Chapter 7: Eksena sa canteen

1574 Words
Brittany Harries' POV Nang makarating kami sa classroom, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig kay Matt. Siguro ay napansin nya ito kaya tinignan nya rin ako. Hindi lang sulyap ang nangyari, talagang tinitigan nya rin ako kaya mabilis akong napaiwas. Grabe yung t***k ng puso ko. Natatakot kasi ako at baka makilala nya ako. "Cr muna ako." sabi ko kay Michelle na kasalukuyang may kausap na iba naming kaklase. Nilingon nya ako, "Okay, samahan na kita." sabi nya sa akin, "H-hindi na. Okay lang." sagot ko naman sa kaniya, "Are you sure?" tanong nya naman at napatingin ako kay Matt na kasalukuyang nakatingin pa rin sa akin pero ngayon ay may ngisi na sa kaniyang labi. "O-Oo." sabi ko at mabilis na akong tumalikod dahil grabe na talaga yung kaba ng dibdib ko. Sa pagtalikod ko, narinig ko ang medyo malakas na ngisi ni Matt kaya dali-dali na akong naglakad palayo ng classroom. Habang nilalakad ko ang hallway ng napakalaking gusali na ito, hindi ko mapigilang isipin si Matt. Nakikilala nya kaya ako? Jusko lord, huwag naman sana. Sa sobrang nerbyos ko, muli akong napahawak sa kwintas na nakasabit sa leeg ko. Pagpasok ko sa Cr, bumungad sa akin ang malaking salamin. Naglakad ako patungo duon at hindi ko na namalayan na napatitig na lang pala ako sa salamin. Hindi ko na rin napansin ang oras kaya nung mag ring na ang pangalawang bell, sobra akong nagulat at dali-dali na akong lumabas ng banyo at tumakbo na papuntang klase dahil male-late na ako. Pagkarating ko ng room, nakaupo na ang lahat sa kanilang mga napiling upuan. May professor na rin sa harapan kaya napayuko ako. Isa na lang ang natitirang bakanteng upuan. Sa pagitan ni Michelle at Matt, "Here." tawag sa akin ni Michelle habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi nya. Of course. "Take your seat." sabi naman ng guro kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Umupo na ako at ibinaba ang bag sa harapan ko. Katabi ko ang dahilan kung bakit parang nakikipag-karera sa kabayo ang pagtibok ng puso ko ngayon. That's just great. "Good morning, class. Welcome to Section Emerald. I'm Mrs. Delos Santos, and I’ll be your homeroom adviser for this semester." Agad na bumaling ang mga mata ko kay Michelle, na sumenyas ng thumbs-up sa akin na para bang sinasabing, "Kayang-kaya mo ‘to!" Kaya ko naman talaga. Ang hindi ko lang kaya ay ang makilala ako nitong lalaking katabi ko ngayon. Jusko lord, bakit ba kasi dito sya nag-aaral. Ang problema pa ay kaklase ko sya. Nag-start na ang attendance at isa-isa ng tinawag ang pangalan namin. Brittany Harries, Ethan Montgomery, Michelle Moore, and Matt Woods. Nung matapos ang attendance, duon ko lang napansin na hindi pala namin kaklase yung lalaking kasama nila Ethan kanina. Nang mag lunch break na, lumabas na kami at kay Michelle lang talaga ako sumasama dahil sa ngayon, wala pa talaga akong kakilala. "Asan na sila Ethan?" tanong nya sa akin at ako naman ay walang nasagot sa kaniya at napakibit-balikat na lang. Hindi ko rin naman talaga napansin kung saan sila pumunta. Basta ay sinundan ko lang si Michelle. "Ay bahala nga sila. Basta tayo, kakain na." ipinalupot nya ang kaniyang kamay sa braso ko at naglakad na kami. Hind ko alam kung saan ang canteen dito kaya hinayaan ko na lang na hila-in nya ako kung saan man kami pupunta. Napapangiti naman ako dahil I don't feel alone sa unang araw ng skul. Bumaba kami at ng makarating kami sa canteen, nagulat ako kung gaano ito kalaki. Bukod duon, ang ganda pa ng pagkakaayos ng mga upuan. Mahahaba ito at malalaki, nakakakita lang kasi ako ng ganito sa mga telenobelang napapanuod ko. Pumila na kami at kumuha ng pagkain. Ang galing din dito dahil hindi ko na kailangang magbayad pa para sa lunch dahil kasama na sa scholar ko yung pagkain ng canteen. Pero kapag bumili ako sa labas ng canteen, kailangan ko na bayaran yun kaya talagang hindi ako bibili kahit saan besides the canteen. Sa isang hilera ng upuan, nakita namin sila Matt kaya duon pumunta si Michelle. Ako naman ay napahinto. Does this mean kailangan ko rin umupo duon? "Huy! Anong ginagawa mo dyan? Tara na." sabi ni Michelle ng mapansin nya na napahinto ako sa paglalakad. Sinundan ko na sya at umupo na kami sa hilera nila Ethan. Nakaharap kami sa mga ito at hindi ako makatingin ng diretso sa mga taong nasa harapan namin. Ang dami-dami ko naman kasing pwedeng makasama ngayong unang pasukan, bakit sila pa? Bakit ba kasi tumabi pa ako sa bwisit na Ethan na 'to! "Huh! A new student." sabi ni Matt habang nakatingin sa akin, "Yeah, and so?" pagtataray naman ni Michelle sa kaniya, Napangisi naman si Matt habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin, "Dun ka sa kabilang table." tumayo sya at inilapit ang mukha nya sa akin habang ang dalawa nyang kamay ay naka-katang sa lamesa, "You don't belong here." dugtong pa nito kaya nagtawanan ang ibang estudyante na naka upo din sa hilera ng lamesa. Shit! Ibig bang sabihin nito na hindi nya ako nakikilala? Without thinking, napangiti ako. Alam kong weird kung titignan ng iba dahil dapat nga ay mapahiya ako o di kaya ay mainis, but they wouldn't know how happy I am na hindi nya ako nakikilala. Masaya akong tumayo dala-dala ang tray na may nakapatong na plato ko at aalis na sana ako ng bigla akong pigilan ni Michelle. "What are you doing? Sit down." sabi niya kaya napatingin naman ako sa kaniya, "You have no rights to treat anyon—" napatigil sya sa pagsasalita ng hinawakan ko sya sa balikat nya, "Hindi, okay lang." sabi ko. Okay lang kasi talaga sa akin. I mean, ito nga yung gusto ko e, yung mapahiwalay sa kanila. It's better now than then kung kailan mamumukhaan na ako ng lalaking 'to. Marami pa namang ibang estudyante na pwede kong makilala e. Panigurado ay may mga baguhan din na kagaya ko at mas makaka-relate ako sa kanila. Tatalikod na sana ako ng biglang magsalita si Ethan. "You can stay." sabi nya kaya napalingon ako sa kaniya at ganoon din sila Michelle at Matt, at ganuon din ang iba pa. Para bang namangha sila sa sinabi nito. Si Ethan naman ay parang wala lang sa kaniya dahil patuloy pa rin ang pagkain nya. Pakiramdam ko nga ay hindi sya tumingin sa akin nung sinabi nya yun e. Hindi ko na napansin ang iba at parang magnet ang pwet ko na napa-upo sa upuan. Bakit ako nakakaramdam ng paru-parong nagliliparan sa tyan ko? That's lowkey attractive. Habang kumakain kami, may dumating naman na isang grupo ng babae. They look so good, walang-wala ako sa kanila. Malamang ay kaibigan ang mga ito nila Michelle. Pare-parehas silang mamahalin ang bag, mga bago at makikinang na sapatos at ang mga buhok nila ay parang pinaayos pa sa salon bago pumasok. "Hey Matt, hey Ethan." sabi ng nasa gitna na babae. She sounded flirty, parang inaakit ang mga lalaki. Malakas na bumuntong hininga si Michelle at halata mong naiinis kaya napalingon ako sa kaniya na kasalukuyan namang nakatingin na sa akin, "What do you call kapag may isang linta na kapit ng kapit sa taong ayaw naman sa kaniya?" halos maibuga ko ang pagkain na nasa bibig ko dahil sa narinig mula kay Michelle. Nagtawanan ang mga nakarinig at napatingin naman ako sa mga babaeng nakatayo sa pagitan ng inuupuan nila Matt. Nakatingin sila ng masama kay Michelle, lalo na yung babaeng nasa gitna, "Kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo." sabi nito na agad namang niresbakan ni Michelle, "Oh, Joannah. Trust me! I know you so... well." sabi ni Michelle habang umiikot ang mata, ang ngisi niya, na parang nananadyang painitin ang sitwasyon. Napakamot ako sa ulo ko at napayuko na lang, pilit umiiwas sa alitan ng dalawang grupo. Hindi ko alam kung tama bang nasangkot ako sa grupo nila Michelle, Ethan at Matt, pero wala naman akong ibang choice sa ngayon. Habang nag-papalitan ng tinginan sina Michelle at Joannah, hindi ko maiwasang magtaka kung ano bang nangyari sa kanila dati. Sure ako na kahit ano man yun, hindi ito maganda, at kahit na ano man yun, ayokong madamay pa. "Okay, break it up," ani ni Ethan kaya napa-angat ang ulo ko at napatingin sa direksyon nya. Isa lang ang sinabi niya pero sapat na iyon para magsimulang maglakad palayo ang grupo ng mga babae. Sumulyap pa si Joannah kay Matt bago tuluyang umalis, tila naghihintay ng reaksyon mula sa kanya. Pero si Matt? "Bruh! Hindi mo man lang inantay na magsabunutan bago mo pinigilan." napapakamot na sabi ni Ethan kaya patago na lang akong napa-irap. What a jerk. Nababaliw pa naman ako dito kapag nakikita ko sa club, tapos ganito pala 'tong lalaki 'to. Bahala na! Ang mahalaga ay hindi nya ako nakikilala. Matapos naming kumain, nag-stay pa sila Matt at Michelle sa Canteen kasama ang iba pa nilang kaibigan. Si Ethan naman ay ganoon din, pero walang imik. Bakit ang hot nya? Hindi pa rin sana ako lalabas dahil wala naman akong kakilala pa pero ng mapansin ko ang mga matang sumusulyap kila Matt, bigla akong napatayo at naglakad ng mabilis. Jusko naman kasi. Ang dami-daming tao dito, yung mga sikat pa yung nakasama ko. Malapit na akong makalabas ng canteen ng may biglang kamay ang humawak sa braso ko, "Saan ka pupunta?" it's Matt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD