Chapter 6: Unang araw ng pasukan

1633 Words
Brittany Harries POV Sobrang aga kong gumising dahil ngayong araw ay pasukan na namin. Kagabi pa lang ay inayos ko na ang mga susuutin at gagamitin ko sa school. Sobrang excited ko na talaga kaya naman pagkatayo ko ng kama, agad akong nagluto ng agahan ko, kumain at naligo na rin. Matapos kong mag-ayos ng sarili, kinuha ko na ang bag ko at umalis na ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kay papa dahil masyado pang maaga at ayokong istorbohin ang tulog nya. Bukod duon, baka magalit pa sa akin si papa. Maaga akong nakarating sa unibersidad, marami na rin ang tao at kalat sila sa oval pero may isang mas pumukaw ng pansin ko, it was Ethan reading a book, as usual. Alam kong dito sya nag-aaral dahil may times na nakikita ko syang naka-coat na may logo ng Kingsfield University. Dahil wala pa akong kakilala dito, nilapitan ko sya. Wala naman syang kasama at ganoon din ako kaya why not diba? I sat next to him at nung una ay hindi ko pa napapansin na may mga tumitingin sa akin. Napansin ko lang iyun ng may bumoses sa isang gilid, "Magkakilala ba sila?" sabi nung isang babae pero hindi humihinto sa paglalakad. "Hindi ako sure dyan. Ngayon ko lang nakita yung babae e." sabi naman ng isa nyang kasama. Hindi ko na lang sila pinansin dahil una sa lahat, hindi naman ako sure kung ako ba ang tinutukoy nila. "Hi, Ethan." sabi ko. Hindi ko na kailangang magpanggap na hindi ko sya kilala dahil panigurado naman na alam nyang kakilala ko na sya. Jusko naman, ikaw ba naman, lagi mo syang magiging customer sa pinapasukan mong trabaho, hindi mo pa ba makikilala yun. "Buti na lang at nakita kita dito. Bago pa lang kasi ako dito at ikaw lang ang kilala ko." sabi ko sa kaniya ng hindi sya tinitignan dahil may kinukuha ako sa bag ko na libro. Hindi ako mahilig magbasa pero may times na nagdadala na rin ako para pampalipas oras. Nang makuha ko na ang libro sa bag ko, duon pa lang ako humarap sa kaniya, "Ay sorry, nakalimutan kong magpakilala." nakangiti kong sabi bago ko iangat ang kamay ko, "I'm Brittany!" sabi ko sa kaniya, inaantay na abutin nya ang kamay ko pero para syang istatwa. He didn't even budge at para akong kumakausap ng puno. Ilang segundo na rin ang nakakalipas kaya napangiwi ako, bigla akong nahiya ng may marinig akong mahinang tawanan sa gilid. I could see them in my peripheral view... nagbubulungan while they make faces. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko ng biglang may humawak sa nito at hinila ako papalayo sa lalaki. "She's my friend," sabi niya nang matigas, diretso sa mga babaeng nagbubulungan sa gilid. Agad silang natahimik, tila ba nabigla o napahiya, at mabilis na umiwas ng tingin. Sino ba itong babae na ito? Ngayon ko lang siya nakita. Maganda ang suot niyang damit, kita agad na mamahalin at bagay na bagay sa kanyang katawan. Mas matangkad siya kaysa sa akin ng halos isang dangkal. Ang balat niya ay makinis at maputi, halos parang porselana, na lalong nagniningning sa liwanag. Ang buhok niya ay mahabang kulot, mukhang malambot, at may habang hanggang dibdib. May kasama itong isang lalaki na agad namang tumabi kay Ethan. Kagaya ng kanina, wala rin gaanong naging kibo si Ethan pero kahit papaano ay makikitaan mo ng interest. Ngumiti sya sa lalaki at bumalik ulit sa pagbabasa. "Bro, long time no see." sabi nito. "Hay naku! Hayaan mo na ang mga yan. Tara na." hinawakan nya ang kamay ko at hinila palayo sa mga lalaki, "Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita e." Tumango ako at tumingin sa kaniya sabay ngiti. Duon ko lang nakita ang napakakinis nyang mukha. Grabe, parang halos walang pores and babae na ito. "I'm Brittany." sabi ko sa kaniya at inilahad ang kamay ko. Medyo nag-alangan pa nga ako dahil what if, katulad sya ni Ethan? Nang mapansin nya ang kamay ko, agad nya itong inabot. Nagulat pa nga ako sa pagkaka-abot nya e. Ang jolly masyado pero I like it, para syang si Emma. "I'm Michelle." sabi nya at napangiti naman ako dahil ngiting-ngiti din sya sa akin. "So, bago ka nga talaga dito?" tanong niya, kaswal ang tono pero rinig ko sa kaniya ang pagka interesado. "Oo," sagot ko, nahihiya pa nga ako ng kaunti. "Scholar student ako, kaya medyo kinakabahan pa ako. Wala pa akong kakilala." Natawa siya nang bahagya, "Huwag kang mag-alala, madali lang makahanap ng mga kaibigan dito. Kung gusto mo, pwede kitang ipakilala sa mga kakilala ko." Grabe, sobrang bait niya. "Salamat, ha. Hindi ko ine-expect na may makikilala agad ako sa unang araw pa lang." "Ganun talaga, girl!" sagot niya habang tumatawa. "Swerte mo nga at nakita mo agad si Ethan. Hindi yan madalas makipag-usap, kaya I was so sure na i-ignore-in ka nya." Medyo natawa ako sa sinabi niya, pero parang naguguluhan din. "Talaga ba? Kaya pala ganun sya." Tumigil siya saglit, lumingon sa akin, at ngumiti. "Huwag mo masyadong dibdibin 'yun. Ganyan lang talaga siya, parang nasa sarili niyang mundo. Pero kapag nakilala mo na sya, mabait naman yan. Medyo suplado lang." "Medyo lang ba talaga?" gusto ko sanang sabihin kaso baka kung ano ang isipin ni Michelle. "Anong section ka?" tanong nya sa akin kaya kinuha ko ang phone ko at ipinakita ko sa kaniya ito. "Oh. Em. Gi. Parehas tayong Section Emerald." sabi nya ng may ngiti sa mga labi nya. Kita ko ang saya sa mukha nya and for some reason, I could say that it was genuine. Nang tumunog na ang bell, nagulat ako kaya napatingin ako sa orasan ko, "Hala! Thirty minutes pa dapat diba?" natataranta akong kinuha ang kamay ni Michelle para sabay na kaming tumakbo papasok kaso naramdaman ko na nagpipigil syang tumakbo kaya napatingin ako sa kaniya. Natatawa sya at napapaisip naman ako kung ano ang nakakatawa. "Don't worry, first bell pa lang yan, meaning may thirty minutes pa ang mga estudante para maghanda." sabi nya sa akin. "Look around, konti lang yung natataranta but most are calm. Malamang ay mga bagong estudyante din yung mga yun." sabi nya habang tinuturo ang paligid. Oo nga noh. Wow! Ang galing naman dito, may pa-warning. "Ahh! Ang laki kasi ng school na 'to. Kaya siguro may warning bell para may chance yung mga estudyante na hanapin yung designated rooms nila." sabi ko then I heard Michelle gasped, "OMG ka! Ilang taon ko na ditong nag-aaral ngayon ko lang nalaman yun! Now it all makes sense" sabi nya at natawa naman ako. May sasabihin sana ako kaso may biglang nagsalita galing sa likod namin, "Isn't it obvious?" kaya napalingon ako para makita yung nagsalita pero si Michelle, she didn't have to see dahil sa boses pa lang ay alam na nya, "Oh, shut up, smart boy." pilosopong sagot naman nito sabay ikot ng kanyang mata na nagpatawa sa akin muli. Hindi na nagsalita pa si Ethan at dire-diretso lang silang naglakad ng kasama nya. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka-light ang unang araw ko sa Kingsfield University. Nakakatuwa si Michelle, parang ang saya niyang kasama, sobrang welcoming. At kahit hindi masyadong nagsasalita si Ethan, mukhang okay naman siya. May kakaibang aura lang talaga, pero hindi ko na iniisip nang masyado. Yung isa namang lalaki, hindi ko pa alam dahil hindi ko pa nakakasalamuha. Hindi ko pa nga rin alam yung pangalan nya e. Habang sinusundan ko silang maglakad, nagulat ako ng may biglang humarurot sa harapan namin. Napaatras kami at ang bibig ko ay napa-awang sa gulat. Hindi ako makapaniwala na may gagawa nuon lalo na at nasa loob na ng university. Nakasuot ito ng uniporme at itim na sapatos na gawa sa katad. "What's up, people." sabi nya at agad kong nakilala ang boses nya. Sya yung lalaking humatak sa akin palayo ng motor nya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil iyun na iyun pati ang motor, walang pinagkaiba. Sinundan ko sya ng tingin, ang kamay ko ay nakatakip pa rin sa naka-awang kong bibig. Nang makapag-park na sya sa isang gilid, bumaba na sya at tinanggal ang helmet nya. Para akong hihimatayin ng makita ko ang sobrang pamilyar na tato na naka-ukit sa likod ng kaniyang tainga. An upside down crossed. Nang humarap sya, I found myself sitting on the ground. Hindi na kinaya ng tuhod ko ang bigat ng katawan ko ng nanlambot ito. "Hala ka, okay ka lang?" tanong sa akin ni Michelle habang inaalalayan akong tumayo. Sobrang bilis kong tumayo at pinagpagan ang uniporme kong palda. "Ah O-oo." sabi ko at nauutal-utal pa nga ako. Siguro ay napansin nya na nakatitig ako kay, "Matt! Kaya ka pala nanlambot dyan, nakita mo si Matt." sabi ni Michelle ng tignan nya ang direksyon ng tingin ko. "Ha? H-hindi no. Natalisod lang ako." excuse ko at alam ko namang hindi sya naniwala dahil sa tingin nya sa aking mapang-asar. "Okay, if you say so." sabi nya at ipinalupot na nya ang kaniyang kamay sa braso ko, "Basta, mag-iingat ka sa lalaking yan. Unang-una sa lahat, babaero yan at marami na yang napa-iyak." babala nya sa akin kaya medyo napangisi ako. "I can hear you, you know?" sabi naman ni Matt na ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Ethan. "Tama na yang paninira mo sa akin sa ibang babae. Kung may gusto ka sa'kin, just say it. I'll give you a chance." Napatingin ako kay Michelle at nakita ko kung paano nya i-mock si Matt, "Hoy, kung magkakagusto man ako sa isang lalaki, sisiguraduhin kong sa matino." sabi ni Michelle at tinawanan lang sya nito, "Tsaka, bakit ba? Hindi ba totoo?" dugtong pa nya pero hindi na sya pinansin ni Matt at tuloy-tuloy na silang naglakad at sumunod naman kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD