"Kuya Jaz!" tawag ni Liel habang humahabol ito sa kanya palabas ng building.
"Bakit ayaw mong lumingon?" sumbat nito nang maabutan siya. Hinihingal ito kaya’t huminga muna ito ng malalim para mapawi ang sobrang pagod. "Tawag ako ng tawag pero sinasadya mong hindi madinig." She was frowning. Pulang-pula na naman ang mukha nito at nagsisimula nang magbutil ang pawis nito sa noo at tungki ng ilong.
Ginulo niya ang buhok nito. "Eh kasi naman ang ingay-ingay mo. Tuwing popormahan ko si Jasmine, susulpot ka na lang bigla. Nasisira tuloy ang diskarte ko." Biro niya rito. Pero totoo iyon na tuwing iistyle siya kay Jasmine ay biglang bubuntot si Liel sa kanya. Para itong nananadya. Nakagawian na ni Liel na sirain ang diskarte niya tuwing may balak siyang pormahan na chick sa campus nila. Kaya naman ang iginaganti niya rito ay ang pagdiscourage dito tungkol sa kaklase nitong si Marky. Pansin kasi niyang may gusto si Liel dito.
Since they met, they've been good friends, they even treated each other as real siblings. So did their parents. Si Vera at si Benjo, ang mga magulang ni Liel, at sina Cherry at Iggy, ang mga magulang ni Jaz, ay naging malapit sa isa't isa.
The two mothers often went to each other's house to have a little conversation. They sometimes bonded through cooking and shared one's specialties. Sina Benjo at Iggy naman ay kadalasang nasa shop ni Alex. Mahilig din pala sa kotse si Iggy, in fact he joined a racing competition when he was younger until he had a family.
Nang mag-birthday naman noon si Brew, ang kuya ni Liel, ay sama-sama nila itong cinelebrate. Each of them were very much welcome to one another. Anim na taon na pala ang nakalipas simula nang umpisahan nila ang magandang samahan ng pamilya nila.
Minsang matulog si Jaz kina Liel dahil sa business trip ng mag-asawa. Nakapagtayo kasi ang mga ito ng boutique which was an importer of elegant dresses. Ito ang passion ng Mama ni Jaz. Fashion designer wanna-be kasi ang ina niya noong kabataan nito. Malapit na rin pasukin ng mga magulang niya ang pag-da-direct selling sa mga micro-business ng RTW. His father supported his mother on that business venture. Nagresign na ito sa trabaho nang gumanda ang takbo ng negosyo nila.
Noong maliit pa sila Jaz at Liel, kapag nasa bahay siya nila Liel, ay napagkakasunduan nilang mag-laro ng Let's Go at mga kotseng de-remote ni Liel. Hanggang sa iiyak na lang bigla si Liel dahil sa pagkapikon kay Jaz. Minsan naman ay biglang ililigpit ni Liel ang mga laruan niya at magkukulong sa kwarto.
Lagi silang nagbabangayan dahil tuwang tuwa naman itong inaasar si Liel. Kapag umiiyak kasi ito ay pulang-pula ang mukha at nakakagat pa sa labi para hindi magtuloy-tuloy ang pag-iyak. She was a brave girl. Ayaw nitong ipakita sa iba na talo siya at hinding-hindi ito iiyak sa harapan niya. She knew no defeat. She always had the last thing to say. Hindi niya ito basta-basta mapaiyak kaya naman lalo siyang na-cha-challenge na bwisitin ito. At anim na taon na rin silang away-bati.
"Ah si Jasmine? Eh ang kikay-kikay naman no’n." ismid ni Liel.
"Dapat ‘yon ang gayahin mo para hindi ka napagkakamalang tomboy. Tignan mo nga ang itsura mo. Kababae mong tao, ang dusing mo. Yuck!" biro niya sabay takip sa ilong. Lumayo pa siya kay Liel para ipakitang nandidiri siya dito.
"Yuck ka din. Gano’n pala ang taste mo. Yuck!" ganti ng nanlilimahid na si Liel. Kakagaling lang nito sa football field dahil kakatapos lang ng PE.
"Hindi ka nga tomboy, mukhang insecure ka sa beauty ni Jasmine, eh. ‘Yaan mo, ‘pag naging kami, patuturuan kita ng pag-aayos ng sarili." Umaalingawngaw ang boses nila sa corridor habang tinatahak nila ang pinto palabas sa building.
"Hindi ah, si Marky nga hindi naman daw niya type ‘yon, eh." nagkakandahaba ang nguso ni Liel habang nagsasalita. Baited! He said to himself. Malakas talaga ang kutob niya na crush ni Liel ang kaklase nitong bully.
"Bakit? Sino ba ang type ni Marky? Ikaw? Kaya ba lagi ka niyang inaasar?" panghuhuli niya. Lalo pang namula ang mukha ni Liel sa sinabi niya at nag-iwas ito ng tingin. Ngumuso ito patagilid kaya lumabas ang cute nitong dimple. Well it seemed he was correct. Pansin niyang lagi itong hindi gumaganti tuwing inaasar ni Marky, samantalang kapag siya ang nang aasar dito ay bugbog ang inaabot niya. At hindi ito namumula ng ganoon tuwing tinutukso niya sa iba nitong classmate.
"Hindi, 'no! 'Yong ungas na ‘yon? Ang baho nga no’n. At ang dungis-dungis." she pouted.
"Edi bagay kayo, pareho kayong madungis!" At nagsimula na silang maghabulan sa loob ng campus.
_____
Nagpunta si Liel sa bahay nila Jaz para yayain itong manood ng paborito nilang TV series pero busy si Jaz sa pakikipagtelebabad. Si Cherry lamang ang nagpapasok sa kanya sa bahay. Kanina pa niya ito tinetext na pupunta siya pero hindi ito nagrereply. IIyon pala ay may katawagan sa cellphone. Sino na naman kaya ang kalandian ng magaling niyang kababata sa phone?
“Feel at home, Liel. Manood ka na at mukhang mamaya pa ‘yan si Jaz. Noong isang araw pa ‘yan ganyan. Kulang na lang ay i-glue ang cellphone sa tainga.” paliwanag ng Mama nito sa kanya. Naglapag ito sa center table ng pitcher na may lamang orange juice at bowl ng snacks.
She just finished two episodes when Jaz showed up. Malapad na naman ang ngisi nito. Dinampot nito ang bowl saka ipinatong sa tiyan nang makahilata na ito sa tabi niya. Kinuha nito ang remote na nasa gilid niya at inilipat ang channel.
“Hoy, bakulaw. Kakadating mo lang tapos ililipat mo ‘yang TV. Bastos nito, ah.” singhal niya kay Jaz. Nilingon siya nito at tinaasan siya ng kilay saka ngumisi.
“‘Wag ka nang mainis. Kasi itong ikukwento ko sa ‘yo, siguradong mas maiinis ka.” he flashed that annoying smile again.
“Ano na naman ang trip mo?” Tanong niya at dumampot ng chips sa bowl na nasa tiyan pa rin nito.
“Kami na.” mayabang na sabi ni Jaz sa kanya. Ano daw? Nino? Pero nang mapagtanto niya kung sino ang tinutukoy nito ay nagtanong siya para makumpirma.
"Girlfriend mo na si Jasmine?" lubos ang pagtatakang tanong ni Liel. Ganoon lang kabilis na niligawan ni Jaz si Jasmine? Wala pang isang linggo noong huli itong nagsabi na manliligaw.
"Wala ka kasing bilib sa akin, eh." pagyayabang nito. Inalis nito ang suot niyang baseball cap at ginulo ang buhok niya. Mabilis naman niyang tinabig ang kamay nito at inayos ang buhok.
"Huh! Conceited!" She brushed her hair with her fingers.
"Inggit ka lang. ‘Di ka pa kasi nililigawan ni Marky. Hayaan mo matutuloy na ang proper grooming lesson niyo para mapansin na ni Marky ang beauty mo." Nilingon niya ito para panlisikan ng mata pero sa TV nakatungo ang mga mata nito habang ngumunguya. She rolled her eyes. Heto na naman ito sa kaka-Marky nito samantalang matagal na niyang hindi crush ang bully na si Marky kaya wala nang epekto ang panunukso nito.
"No thanks." Nawala siya sa mood dahil sa dala nitong balita. Totoo ngang mas nakakainis kaysa sa kahambugan ng kababata niya ang balita nito. Maganda naman talaga si Jasmine at masarap kausap dahil minsan na niya itong nakasama sa isang school event na pareho nilang dinaluhan.
Hindi naman mestizo si Jaz pero bumagay rito ang kulay nito. His dark complexion made him more attractive. Mamula-mula kasi ang kutis nito pero moreno. Idagdag pa ang maamo nitong mga mata–maliban na lamang kapag nakangisi ito. Matangkad ito at matalino. Madalas rin itong sumasali sa swimming competition sa school nila at nananalo rin. Ilan na sa classmates niya ang nagtangkang kunin ang cell number ni Jaz sa kanya, ngunit binilinan siya nitong huwag na huwag iyon ibibigay kahit kanino. In short, Jaz was gorgeous kaya malakas ang dating sa mga babae.
"Hoy, bubwit!" pukaw nito sa kanya habang siya ay nagkakandahaba ang nguso sa hindi niya maintindihang pagkainis. Tumaas ang isang kamay nito at minasahe nito ang noo niya. Bahagya pa siyang pumikit dahil nasarapan siya sa pagmasahe nito. “Salubong ang mga kilay mo. Sabi sa’yo maiinis ka sa news ko, eh. Jaz, one. Liel, zero.” Saka nito piniga ang ilong niya then he burst out laughing. Tinabig niya ang kamay nito at naiinis na tumayo.
"Tantanan mo nga ako. ‘Badtrip ‘to. Uuwi na ako." Pero mabilis siya nitong hinatak paupong muli. Nakangisi pa rin ito kaya hindi pa rin okay. May kasunod pang banat ito sigurado.
“Walang uuwi! Pikon-talo! Jaz, two. Liel, zero.” He laughed again after he tallied their score. Akala nito ay nakakalamang na ito ng puntos dahil napipikon na siya. So she decided to stay para ipakita na hindi siya apektado sa balita nito.
“Oy, kayong dalawa tumigil na nga kayo. Magkakapikunan na naman kayo niyan, eh.” saway sa kanila ni Cherry habang paakyat ito sa hagdan.
“I-two mo ‘yang mukha mo! Akin na nga ‘yang remote.” pasinghal niyang bulong dito. Inagaw niya ang remote at inilipat ang palabas kung saan si Jim Carrey ang bida. Tumigil na sa pang-aasar si Jaz at nagsimula silang manood na dalawa. Pero kahit comedy ang pinapanood ay hindi siya natatawa. Wala nga siyang naiintindihan sa eksena. Nadidinig niyang humahalakhak si Jaz kapag may nakakatawang scene. Siya ay nakatutok lang sa TV ang mata pero ang isip niya ay nasa kawalan.
Napukaw ang atensyon niya ng iniharang ni Jaz ang palad sa mata niya saka mabilis na itinaas-baba iyon sa hangin.
“What?” baling niya dito dahil naabala siya sa pagmumuni-muni.
"Hindi ka nanonood. Natatameme ka diyan, eh. Ano ba ‘yon?" he asked with confusion on his face.
"Wala, 'di lang ako makapaniwalang may girlfriend ka na. She's your first girlfriend, right?" pagtatapat niya.
"Sus. ‘Yon lang ang iniisip mo?” Pumalatak ito saka ngumiti. “Yep, she’s my first girlfriend. Pero syempre iti-treat pa rin kita ng lunch kahit girlfriend ko na siya, kung ‘yan ang inaalala mo." he grinned. Inismiran niya ito at nagpanggap muli na nanonood.
Gustong-gusto niyang nakikita ang mga ngiti nito, kahit minsan ay ngiting aso na ito tuwing inaasar siya. Lalo itong gumugwapo kapag ngumingiti na kita ang pantay-pantay na ngipin. Minsan nga ay nahuhuli siya nitong nakatanga rito kapag nagbibiruan sila. She was dazed by his killer smile.
Hindi niya akalaing mapapasagot nito ang girl next door na si Jasmine. Parang malayo kasi ito sa mga type ni Jaz na kadalasan ay mahinhin. Oo, maganda si Jasmine at naiinsecure siya dahil kahit kailan ay hindi pa siya sinabihan ni Jaz ng kahit cute man lang. Maganda din naman siya, hindi nga lang mapag-ayos at laging naka-sneakers, nakapants at nakaloose shirt kapag nasa labas ng school. In fact, may mga nagkacrush na din sa kanya mula sa classmates niya at sa ibang klase. Each and every one of them, she always compared to Jaz kaya deadma ng beauty niya ang mga ito dahil hindi nila napantayan si Jaz.
Si Jaz ang naging batayan niya ng lalaki. Bakit nga ba? Dahil sa pagiging malapit at parang kapatid nito sa kanya? Hindi ba't magkaiba si Jaz at ang Kuya Brew niya ng pagkatao pero pareho niya itong nakakasundo? So, dahil nga ba doon? O baka naman hinanapan na lang niya ng rason para maikubli ang totoong nadarama niya dati pa?
No! She did not like Jaz, never. Or did she? Kaya ba lagi niyang sinisira ang diskarte nito kapag nagbabalak na manligaw? Kaya ba ngayon ay nagseselos siya sa narinig niyang balita? Kaya naiinis siya sa Jasmine na 'yon kahit mabait naman ito at warm kausap? It couldn't be! Ayaw niyang iwasan siya ni Jaz kapag nalaman nito ang bagay na iyon.
"Tara, Liel, lalim na ng nahukay mo sa pag-iisip. Seryoso mo ngayon, ‘di ako sanay. Wala ka bang naihandang counter-attack ngayon?" Tumayo na ito at niyaya siya para maglunch. Tahimik lang siyang sumunod.
Simula noong araw na iyon ay dumistansya siya kay Jaz para bigyang daan kahit sandali ang pagsesentimyento ng puso dahil may girlfriend na ang kababata niya. Aminado naman siyang nagseselos siya. Pero dapat ay dahil lang sa may kaagaw na siya sa oras at atensyon bilang best friend nito. She wanted to kill whatever feeling she had for Jaz. Hindi tama para sa kanya na lumabis pa sa pagiging kuya ang pagtingin niya dito. Para na silang magkapatid. Ganoon lang dapat.
Lagi niyang tinatakasan si Jaz sa school para makaiwas muna. Magpapalipas lang siya.
She was facing her laptop and doing her homework nang pumasok si Vera. "Galing dito kanina si Jaz, hinahanap ka." umpisa nito.
"Ganun po ba?" tipid niyang sagot na hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.
"Oo, magpapasama yata sa mall. May usapan daw kayo pero hindi mo daw sinagot ang phone mo no'ng tumawag siya. Ang akala ko wala ka pa kaya sinabi kong hindi ka pa nakakauwi."
"Ah. Ganun po ba?" Wala siyang ibang maisagot sa Mama niya dahil ayaw na niyang pag-usapan muna si Jaz. Tsaka iniiwasan nga niya Jaz kaya hindi niya dapat hayaan ang ina na ientertain ito.
"There is something unusual between the two of you, darling." Heto na ang power instinct ng Mama niya. Aamin ba siya? Syempre hindi. Walang dapat makaalam ng sikreto niya.
"Hindi naman po sa ganun." She couldn’t find the right words to defend herself. Usually kasi ay “Nakakainis kasi siya, Mama.” ang isinasagot niya kapag nagtatanong ito kung bakit hindi sila nagpapansinan.
"Surely, magkaaway na naman kayo. Ah! No. Let me rephrase that, may tampuhan kayo, ano?" Her mother caught her off guard.
"Paano niyo po nasabi?" maang niya.
"Hindi ka harsh sa mga sagot mo, eh. Tell me, darling. Ano ang nangyari?" Hindi alam ni Liel kung sasagutin niya ang ina. Aamin ba siya dito? Nahihiya siya pero ina naman niya ito. Maiintindihan siya nito.
"Wala po, ‘Ma. Focused lang po ako para sa exam next week kaya di ko masyadong pinapatulan ang pang-aasar ni Kuya Jaz." She chose not to confess.
_____
Another week of being home alone. Wala na namang kasama sa bahay si Jaz dahil busy ang parents niya sa trabaho. Minsan ay nagtatampo na siya sa mga ito dahil hindi na quality time ang naibibigay sa kanya. Pero bumawi naman ang mga ito on his sixteenth birthday. They took him to Palawan and sailed on a yacht.
Tuwang-tuwa siya dahil pangarap niyang magkaroon ng yate. He did not own one but at least nakatuntong siya rito. Her parents were full of surprises at hindi nakakalimot na pasayahin siya.
Nakaupo sa sofa si Jaz nang muling maisip si Liel. He was thinking of talking to her. One week na silang hindi nag-uusap o nagkikita. He had this odd feeling na iniiwasan siya ni Liel dahil kahit sa school ay hindi niya ito mahanap. Last time he saw her was when he was eating snack with Jasmine. Alam niyang nakita nito sila but she did not join them. That day he had proven there was really something with his best friend.
He was not sure of his hunches about Liel’s reason to act that way. Ayaw niyang mag-assume. Nagsimula lang naman ang lahat nang sabihin niyang sila na ni Jasmine. Since that day, Liel started acting weird. Anyway, wala naman talaga siyang balak ligawan si Jasmine. His friends just provoked him to test his charm to Jasmine. Katulad lang din ng mga nauna niyang niligawan. Wala pa talaga siyang natitipuhan na kahit sino sa campus. They all looked the same to him. Magaganda at sexy pero pare-pareho lang ng itsura, walang “wow” factor. At dahil gusto lang niyang patunayan ang s*x appeal ay ginawa naman niya ang dare ng barkada niya. Iyon lamang ay nagkakaroon ng excitement dahil nakita niya ang ibang trait ni Jasmine na mukhang interesante kaya niligawan na niya ito ng tuluyan. Maganda rin naman ito, so why not?
Ngunit hindi alam ni Liel na wala na sila ni Jasmine. Nakipaghiwalay ito matapos malaman ang usapan nila ng barkada niya–na sila ring naglaglag sa kanya kay Jasmine. He stood up and decided to go. Kakausapin niya si Liel.
_____
Liel was eating her lunch. Another boring day because it was weekend. Parang gusto niyang magmovie marathon. Tatawagan niya si Nics, ang closest friend niya among her classmates. They were classmates since grade school. Although transferees lang sina Jessie at Ram, pero nakasundo agad nila ang mga ito. They were seatmates then. Magkakalapit lang kasi ang mga apelyido nila kaya magkakatabi sila sa seating arrangement.
At si Ram ang naging best friend niya sa mga ito. Marami kasi silang mga bagay na napagkasunduan, maging sa mga kalokohan. Pilya kasi si Ram. Naalala niya nang minsang papasok ng classroom ang crush nitong si Shane. ‘Wari ay natapilok ito at biglang kumapit sa batang lalaki. Nang masalo ito ng crush ay kinubli ang mukha at tumingin kay Liel, sabay kindat. Maraming rin silang memories na pinagsamahan ng mga kaibigan niyang ito, and she was thanking the universe for bringing them together.
Nasa kasarapan siya ng pagrereminisce nang tumunog ang doorbell. It could be her parents and Kuya Brew. Nagsimba kasi ang mga ito at hindi siya nakasama dahil tinanghali siya ng gising. Ibinaba niya ang cellphone at hindi na nakuha pang tawagan ang mga kaibigan. Lumabas siya at binuksan ang gate. Napaatras siya.
"What can you say, my friend? I'm still alive and kicking." pagsisimula ni Jaz. Mukhang hindi boring ang weekend niya because it would be an annoying weekend.