Chapter 5: S3xy encounter

1606 Words
Brittany Harries' POV Pumasok ako sa likod ng club ng naka cap, mask at salamin. Kahit na pinagtitinginan ako ng iba kong mga katrabaho, okay lang sa akin. Ang mahalaga sa akin ay walang nakaka-alam ng totoo kong itsura. Mahirap na dahil baka isa sa mga nakakasalubong ko ay mga magiging kaklase ko pala sa Kingsfield University. Ayokong maging tampulan ng tukso, baka pag nakilala nila ako, bigla akong mag drop out. Saktong nine o'clock at dark ako pumupunta ng club. Sakto lang ang palugit kong isang oras para mag-ayos ng sarili, minsan nga ay sobra pa dahil mabilis lang naman ako mag-ayos. Pagdating ko sa loob ng dressing room ko, tinanggal ko na ang mga suot ko at nagpalit na ng outfit. Kinabit ko na rin ang wig at maskara ko pagtapos ay tinanggal ko na ang mga alahas na suot ko. Nang matapos akong mag-ayos, naririnig kong may nagsisigawan na sa club. "Mystique Velvet! Mystique Velvet! Mystique Velvet!" are they chanting my stage name? Tinigil ko ang ginagawa ko upang pakinggan ang sigawan ng mga tao at ng makumpirma kong stage name ko nga ang isinisigaw nila, napatakip ako ng bibig. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ngayon lang kasi nangyari 'to. Napangiti ako at unti-unting napatawa ng mahina. Oh. Em. Gi. Ibig bang sabihin nito ay sikat na ako sa mga customers ng Midnight Lounge. Saglit pa ay nakarinig na ako ng katok mula sa labas ng pinto kaya agad ko itong binuksan. Mas naging malinaw na ang sigawan nila. "Mystique Velvet! Mystique Velvet! Mystique Velvet!" paulit-ulit and it's overwhelming me. "Stand by ka na. Maaga kang mag sho-show." nakangiting sabi sa akin ni Madam Liz, "Congrats! Sensation ka na ng Club natin." rinig ang saya nya sa kaniyang boses. "Hindi po ba twenty minutes pa bago yung shift ko?" tanong ko sa kaniya. Ang alam ko kasi ay may mas una sa akin. "Pinababa ko na. Ikaw ang hinahanap ng mga customers e. Buti na lang at nandito ka na. At, huwag kang mag-alala, bigyan naman kita ng bonus par sa early shift mo." sabi nya sa akin kaya medyo nailang ako. Mas lalong ma-iinis yung mga katrabaho ko nito sa akin. Alam ko na agad. Sinarado na nya ang pinto at saglit lang ay may narinig na akong announcement na kailangan ko ng lumabas. Pagtungtong ko sa stage, napuno ng palakpakan ang gusali, yung iba ay sumisipol pa. I usually don't get overwhelmed that easy pero ngayon, it's different. Pero kahit na ganoon, I continued. This time, more active, more seductive. Matt Wood is here and every time I see him, my heart flutters. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kaniya pero iba ang karisma nya. He can pull everyone with just his looks and his little evil smirks. Hindi ko na ma-de-deny na isa ako sa mga nahahatak ng karisma nya. There's just something in him that is very attractive. And I am attracted by him. Habang ginagalaw ko ang katawan ko ng nakaka-akit, ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa akin. Para bang tumutusok sa tiyan ko. Parang paro-parong naglalaro sa loob ng sikmura ko ang nararamdaman ko ngayon. Nape-pressure ako kasi ang tahimik ng paligid. Para bang music at mga usapan lang ang naririnig ko. Even Matt was just staring at me with his usual smirk. One time nga, habang sumasayaw ako, we locked eyes at para ba akong hinahatak ng mga tingin nya. Just like now. Magkatitigan nanaman kami at hindi ko matanggal ang tingin ko sa kaniya. Sobrang attractive nya. So hot, so sexy. Lahat na ata ay nasa kanya. I wonder tuloy minsan kung may girlfriend ba sya. Lumapit ako sa table nya. Ang spotlight ay tila sinusundan ang mga galaw ko. Sa gitna ng lamesa nila ay may pole kaya umakyat ako dito seductively without breaking my eye contact. Ngayon ko lang gagawin 'to. I should have felt something, kaba? Or maybe shame? Pero wala eh. For some reason, I felt confident. I felt comfortable. Humawak ako sa makinang na pole at sinimulan ko ang dahan-dahan na pag-ikot dito. Ang galaw ng katawan ko ay tila isang tubig... the table calls to me, and I lower myself gracefully, my hands trailing across the surface as I move. Hinaplos ko ng dahan-dahan ang mukha ni Matt at ang mga kasamahan nya sa lamesa ay mga nagpalakpakan at ang iba naman ay sumigaw pa. Pinanatili ko ang hintuturo ko sa labi nya habang ang mga labi ko ay unti-unting lumalapit sa kaniya. Nakikita ko ang reaksyon ng mukha nya. It's like, he's waiting for what I would do next. Then suddenly, without noticing, ang malambot nyang dila ay dumadampi na sa daliri ko. I should be grossed out by it but then, I found myself seductively smiling at him at sinundan ng pagkagat labi ko. Tinanggal ko ang daliri ko sa labi nya and I traced it through his upside down cross behind his neck. I then slowly back down and left their table dahil malapit na mag end ang shift ko. Baka pag nakuha ko pa yung oras ng kasunod ko, pagtulungan na nila ako. Nang matapos ang shift ko, hindi muna ako nakapag palit at ayos ng sarili dahil pinatawag ako sa opisina. Ngayon lang ako napatawag kaya bigla akong kinabahan. Usually kasi, kapag good news, pinupuntahan ako ni Madam Liz sa dressing room ko. What if bad news? Sa sobrang pag-o-over think ko, hindi agad ako nakapasok sa opisina. Nag buntong hininga muna ako at ng makakuha ako ng lakas ng loob, kinatok ko na ang pinto at pumasok. Wait! Nakangiti si Madam Liz. Medyo nawala ang kaba na nararamdaman ko. Napangiti ako at lumapit sa office table nya. Inantay nya lang akong umupo bago sya nagsalita. "Ang laki ng kinita mo." bigla nyang sabi at kasabay nito ay may inabot sya sa aking sobre. May kakapalan ito kaya napaawang ang bibig ko. Hindi pa nga ako makapaniwala kaya hindi ko nagawang kunin agad ang sobre. "Kunin mo na. Sayo lahat yan. Deserve mo yan dahil sa hard work mo." sabi pa niya sa akin kaya napangiti ako at kinuha ko na ang sobre na pinatong nya sa lamesa. Pag-uwi ko sa bahay, agad kong nilabas sa sobreng papel ang mga nalikom kong pera. May cheque na galing ulit kay Matt Woods at mga I-isang daan, lilimang daanin at mga libo. Matt gave me twenty thousand at ang mga cash naman ay nagkahalaga ng higit-kumulang fifteen thousand. Ang laki nito. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito kalaking pera sa isang araw. Makakapag-grocery nanaman ako ng marami nito. Minsan nga ay napapaisip ako kung nagtataka na ba si papa kung saan ko nakukuha yung mga pinang-gagastos ko sa bahay. Ayaw nya lang talaga akong kausapin or he just doesn't care to know dahil lagi naman syang ganun. Sanay na ako. KINABUKASAN. Wala akong shift sa club kaya naisipan kong mamili ng mga kagamitan pang bahay kagaya na lang ng mga baso at pinggan. Sa sobrang luma na ng mga gamit namin na yun, may mga c***k na rin. Delikado din kasi lalo na at mainit na pagkain ang nilalagay namin duon. Baka matuluyan habang kumakain kami. Sayang naman ang pagkain kung nagkataon. Nagbayad na rin ako ng mga bills para wala na ring intindihin pa si papa. I mean, ako naman na talaga ang nagbabayad ng bills simula nung nakaraang buwan ng muntik na kaming maputulan ng kuryente. Ang akin lang, ayokong makita pa nya na may unpaid bills dahil baka mamaya ay ipambayad nya pa yung binibigay ko sa kaniyang pera. Yung mga binibigay ko kasi sa kaniya ay pang-gastos-gastos nya sa sarili nya. Naaalala ko kasi nung buhay pa si mama at masaya pa kami, laging may dumarating na mga packages para kay papa. Mahilig kasi syang mag DIY ng mga bagay-bagay. Katulad na lang ng nakakaganda at napakatibay naming mga upuan at lamesa, sya lahat ang gumawa nun. Ngayon, ganuon pa rin naman si papa pero super dalang na lang. Siguro nga kasi ay naubos na ang inipong pera nila ni mama. Matapos kong mamili ng mga gamit, iniuwi ko muna ang mga ito at ipinatong sa lamesa bago muling umalis para mamili naman ng mga kagamitan ko para sa nalalapit na pasukan. Isang linggo na lang kasi at magsisimula na ang pasok. Sobra akong na-e-excite dahil pangarap ko lang dati na mag-aral duon pero ngayon, ito na ako, inaantay na lang ang pasukan sa Kingsfield University. Nang makarating ako sa bilihan ng mga school supplies, nanlaki ang mga mata ko. It's a Harley Davidson Country Cruiser. Ito yung pangarap na motor ni papa dati e. Nilapitan ko ito at pinagmasdan. Hindi ko na hinawakan kahit na gustong-gusto ko. Natatakot kasi ako at baka matumba ko. Nasa harapan ako nito at kinuha ang phone ko para picturan sana kaso bago ko pa mabuksan ang camera, nakaramdam ako ng mahigpit na pagkakahawak sa braso ko sabay hila sa akin palayo sa motor. And then, I felt a sharp sting on my back. Natumba ako sa pagkakahila nya sa akin. "Move!" sabi nya sa akin. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na nakita ang mukha nya dahil paglingon ko sa kaniya, nakasuot na sa ulo nya ang helmet. Naka-andar na rin sya ng makatayo ako. Hahatakin ko sana yung suot nyang leather jacket para matumba sya e. "EXCUSE ME AH!" sigaw ko kahit hindi ako sure kung naririnig nya dahil sa ingay ng motor nya. Kala mo naman kung sinong gwapo. Malamang naman ay amoy putok yung lalaking yun dahil ang init-init, naka leather jacket.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD