maka-timing kay Liel dahil sobrang busy nito pagkatapos ng klase. Lagi nitong kameeting ang mga kasama sa org. Minsan niya itong inabangan sa labas para isabay umuwi pero nakita niya itong kausap ang unggoy na Josh at nagtatawanan pa sila habang naglalakad. Sinasamahan nito si Liel sa labas ng school hanggang makasakay ng taxi pauwi kaya hindi siya makasingit. Nakadama siya ng selos.
Tuwing nakikita siya ni Liel na may kausap na babae ay gusto niyang habulin ito at ipaliwanag ang sarili sa kababata, na hindi siya nakikipagflirt, hindi tulad ng palagi nitong paratang sa kanya. Hindi lang niya magawang iwasan ang mga babaeng lumalapit sa kanya dahil ayaw niyang masabihang bastos at mayabang. Madami ang nag-aabot sa kanya ng love letters pero ni isa sa mga iyon ay hindi niya pinag-aksayahan ng panahon na basahin dahil hindi siya interesado. Nakakainis lang dahil kung kailan may lumalapit sa kanya ay saktong nandoon din si Liel. Nakikita niya ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito tuwing nasasaksihan na may kausap siyang babae. Kaya naisip niya noon na baka may gusto si Liel sa kanya. Pero mukhang nagkakamali siya dahil simula nang makilala nito si Josh ay ito na ang palaging kasama ng best friend niya at tila mas gusto nitong kasama ang unggoy na iyon kaysa sa kanya.
Alam rin niyang nagliligawan na ang mga ito. What pissed him more was that Liel didn’t have any plan of telling him about that. Kahit paano naman ay siya ang best friend, at sabi nga nito eh they’re like “siblings” kaya may karapatan siyang malaman. Everytime he tried to confront her, she became grouchy. Kaya imbes na mag-usap sila ng maayos ay nauuwi sa pikunan.
At ngayon na pinagmamasdan niya ang mga ito na sweet ay nagseselos siya. Dati sa kanya ibinibigay ni Liel ang mga matatamis na ngiting iyon. He realized how fast things had changed. Siguro ay dapat na lang niyang kalimutan ang nararamdaman para kay Liel. They are better off being best friends. Kahit man lang sana ang relasyon nila bilang magkaibigan ay manatili. Gagawa siya ng paraan para bumalik sila sa dati. Pero tuwing naiisip niyang may iba na itong gusto ay nawawala siya sa mood at nababadtrip tulad ngayon. Nakatago siya sa poste at pinapanood lamang ang dalawa habang siya ay kanina pa mura ng mura sa isip dahil sa sobrang inis. Pipilitin niyang maging cool sa harap ni Liel kahit na kasama ang unggoy nitong manliligaw. He would do his best para maging okay na sila ulit ni Liel.
_____
Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang event para sa araw na iyon. Naglalakad na si Liel at Josh papalabas ng main gate. Nagpupumilit si Josh na ihatid siya pero tiyak siyang magagalit ang Mama at Papa niya dahil mahigpit na bilin ng mga itong walang sasakay sa motor.
“Sigurado ka, Nica? Sobrang late na. ‘Di ako mapapakali na mag-isa kang uuwi.” Bakas niya ang pag-aalala sa boses at mukha ni Josh.
“Naku, lalo kang hindi mapapakali kapag pinagalitan tayo ni Mama at Papa.” she grinned. “Kaya ko naman eh. Strong kaya ako.” she joked to convincce him that she was just fine going home alone. Nangiti naman si Josh pero nakakunot pa din ang noo nito. Magsasalita na sana si Josh nang may biglang bumusina sa likuran nila. Nakilala niya ang kotse na iyon. Napahinto sila kaya’t huminto din ang kotse saka bumaba ang driver.
“Hey, little sister. Tara na, sa akin ka na sumabay pauwi.” Walang ano-anong sabi nito habang naglalakad papalapit sa kanila.
Napakaangas talaga! Sigaw niya sa isip.
“Ayun pala, Nica. Mas okay kung sumabay ka na kay Kuya Jaz mo.” Sinegundahan ni Josh ang sinabi ni Jaz. Papaano pa siya tututol? Nakita niyang inabot ni Jaz ang backpack niya mula kay Josh.
“Pa’no, Nica, see you tomorrow?” He slightly bowed to meet her eyes.
“A-ah. Sige. Thank you ha? See you tomorrow. Bye.” Nginitian niya ito ng payak saka tumalikod na ito pabalik sa parking lot.
“Let’s go, little sister.” he said with sarcasm. Wala na siyang nagawa kaya sumakay na din siya sa passenger’s seat. Hindi niya kinikibo ito dahil pagod siya at wala na siyang lakas para patulan ito kung sakaling bwisitin siya.
“Congrats sa event niyo, Liel. Successful ang first day. Nag-enjoy kami ng classmates ko kahit halfday lang kami naka-join.” Matapos ang ilang minutong pananahimik ay nagsimula ng topic si Jaz. Wala sana siyang balak kausapin ang hambog niyang best friend pero hindi niya inaasahang compliment ang unang lalabas sa bibig nito.
“Thanks.” Tipid niyang sagot.
“Bukas ano ang event niyo?” Jaz asked while seriously driving.
“Dance competition.” Bukas ay hindi siya ang naka-assign sa program. Kaya mapapahinga siya. Pagod na pagod na siya at inaantok na. Sana sa last day ay walang hassle.
“Oh, I see. Kayo din ba ang in-charge sa fun run sa last day?” Sandali siyang nilingon nito nang hindi siya agad nakasagot. Antok na antok na kasi siya. Speaking of fun run, kailangan niyang makabenta ng tickets. Sayang naman kasi ang event kung kaunti lang ang dadalo. Where’s the fun in that?
“Ah, yeah. Nakaassign yung group namin sa 5-km run, eh. Ikaw, sumali ka ba?” tanong niya rito kahit alam naman niyang wala itong hilig sa ganun.
“Hindi eh.” he grinned. Yeah, right.
“Sayang naman. Fund-raising event din kasi ‘yon eh para sa schoolmate natin na may cancer. Mukhang kokonti lang kami sa event. Ang KJ kasi ng mga senior high students, ayaw magparticipate.” She pouted. Pinaparinggan niya si Jaz dahil batchmates talaga ng mga ito ang matitigas ang ulo. May mga sariling mundo palagi. Mukhang kaunti lang ang makakasali sa fun run dahil marami pa ang natitirang ticket.
“Busy kasi kami. Daming projects at activities. Makagraduate ang goal namin ngayon. Pero sige, I’ll join.” She was suprised. Himala.
“Weh? Talaga ba, Kuya Jaz? Seryoso?” She arched her eyebrows and examined Jaz’s face. Baka kasi pinagtitripan lang siya nito.
“Oo nga. Ikaw na ang magtabi ng ticket ko. ‘Yong 5-km run, ha? Ayoko sa iba.” Napipilitan lang ba ito? Kung swimming siguro ay mabilis pa ito sa alas kwatro tatango. Pero okay na din, dagdag na din sa fund iyon. “‘Tapos bigyan mo ako ng dalawang bundle. Bebentahan ko classmates ko bukas.” Ano kaya ang nakain ni Jaz at biglang bumait? This was the rare version of Jaz.
“S-sige. Ibibigay ko bukas. Nasa headquarter yung tickets eh. Salamat.” Nakatingin lang siya dito at binabasa ang mukha nito pero blangko lang iyon na nakatungo sa daan.
Mag-aalas dose na sila nakauwi sa village. Inalok pa nga siya ni Jaz na sumabay dito kinabukasan dahil daw maaga din ito papasok para gumawa ng group project. Tumango lamang siya dahil nawiwirduhan siya kay Jaz. Ganun ba ang epekto ng pag-iwas niya dito? Edi sana pala ay dati na niyang ginawa para hindi niya tiniis ang mga nakakapikon nitong banat. Agad din siyang nakatulog nang gabing iyon dahil sa sobrang pagod.
Kinabukasan ay inabutan niya si Jaz sa sala nila at kasamang nagkakape ang Mama at Papa niya. Ang aga ng damuhong ‘to. Kakagising lang niya noon at nakapantulog pa.
“Oh, Liel. Akala ko ba ay aalis kayo ng maaga nitong si Jaz?” bati ng Papa niya. Nag-inat inat pa muna siya habang naghihikab bago sumagot.
“Eh napagod ako kahapon, Pa. ‘Di tuloy ako nagising sa alarm ko. Pero wala naman akong task today kaya okay lang. Support lang ako sa orgmates ko.” paliwanag niya.
“Eh, etong si Jaz may kailangan yatang gawin sa school. Na-late na nang dahil sa kahihintay sa ’yo.” sabat ng Mama niya. Pinagtanggol na naman ‘yung paboritong anak. Angal niya sa isip. Talagang super close ang dalawang ito. Minsan nga ay parang mas anak ang turing nito kay Jaz kaysa sa kanya. Natawa siya sa naisip.
“Okay lang, Tita. Baka late din pumasok ang mga classmate ko. Mag-iintay lang din ako doon.” agap ni Jaz.
“Oh siya, gumayak ka na Liel at nang makaalis na kayo. Nakahain na ang almusal sa dining table.” Ngumuso ang Mama niya sa gawing kusina. “Ikaw, Jaz anak, sigurado ka ayaw mo magbreakfast?”
See? Sila talaga ang mag nanay eh! Natatawa niyang sabi sa isip.
“Okay na po, nagbreakfast na ako sa bahay bago ako pumunta dito.” Hindi na niya nakita pa ang itsura ni Jaz dahil tinalikuran na niya ang mga ito saka nagsimulang magready para pumasok.
Nang makarating sa school ay nagvolunteer muna siyang magbantay sa ticket booth dahil wala pa naman siyang gagawin. Nang magtatanghalian na ay bumalik muna siya sa headquarter nila para magpahinga. Malalim ang iniisip ni Liel habang nakatitig sa dalawang booklets ng ticket.
“He’s really weird. Napapano kaya ‘yon?” Kausap niya ang sarili. Naninibago talaga siya sa best friend niya. Dati ay walang oras na hindi sila nagbabangayan. Pero kanina ay nagtatawanan pa sila habang nagkukwentuhan. Parang nag-iba si Jaz ngayon. Maya-maya lamang ay magkikita ulit sila. May usapan kasi sila mamayang lunch break para iabot ang mga tickets. Isa pang ipinagtataka niya ay ang pagdagsa ng tao sa ticket booth nila ngayon at karamihan sa bumili ay mga babae lalo na ang mga senior high students. Malakas ang pakiramdam niyang may kinalaman si Jaz doon. Nadinig kasi niya kanina ang usapan ng mga kikay na batchmates nito.
“Girl, bumili ka na. ‘Di mo ba alam ang latest?” sabi ng isang babae na namumula ang nguso dahil sa lip tint.
“Latest like what?” maarteng tanong ng kasama nito.
“Jace Montaña will be joining the fun run! Kaya bumili ka na din ng ticket!” Mahina lamang ang pagkakasabi niyon pero ramdam niya ang kilig ng dalawang bruha.
Malakas talaga ang appeal ni Jaz. He could be considered as campus crush dahil pwede na itong magkaroon ng fan’s club sa dami ng babaeng nagkakagusto dito. Ang alam nga niya ay lagi itong kinukuhang Mister Intrams pero laging tumatanggi dahil mas gusto nito ang magcompete sa swimming.
“Knock, knock.” Nagbalik siya sa reyalidad nang kumatok si Josh sa armchair na inuupuan niya.
“Hey, what’s up? Break niyo na?” tanong niya dito. Nag-aayos kasi ang mga ito ng stage na gagamitin mamaya sa dance competition.
“Yeah! Maaga kaming magla-lunch eh. Gusto mo bang sumabay na? May gagawin ka pa ba?” Nagugutom na siya pero mas gusto niyang makita si Jaz. Baka magkasalisi sila kapag umalis siya sa headquarter.
“Nope. Mauna ka na. Eatwell.” Gumanti naman ito ng ngiti sa kanya bago tumalikod. May sandwich pa naman siya kaya iyon na lang muna ang kakainin niya. Pero nang mawala na sa paningin niya si Josh ay napansin niyang nakatayo pala si Jaz sa may pinto. Bakit hindi niya ito napansin agad? He was glaring at Josh’s way. His brows were lowered and his lips were pressed firmly together. Another rare version of Jaz. Meron na yata itong bipolar disorder at paiba-iba ng reaction tuwing makikita niya. Inilang hakbang siya nito sa loob ng silid.
Nang nasa harap na niya ito ay bumuntong-hininga bago nagsalita. “Where are the tickets?” he said in a cold tone.
“Here.” Inabot niya ang kanina pa hawak na tickets. Tumingin ito sa kakabukas lamang niyang kwadradong plastic container.
“Sandwich lang ang kakainin mo for lunch?” he furrowed his brows and he sounded worried. Nag-iba na naman ng reaction ito. Hindi kaya nakukulam na ang best friend niya?
“A-ahm.” Hindi na siya hinintay nitong sumagot at hinila na ang pulso niya kaya naman napatayo siya. She felt that familiar warmth again from Jaz. She still couldn’t name it but she liked the sensation it gave her.
“Let’s go. Sumabay ka na maglunch sa akin sa canteen.” Patuloy lang ito sa paghatak sa kanya hanggang makarating sila sa canteen. Iginiya siya nito sa bakanteng mesa at pinaupo doon. Ito na ang umorder ng lunch nila. Nang mapansin siya ni Josh na nag-iisa doon ay lumapit ito sa kanya.
“Hey, Nica. Sana sinabi mo na magla-lunch ka na din pala after a while. I should have waited for you.” Naupo ito sa bakanteng bangkona katapat niya. “Doon ka na lang maupo sa table namin para may kasabay ka.”
“Okay lang Josh, k-kasabay ko din kasi si K-kuya Ja–” Hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil may tray na puno ng pagkain ang lumapag sa harapan nila ni Josh.
“Ano ‘yon, pre? Baka pwede mamaya na lang kayo mag-usap sa headquarter niyo. Kakain na kasi kami.” maangas na sabi ni Jaz with blank expression. Josh smirked. Pero pagbaling nito sa kanya ay maamo na muli ang mukha at nakangiti.
“Sige, Nica. ‘Balik na ako sa table namin. See you around.” Nginitian niya ito bilang ganti. Ngunit nang tumayo ito ay tinitigan pa muna ulit nang masama ang kababata niya. Nagtagisan ang mga ito ng tingin. She felt the intensed atmosphere. ‘Di siya aware na mainit pala ang dugo ng mga ito sa isa’t isa, not until that moment. What the hell was happening?
“Sige na, Josh. Later na lang.” pukaw niya rito para umalis na ito at baka kapag nagtagal pa ay magpang-abot ang mga ito. Muli siya nitong nginitian saka naglakad na palayo. Si Jaz naman ay naupo na parang walang nangyari, na parang hindi niya binastos si Josh. Ang lakas ng topak!
“Her nickname’s Liel not Nica, though.” humirit pa ang topakin niyang Kuya Jaz. Mabuti na lamang at hindi na pinansin ni Josh at nagdiretso na ito sa lamesa kasama ang iba nilang orgmates.
“Kayo na ba no'n?” tanong ni Jaz habang isa-isang inaalis sa tray ang kakainan nila.
“What? Ni Josh? No.” mariin niyang tanggi.
“Eh bakit gano’n umasta ‘yon?” Tumingin ito sa kanya kaya nagsalubong ang mga mata nila. From his look, it was as if he was mocking her for letting Josh court her.
“Eh ikaw, bakit gano’n ka umasta kay Josh? May ginawa bang mali ‘yong tao? Ang rude mo kanina, Kuya Jaz. My god! Nakakahiya kay Josh.” So, magsisimula na ba ang away nila? She somehow missed that.
“Nakaupo siya sa bangko ko, siya ang rude.” She was surprised by his childishness. Hindi niya akalain na may isasagad pa ang pagiging isip-bata nito. She let out a sigh and shook her head as a sign of disbelief.
“Ang babaw mo.” Hindi na niya ito tiningnan pa at nagsimula na lamang siyang kumain. Ilang minuto silang hindi nagkibuan habang kumakain. Tanging ang tunog ng kubyertos sa plato ang bumabasag ng katahimikan.
“That Josh guy, do you like him?” She was shocked by his unexpected question.
“Huh? Why?” wala sa sariling naisagot niya. Hindi tumitingin sa kanya si Jaz. Patuloy lamang ito sa pagkain.
“Liel, ako ang nagtatanong.” She still found no expression on his face.
“N-no. Not yet. I-i mean, we’re good friends at mabait siya at masaya kasama.” It was awkward for her. Dahil alam niyang mas masaya ang puso niya kapag nakikita at nakakasama niya si Jaz. Para tuloy nawalan na siya ng gana kumain sa tinatakbo ng usapan nila.
“So, is there a chance na sagutin mo siya?” He raised his eyebrows while waiting for her answer.