Matt Woods' POV
Ang saya ng canteen. Tulad ng dati, puro kalokohan at asaran ang nangyayari sa grupo. Ethan was his usual cool, detached self, habang si Michelle, well, she never changed, palaban at hindi nagpapa-api kahit kanino. Pero ang totoo, mas interesado ako sa bago. Brittany Harries. Bagong salta, halatang hindi sanay, at mukhang out of place dito.
Napansin ko siyang tumayo mula sa table na inuupuan namin, para bang pilit umiiwas sa lahat ng atensyon. Weird. Normally, ang mga babae sa school na 'to, gusto lagi ng spotlight, but not her. Ewan ko ba kung anong meron, pero the moment I saw her, nagkaroon ako ng interest. Something about her felt... familiar. Hindi ko mawari kung saan ko siya nakita o nakilala, pero wala akong panahon para isipin pa ang tungkol sa mga ganyang bagay.
Nang makita kong nagmamadali siyang lumakad palayo, I couldn’t help but grin. Ang awkward ng galaw niya, as if she was trying to escape something—or someone. Tumingin ako kay Ethan, nag-aabang kung may gagawin siya, pero wala man lang siyang paki. Typical Ethan.
Tumayo ako, tinatamad but intrigued. This girl, there’s something about her. Kailangan ko siyang makilala. Kaya nang malapit na siyang makalabas ng canteen, mabilis kong hinawakan ang braso niya, enough para mapigilan siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko, a smirk playing on my lips. Syempre, alam ko naman na napapansin niya ako kanina pa, kahit nagtatago siya sa likod ng mga pilit na tingin. Tinitigan ko siya ng diretso, enjoying the way her eyes widened, para bang nahuli ko siya sa kalagitnaan ng isang krimen.
Hindi siya agad sumagot, at mas lalo akong napangiti.
"You’re not thinking of running away, are you?" dagdag ko pa, ang tono ko ay halatang may bahid ng panunukso. Kita ko sa mukha niya na hindi siya sigurado kung ano ang isasagot o gagawin. Damn, nakakatawa 'to. Nakakatanggap ako ng ganitong reaction madalas, but hers was different, she was hiding something. And I’m a guy who loves a good mystery.
Binitiwan ko ang braso niya at sumandal sa isang pader malapit sa pintuan, crossing my arms over my chest. Wala akong pake kahit na may ibang mga estudyanteng gustong dumaan, makita pa lang nila ako, tumatalikod na sila.
Nakatitig lang ako sa kaniya. Ang awkward niyang kumilos, halos hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Hey, relax," sabi ko, pretending to be friendly. "I don’t bite. Unless you want me to." That last part I whispered, low enough for only her to hear, knowing it would make her even more uncomfortable. It worked, of course. Nakita kong nag-blush siya, and she quickly turned her head away, trying to regain her composure. Classic.
I could tell na hindi siya sanay sa ganitong interactions. Hindi tulad ng ibang babae rito sa school, 'yung mga tipong gustong-gusto ng pansin, mga nagpapakitang-gilas at nagpapapansin sa akin at kay Ethan para lang mapansin namin. This girl, though... iba siya. And that’s exactly why I’m interested.
"So, Brittany, right?" tanong ko, kunyaring casual, pero kita ko na nagulat siya na alam ko ang pangalan niya. Syempre naman alam ko, kanina lang natawag sa attendance, but I could see it caught her off guard.
"You don’t look like someone who’s used to this place," I added, still watching her reaction closely. Nakakatawa siyang tignan, para siyang nasimento sa kinatatayuan nya.
"Actually," sabay lapit ko ulit sa kanya, leaning just close enough to invade her personal space, "you seem a little too... innocent for Kingsfield. What brings you here, huh? Scholarship? Or... something else?"
Hinayaan kong bumitin ang tanong sa ere, giving her room to feel the weight of it. Halatang kinakabahan siya, and I liked it. Girls like her don’t usually last long in a place like this. Kingsfield University was full of people who would eat her alive if she wasn’t careful. Pero there’s something about her na hindi ko maalis sa isip ko. Maybe it’s her reaction when she saw me earlier, as if she recognized me pero pilit tinatago. Now, that was interesting.
"You know," sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya, "I feel like I’ve seen you before. You ever been here before? Or..." Tumigil ako, para bang nag-iisip, pero to be honest, I was just enjoying messing with her. "You sure we haven’t met somewhere?"
Nagtagal pa ako ng ilang segundo, watching her squirm under my gaze. "Oh well, doesn’t matter," sabay taas ng kamay ko, para bang pinagsasawalang bahala na lang. "Just know, Brittany... sa school na 'to, you better learn to keep up. Kung hindi... well, things can get ugly real fast."
A smug smile spread across my face habang binibitawan ko 'yung mga salitang 'yon. Tumayo ako ng maayos, adjusting my jacket before turning to walk back to our table. Pero bago ako tuluyang bumalik, I glanced over my shoulder, meeting her eyes one last time.
"See you around, new girl."
And with that, I left her standing there, probably still trying to make sense of everything I said. What can I say? Gusto ko ng ganitong laro, pushing people’s buttons, seeing how far I can go. And with Brittany? Mukhang magiging interesting ang sem na 'to.
Perfect.
Brittany Harries' POV
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para bang pinako ako doon. Ano nang gagawin ko? Nagsisimula nang mag-isip si Matt kung saan kami nagkita. No! Hindi nya pwedeng maalala. Hindi pwede, kung hindi ay katapusan ko na.
When I managed to moved my feet, agad akong tumalikod at humarap sa pinto. Naglakad akong namamawis ang mga kamay at paa. Paano kung nakikilala nya talaga ako?
Napatakbo ako sa labas ng gusali. Iniisip ko pa lang, parang gusto ko ng mag drop out. What a great way to start this school year.
Nang makarating ako sa oval, napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko na sanang umuwi at pagisipan kung lilipat na lang ba ako ng school. But then I remembered, I'm Brittany Harries. I'm smart and I know that I can outsmart him. Kaya kong makipag sabayan sa laro nya.
Huminga ako ng malalim at sabay inayos ang sarili. Akala nya kaya nya akong takutin? Duon sya nagkakamali. Hindi nya ako kayang lamangan. Tinatagan ko ang aking loob at nagsimula ng mag martsa papasok ng gusali. Kailangan ko na rin kasi bumalik ng room namin dahil matatapos na ang break time.
Pagpasok ko sa room, nakita ko na ang grupo nila Michelle. Naroon na sila, nakaupo, pero wala pa ang professor namin. Napahinga ako nang maluwag. Okay, safe pa ako. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap?" sabi sa akin ni Michelle ng magtagpo ang mga mata namin.
Napalingon ako kay Matt na nakaupo sa tabi ni Ethan. Nakatingin din siya sa akin, may pilyong ngisi sa labi niya, para bang natutuwa siyang makita akong affected. Hindi ako nagpasindak. Hindi ako nagpaapekto. Hinamon ko siya ng titig habang sinasagot ko si Michelle, hindi tinatanggal ang mata ko kay Matt. "Nagpahangin lang ako sa labas."
Napangisi si Matt, clearly pleased by my little defiance. But this wasn’t over, hindi pa rin ako sigurado kung ano ang talagang iniisip niya. Gusto niya akong paikutin, but I wasn’t going to make it easy for him.
Tinungo ko na ang upuan ko at hindi na binigyan ng pansin ang katabi kong si Matt.
Ano kaya ang itsura ko ngayon? Mukha ba akong kinakabahan? Hindi ko alam, pero ginagawa ko ang lahat para mag mukhang matapang. I couldn’t let him see through me. Not now, not ever! Kahit na anong mangyari, hinding hindi ako papayag na inaapi-api.
He might think he has the upper hand, but deep down, alam ko na may laban din ako. I wasn’t going to let some arrogant jerk get the better of me, kahit gaano pa siya ka-charming.
Pagtagal ng oras, pilit kong kinakalma ang sarili ko. The butterflies in my stomach were still there, pero kasabay ng mga ito ay ang resolve ko na hindi magpapa-under sa kahit sino, lalo na kay Matt Woods.
This isn’t over, Matt. Hindi mo ako basta-basta matatakot. Nagkamali ka ng kinalaban mo. Basta, ang kailangan ko lang gawin ay ang hindi nya malaman na ako yung pinapantasya nya sa club. Kaya ko 'to.