Episode 3

3016 Words
"Mukhang nakapag-charge ka nga. Ngiting aso ka na naman, eh." ganti niya. She rolled her eyes saka tinalikuran na niya ito. Masyado naman kasing rude kung ipagtatabuyan niya ito dahil hindi naman iyon ginagawa sa kanya kapag siya ang nagpupunta sa bahay nito. Kahit rin naman pigilan niya ito ay hindi rin naman ito uuwi. Mag-aasksaya lang siya ng laway sa pakikipagtalo dito. Mabuti na lamang at kahit paano ay okay na ang pakiramdam niya. Nasusupil na niya ng paunti-unti ang damdamin. Nang maisara ni Jaz ang gate ay nagmadali itong mauna sa paglakad saka humarang sa pinto. "‘Yan ang namiss ko, ang pagdepensa ng pipitsuging si Liel." A broad smile was drawn on his face while he was leaning against the doorpost. "Hoy! 'Wag mong sirain ang araw ko kung ayaw mong humagis palabas." asik niya at tinaasan pa niya ito ng isang kilay. She crossed her arms. “Tabi!” Pinadaan naman siya nito pero bahagya siyang napaso nang magdikit ang katawan nila. Dumantay lang naman ang braso niya sa dibdib nito but the sensation was foreign. Dati kapag nagkakalapit sila ay wala naman siyang ganoong epekto sa kanya. She couldn’t name it yet. "Wow, ang tapang, ah. Let’s see kung hanggang saan ang ibubuga ngayon ng bubwit." She heard him giggled at her back. Napakahambog talaga ng kababata niyang ito. "You jerk." Malapit na siyang mapikon. Isang linggo din niya itong hindi nakita. Isang linggong tahimik ang mundo niya ngunit hindi ang puso niya. Almost every night, she was thinking of this jerk. Kapag iniisip niyang magkasama ito at si Jasmine ay halos mabaliw na siya at kulang na lang ay maging stalker ng mga ito. She missed him, pero mas pinili niyang hindi magpakita dahil naguguluhan siya sa sarili. She was afraid to mess up in Jaz's presence at mabuking nito ang feelings niya. At least now, she could handle herself. May saysay din ang ilang araw niyang pag-iwas dito. Nagdiretso siya sa sala at nauna nang maupo. Ipinatong niya ang laptop sa hita ngunit nang bubuksan na niya iyon ay biglang nagsalita si Jaz. "Liel, movie marathon tayo. Wala akong magawa, eh. Wala akong kasama sa bahay." Nag-angat siya ng tingin dito. He was sitting beside her at nakapatong ang isang braso nito sa sasandalan niya. Mabuti pala at hindi siya agad humilata kundi ay maling galaw ang magagawa niya. Mukhang may pagka-psychic ang ungas niyang best friend dahil naiisip nga niyang mag-movie marathon kanina. "Ayoko. Gusto ko lang matulog at magpahinga. Ayaw ko ng may kasamang parrot." Nagpatuloy siya sa ginagawa at ini-run ang paborito niyang computer game. Hindi pa man nagloload iyon ay inagaw na ni Jaz ang laptop niya at isinara saka ipinatong sa center table. "Parrot pala, ha?" Sabay pindot nito sa ilong niya. Naghahamon talaga ang isang 'to. Kinuha niya ang throw pillow sa sofa saka gigil na inihampas sa ulo ni Jaz. How she missed this scene. Namiss niyang makipag-away dito. At nagsimula na silang mag-asaran at magsakitan. Nakapagtataka namang biglang gumaan ang pakiramdam niya at nawala ang inis sa kababata. Now, they were laughing hard while hitting each other with pillows. "Time out!" sabi ni Jaz. "Nagugutom na ako. Hindi pa pala ako nagla-lunch. Pakain naman." He pouted his lips. Cute! "Okay. Tara sa kusina." yaya niya nang maalalang nagluto si Manang Elsa bago umuwi para sa rest day nito. _____ Magkatapat sila sa mesa habang kumakain. Sinimulan na ni Jaz ang pakay niya. "Liel, bakit ang sungit mo nitong nakaraang araw? Isang linggo kang panay tago." "Hindi naman ako nagtatago. Hindi mo lang kasi talaga ako napapansin. Masyado ka kasing busy sa ibang bagay." She emphasized the last three words and he sensed jealousy from it. "Wala na kami ni Jasmine. Masyado siyang maganda at mabait. ‘Di kami bagay. At baka mabugbog ako dahil madaming naiinggit." pagbibiro niya. Nakakita siya pagkabigla sa mukha ni Liel ngunit agad din itong nagliwanag. Ah! Tama ba ang nabasa niya sa reaksyon nito? Nagseselos nga kaya ito kay Jasmine? Pero sa anong dahilan? "How kapal! At buti naman narealize mo na ‘di kayo bagay." bungisngis nito. "Eh sino ba ang bagay sa akin?" Pang huhuli niya rito. Yumuko siya para tanawin ang mga mata nito pero nakatunghay lang iyon sa plato habang hindi nawawala ang ngiti nito sa labi. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip ni Liel nang mga sandaling iyon. "Edi kakulay mo. Para kayong kape at gatas ni Jamine, eh." Sabay ngisi nito sa kanya. "Ikaw, tingin mo ba bagay kayo ni Marky? Ang tangkad kaya no'n. Ikaw, ang liit mo. Magmumukha kayong mga engkanto. Isang kapre at isang duwende." Pumangalumbaba siya sa mesa matapos isubo ang huling kutsara ng kinakain. "Tigilan mo na nga ang pang-iinis sakin sa ungas na 'yon. 'Di ko na crush ‘yon!" At mukha namang totoo. Nasa mata nito ang pagsasabi ng katotohanan. "Sino na ang crush mo ngayon?" patuloy niya. Come on Liel. Sabi sa sarili. Ano nga ba ang dahilan bakit gusto niyang mapatunayan sa sarili na may gusto rin ito sa kanya at bakit ganito kalakas ang kumpyansa niya sa sarili? Unang kita pa lang niya Kay Liel sa gate sa katapat na bahay noong araw na naglilipat sila ng gamit ay napansin na agad niya ito. Nakatingin ito sa Papa niya na naglilinis ng kotse. Nasa mukha nito ang paghanga. Maganda ang kotse. A sports car. At mukang may kaya ang pamilya nito. T-shirt at short ang suot ni Liel at naka-cap. Lalaking lalaki ang porma pero ang cute nitong tignan. Nakaladlad ang mahaba at wavy nitong buhok. Mamula-mula din ang pisngi dahil sa init ng araw. And from that day, she became his childhood crush. Hanggang sa makita niya itong nakalupasay sa damuhan, the day they first met. Lalo siyang humanga rito because she was so tough and brave. Marami rin itong mga kwento. Her interests were unusual for a little girl at ten. Gusto nitong maging racer tulad ng Papa nito at may koleksyon ng mga miniature cars. Nang mag-birthday ito ay niregaluhan niya ng isang vintage model na miniature car at lubos ang pasasalamat nito. She promised not to quarrel with him again. Pero ganoon naman talaga ang mga bata. Mahilig mag-away kaya hindi rin iyon natupad. Madalas niya itong pinapagalit dahil natutuwa siya kapag lumalaban ito. Pinapantayan nito ang pakikipag-asaran sa kanya. Ayaw nitong magpatalo. Minsan na niyang napaiyak si Liel dahil itinago niya ang paboritong model ng kotseng laruan nito. Pulang pula ang muka nito at nagbanta pa na magsusumbong kay MamaCherry niya kapag hindi nito naibalik ang laruan. He loved to see her crying. Mas cute kasi ito. Pero naiinis siya tuwing binubully ito ni Marky pero hindi ito lumalaban. Hanggang salita lang si Liel dito dahil may gusto ito kay Marky. That thought irritated him so much. Kapag siya ang nang-iinis kay Liel ay sabunot, sipa at kurot ang tinatanggap niya mula dito. Unfair. Pinukaw ng tunog ng doorbell ang pagbabalik tanaw niya. Hindi nga pala sumagot si Liel sa tanong niya kanina. Nakita lamang niya itong patuloy ito sa pagkain at nakangiti. "Sila Mama na 'yan." Sabi ni Liel. "I'll get it." Iniwan niya si Liel sa kusina para pagbuksan ng pinto ang mga magulang nito. "Oh! Nandito ka pala." Sabi ni Vera. She was smiling at him. “Bati na kayo?” pabulong nitong tanong at marahang siniko siya sa tagiliran. Siguro ay nakahalata ito sa pag-iwas ni Liel sa kanya. “Yes, Tita.” sabi niya habang kumakamot sa batok. "Wala po sila Mama, out of the country. Kaya po tumambay muna ako dito." "Hanep ‘yang parents mo minamani lang ang pagpunta sa Singapore. Parang Cubao to Pasay lang." sabat ni Benjo. Natawa lang si Jaz. Totoo namang madalas ay wala ang mga ito sa Pinas. May balak kasi ang mga itong magtayo ng business sa Singapore. Matagal na din kasing resident ang mga ito sa Singapore bago pa siya ipanganak at naisipan ng magulang niyang muling bumalik doon for business purposes. Isa pa ay may Tita siya roon na pwedeng pagkatiwalaan sa pagmamanage ng business nila. "Oh siya, nakakablessed ang araw na ito at napagod ang katawang lupa ko. Magpapahinga na muna ako, Hon." sabi ni Vera saka ito umakyat sa hagdan. "Sige, Ma, pupunta pa ako sa shop ni Alex, eh. Isasama ko na si Brew. Magpapaturo daw siya kay Alex regarding sa thesis nila." pagpapaalam ni Benjo. Malapit nang grumaduate ang Kuya ni Liel. Mechanical Engineering ang kurso nito. Hindi nalalayo sa mga machines. Ganoon kalakas ang impluwensya ni Benjo sa magkapatid. "Oh kayong dalawa, anong balak niyo?" Tanong ni Vera sa kanila ni Liel na ngayon ay nakaupo na sa sala. "Magmomovie marathon daw po kami ni Liel." inunahan na niya itong sumagot dahil alam niyang kokontra na naman ito. "Ah. Sige. Kung magutom kayo may pagkain naman sa fridge. Magpapahinga na muna ako, ano?" Saka dumiretso na paakyat si Vera. "Yes. Tita." Sabay baling niya kay Liel nang makatalikod ang Mama nito. "Wala ka talagang binatbat sa ‘kin." Ginulo ni Jaz ang buhok nito tanda ng pagtatagumpay dahil walang nagawa si Liel. Kinabukasan ay agad na nilisan ni Liel ang room nila nang matapos ang huling klase. Alas tres pa lamang noon pero nagmamadali siyang pumunta sa headquarter ng organization nila dahil may meeting sila. They needed to finalize the plan for the upcoming foundation day of their school. Ipapakilala din ang mga bagong members nila. Nang madaan sa kalapit na building ng headquarter nila at nakita niya si Jaz na may kausap na namang babae. Napailing siya. Kabe-break lang nila ni Jasmine pero may nilalandi na naman itong bago. Nagdiretso na lang siya sa paglakad dahil may namumuong selos at inis na naman sa kanya. Hindi na niya ito tinawag at siguradong wala ding patutunguhan na maganda, siya lang din ang mapipikon bandang huli. Baka malate pa siya sa meeting nila. Pagdating niya doon ay agad na silang nagsimula. Karamihan kasi ng ka-org niya ay mga senior students kaya doon sila nakahanap ng headquarter malapit sa building ng 4th year students. Nagsimula na ang meeting nila at ipinakilala muna isa-isa ang mga bago. Natutuwa siya na dumadami na sila. This time ay halo-halo ang mga newbie. Sa batch kasi nila noon ay mga freshman silang lahat. Ngayon ay mayroon ding mga senior at junior students. One of them caught her attention because they have the same interest. Sinabi nitong mayroon siyang collection ng miniature cars. Mula sa collectibles hanggang sa mga laruan. Mamaya ay lalapitan niya ito para makipagkaibigan. Ilang oras silang nagusap-usap at sa wakas ay may final na silang plano. Iilan na lamang silang naiwan noon sa silid dahil napasarap pa sa kwentuhan ang ibang dating miyembro kasama ang mga newbie. Ang iba kasi rito ay kaklase rin ng mga ka-org niya. “Oh, paano guys mauuna na ako, ha? It’s getting dark. Baka nabubulahaw na si Anna dito.” Tukoy niya sa pangalan ng multo galing sa mga nadidinig niyang kwentong kababalaghan. She giggled when she noticed their horrified faces. “Tignan mo ‘tong si Liel, ang KJ! Tara na nga. Katakot!” Sigaw ni Eugene at nagmamadaling kinuha ang bag sa kabilang bangko. Tumakbo ito ng mabilis palabas saka pinatay nito ang ilaw dahil nandoon lamang ang switch nito malapit sa pinto. Kaya naman nagkagulo ang mga kasama niya sa loob at nagkanya-kanya ng pulas. Pasilim na noon kaya madilim na sa kwarto kahit may kaunting liwanag pa. Siya ay hindi naman nakisali sa takbuhan at nagtatawa lang. Naglakad siya papunta sa pinto at binuhay muli ang ilaw. Natatanaw niya ang mga kasamahan doon sa labas at nagtatawanan at nag-aasaran. Napansin niyang siya na lang pala ang babaeng kasama ng mga ito. Nangiti siya dahil kung sino pa ang mga lalaki ay sila pa ang matatakutin. Muli siyang pumasok sa silid at inayos ang mga ginulo nilang bangko. May ilan sa mga ito ang bumalik doon para tulungan siya. Nang matapos ay inilock na nila iyon at nagkanya-kanya na sila ng uwi. Pero ang isa sa mga ito ay sumabay sa kanya dahil pareho sila ng gate na lalabasan. Ito ang newbie kanina na kaparehas niya ng hilig. Pormal itong nagpakilala sa kanya habang nililisan nila ang school. “Hi, I’m Josh. Nice to meet you Liezel Veronica. Pero parang mas bagay sa’yo kung Nica ang nickname.” He was smiling at her. Ahead ito sa kanya ng two years. Magkaedad lang ito at si Jaz. Matangkad rin ito at gwapo tulad ni Jaz. Heto na naman siya sa pagkukumpara ng mga lalaki sa hambog niyang best friend. “‘Di ako sanay. Liel na lang.” tanggi niya sa sinabi nito. Kakalabas lang nila noon ng building. Akala niya ay maghihiwalay na sila dahil pupuntahan nito ang motor sa parking lot pero nagkamali siya. “Masanay ka na, Nica.” Ngumisi ito sa kanya dahil sa pagpilit ng bago niyang palayaw. “Teka, ‘san nga pala ang sundo mo?” Tanong nito nang malapit na silang makalabas sa main gate. “Wala 'no! Magcocommute lang ako.” Napangiwi ito sa sagot niya. “What? Sunod ako ng sunod sa ‘yo, eh you’re actually going home na pala.” he laughed. “Tara na sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita.” “N-naku, ‘wag na! Baka out of way ako. Tsaka baka mahuli tayo. Wala akong helmet.” sabi niya habang malayo ang tingin niya sa mga dumaraang taxi. Pumapara siya pero hindi siya hinihintuan noon. “Meron akong extra. Nandoon ‘yung ginamit ni Ate kanina noong ihatid ko siya sa office. Come on, let’s go.” Hinawakan siya nito sa pulso kaya bahagya siyang nagulat sa inaakto nito. Napaharap ito sa kanya. “Sorry. Don’t worry harmless ako. Meron din akong student license. Kaya safe tayo.” Kumindat ito sa kanya at sa hindi niya malamang dahilan ay nagpahatak siya dito nang lumakad na itong muli. Mukha namang mabait ito. Tsaka para itong si Jaz kung umasta. Parang kuya. Oo, hanggang kuya lang niya si Jaz. Ang pinagkaiba lang nito at ni Josh ay gentleman ang huli. “First time kong aangkas sa motor.” sabi niya nang nakapwesto na si Josh sa motor at pinaandar ang makina. Medyo kinakabahan siya. “I’ll take you home safely.” sabi nito saka isinuot ang helmet. Inaabot naman nito sa kanya ang isa pang helmet. “Wear this.” Sinunod naman niya ang sinabi nito at inalalayan siyang makaupo sa likod nito. Ikinawit nito ang kamay niya sa balikat nito ngunit inalis niya iyon. Hindi siya komportable. Bahagya itong lumingon para ipadinig ang sinasabi sa kanya. “Kung ako sa’yo kakapit ako sa balikat ng driver para ‘di ako mahulog.” Alam niyang nakangisii ito base sa paniningkit ng mga mata nito. Saka pinaandar nito ng medyo mabagal ang motor. Sa gulat niya ay para namang naiwan ang katawan niya sa inalisan nilang lugar at napansin niyang nakakapit na pala ang mga kamay niya sa bewang nito. “See. Told ‘ya!” he chuckled. Pakiramdam niya ay namumula ang mukha niya sa hiya. Mabuti na lamang at pareho silang naka-helmet. Inilipat niya ang mga kamay sa balikat nito para hindi gaanong awkward. Ilang sandali lamang ay nawala din ang patay na hangin sa pagitan nila at nagkwentuhan sila habang pauwi. Minsan ay hindi sila magkarinigan kaya para na silang nagsisigawan kapag nag-uusap. Masaya din kakwentuhan si Josh. Kaya naman ang tagpong iyon ay naulit pa ng naulit. Halos araw-araw ay hinahatid siya nito pero hindi naman sila nauubusan ng kwentuhan lalo kapag tungkol sa hobbies at interest nila. Mas marami kasi itong alam kaysa sa kanya. Madami siyang natututunan dito lalo sa paglalaro ng computer games. Binibigyan siya ng mga tips nito kung paano magpalaki ng bounty na nakukuha sa isang car racing game. Marami pa itong sinuggest sa kanyang magagandang laro. Two weeks na simula nang maging magkaibigan sila nito. Nakilala na din ng parents niya ito nang minsan silang abutan sa labas ng gate pagkahatid sa kanya. Okay naman sa parents niya ang paghatid sa kanya pero ayaw ng mga ito na umaangkas siya sa motor dahil takaw aksidente daw. Kaya simula noon ay hindi na siya nagpahatid kay Josh at naintindihan naman nito ang rason niya. “Mukhang busy ka ah. Party kayo ng Kuya Josh mo?” tanong ni Jaz sa kanya habang pinapanood siyang naglalaro ng isang role playing game kung saan magkaparty sila ni Josh. Hindi niya ito pinapansin at nakatunghay lang siya sa laptop. “Simula noong nakilala mo ‘yang Josh na ‘yan lalo ka nang sumungit. Bad influence.” May iritasyon sa boses nito. Hindi niya personal na sinabi ang tungkol sa bago niyang kaibigan pero alam niyang hindi lingid iyon kay Jaz dahil nakikita sila nito minsan sa school lalo kapag may meeting ang org nila. “Anong kuya? Bata pa ‘yon.” pagtatanggol niya. “We’re of the same age, though.” Sabi nito. Hindi pa rin niya nililingon ito. Naiinis siya rito. Balita kasi niya ay may bago na naman itong pinopormahan. Hindi pa naman niya nakukumpirma pero hindi na bago iyon. Naiinis lang siya dahil hindi nito mapansin ang beauty niya samantalang sila ang laging magkasama. Kaya nagpapakabusy siya sa org para lang maiwasan ito. Wala naman kasi itong ginawa kundi ang buskahin siya at tawagin ng kung anu-anong nakakainis na name-calling. “So?” Pagtataray niya dito. “So why are you calling me ‘Kuya’?” Hindi niya magets ang pinupunto nito. Hindi pa ba ito sanay na tinatawag niya itong kuya, eh ilang taon na silang magkasama at kuya naman talaga ang tawag niya dito. Hanggang doon nga lang ang patutunguhan nila eh–magkuya. “What?” Nilingon niya ito dahil nawiwirduhan siya dito. “‘Cause we’re like siblings, duh?” She rolled her eyes then turned back to her laptop. Ilang sandaling hindi kumibo si Jaz only to find out that he was already standing behind her. Magkachat sila noon ni Josh sa laro kaya sigurado siyang nababasa nito ang pinag-uusapan nila. They were talking about going to a quest together. “Alis na ako, little sister, Nica.” he emphasized the last words. “May pizza pa naman sa bahay. Kaya lang mukhang nag-eenjoy ka kalaro ‘yang si Josh babes mo eh, Nica.” ulit nito sa palayaw na ibinigay ni Josh. Nagbasa nga ito ng chat nila dahil tinawag siya ng ganoon ni Josh kanina. Hindi pa rin niya pinansin si Jaz at pinigilan ang sarili na sumunod dito kahit gusto niya ng pizza. Ayaw na niyang magdidikit kay Jaz dahil pakiramdam niya ay lumalala lamang ang feelings niya dito kahit pa pinipikon lang siya nito palagi. Nadinig na lamang niya ang paglapat ng pinto ng kwarto niya. She heaved a sigh. That was the deepest and longest sigh that she had taken in her life. Nalungkot siyang bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD