Chapter 4: Midnight Lounge

1520 Words
Third Person's POV "Dito yung dressing room mo. Maliit lang pero huwag kang mag-alala dahil ikaw lang ang makakapasok dito. Since nag request ka na huwag makilala ng iba at dahil estudyante ka pa lang din, I'll give you this privilege. Pero tandaan mo ang usapan. Kapag hindi ka nagustuhan ng mga customer, I'll have to fire you. And also, no private agenda, unless..." "Unless they are willing to pay half a million." dugtong ni Brittany at tumango naman ang babae. "Oh, sya! Mamayang 10:00pm ang start ng show mo. Take the chance na magustuhan ng mga VIP customers para sure money." at iniwan na sya ng babae at naiwang mag-isa si Brittany sa loob ng maliit na kwarto. Sa isang gilid, may isang malawak na salamin at sa baba nito ay ang vanity desk kung saan nakalagay ang ilang kagamitan kagaya ng mga make-up at pang-ayos ng mukha. Sa kabilang gilid naman nito ay makikita ang isang open cabinet kung saan nakapatong ang mga susuotin ni Brittany kapag nasa stage na sya. Nakaplastic ito at kung titignan, bago ang lahat ng mga damit. "Buti naman! Baka kung anong makuha ko kapag nagsuot ako ng mga gamit na damit dito." nanduon ang two-piece velvet na kulay pula. Nanduon din ang isang butterfly mask na gold at sa tabi nito ay may kulay blonde na wig. Agad na sinukat ni Brittany ang costume at ng makita nya ang kabuuan nito, napahawak muli sya sa kwintas nya. "Ma, kung nakikita mo man ako, sana ay mapatawad mo ako sa napili kong trabaho. Alam kong hindi maganda pero kailangan kong gawin 'to para masustentuhan ang mga pangangailangan sa bahay, pati na rin ang mga gamot ni papa. Alam kong kung nandito ka ay maiintindihan mo ako." Sa bawat oras na dumadaan, at nakatitig lang si Brittany sa repleksyon nya sa salamin, napapaisip sya. Gusto nya ba talagang gawin 'to? "Wala na bang ibang paraan?" nasa isip nya. Napabuntong hininga sya ng may kumatok sa pinto nya. "Oras mo na." sabi ng babae kaya tumayo na sya. Alas Diez na pala. Hindi man lang nya napansin ang oras sa sobrang pag-iisip. Tinanggal nya ang kwintas at singsing na suot nya at ipinatong sa vanity desk. Kinuha nya ang wig at sinuot sa sarili kasabay ng mask. Sa kanyang pang-ibaba, may suot din syang tila isang net na tela na lalong nagpakita ng hulma sa orasa nyang katawan. "At least, hindi gaanong revealing." sabi ni Brittany at lumabas na sya. Sa hawi nya ng kurtina papuntang stage. Nakaramdam sya ng sobrang kaba at nanginginig na rin ang mga tuhod nya dahil halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Napapaisip sya kung gusto nya bang magpatuloy o bumalik na lang sa loob at bawiin ang kontrata na pinirmahan nya. Meanwhile, sa VIP area, makikita ang isang lalaking may tato sa likod ng kaniyang tainga na upside down cross at sa kanang braso naman ay isang sawang tato na nakapalibot dito. "Matt Woods!" sabi ng isang lalaki na papalapit naman sa kaniya, Sinalubong naman ni Matt ng ngiti ang lalaki. "Long time no sees." sabi nito, Ngumisi naman si Matt, "Malamang, ngayon ka na lang ulit pumunta dito e." nagpatuloy ang usapan ng dalawang lalaki ngunit napahinto ang mga ito ng nagsimulang sumayaw ang babae sa harap. "Who is that girl?" tanong ni Matt at natawa naman ang kasama nito na si Michael. Nilingon niya ito na para bang hindi makapaniwala, "Why you asking me? Hindi ba ikaw ang halos dito na tumira?" pero hindi na sya kinibo pa nito. Matt Woods eyes are locked-in on Brittany Harries. "I think she's new," sagot ni Michael habang pinapanood ang sumasayaw na babae. "Pero ang ganda niya, 'no?" Tumango si Matt, hindi maalis ang tingin kay Brittany. "Yeah, she is." sabi ni Matt habang naglalaro ang kaniyang labi. Napapakagat at napapa-smirk sya habang pinapanuod ang mga galawan ng babae. Habang patuloy si Brittany sa kanyang performance, bigla nyang naalala ang sinabi ng babae sa kaniya kanina. "Make these VIP people like you." And without even knowing, she's making them crave for her, especially Matt Woods. Nang mapansin ito ni Brittany, unti-unti nyang nilapitan ang lalaki ng hindi tinatanggal ang tingin sa kaniya. Ang kaniyang balakang ay tila humahampas sa magkabilang gilid and Matt likes it. "I think I'm doing it." sabi ni Brittany sa sarili. Brittany seductively lowered her face, getting it closer and closer on Matt Woods'. At ng malapit nang magkadikit ang mga labi nila, iniharang ni Brittany ang kaniyang hinalalaki sa pagitan nila at sinimulang haplusin ang ibabang labi ni Matt na nagpangisi naman dito. His lips play between smiling and smirking, making Brittany feel some time of way. Dahil sa biglang naramdaman ni Brittany, tila ba bigla syang nagising sa katotohanan. Hindi sya makapaniwala na nadala sya sa titig ng lalaki. What the heck just happened? Dahan-dahan syang umayos ng tayo at tinalikuran ang lalaki. "Bro, I think she likes you." sabi ni Michael sabay tawa ng mahina, "I like her too." mahina pero rinig na sabi ni Matt. Nang matapos ang shift ni Brittany, napatingin sya sa kaninang pwesto ng lalaki pero wala na ito duon. Parang kani-kanila lang ay nanduon pa ito, pero sa isip-isip ni Brittany, mas okay na din yun, at least, alam nya na nagustuhan sya nito base sa pagkakatitig sa kaniya ng lalaki. Habang sinusuot muli ni Brittany ang sing-sing at kwintas nya, muling kumatok ang babaeng nasa opisina kanina. Nang buksan ito ni Brittany, nagulat sya ng may inaabot sa kaniya ang babae, "Congrats, you have your first tip." at ng kunin ito ni Brittany napaawang ang bibig nya. "Fifteen thousand pesos." ayan ang nakasulat sa isang cheque at sa taas ay may pangalan ng nagbigay. "Matt Woods" Nakauwi na sya't lahat, hindi pa rin nya mabitawan ang cheque na hawak nya. Hindi sya makapaniwala na sa isang araw ay nagkaroon sya ng ganito. Binaling nya ulit ang tingin sa pangalan, "Could it be him?" sabi nya sa sarili. Napabuntong hininga na lang sya pagkatapos ay inilagay na sa bag ang cheque. "Ipapamalit ko na bukas para may pang-gastos kami sa bahay." One month later. Nasasanay na si Brittany sa trabaho nya sa club. Though may ibang mga katrabaho nya ang madalas ay masama ang tingin sa kaniya, pero hindi na lang nya pinapansin ang mga ito. Ang ginagawa nya lang naman sa club ay kapag natapos na ang shift nya, deretso na syang umuuwi. Sa mga katrabaho nya, mayroong isang umaangat. Parehas lang sila ng ginagawa... dancer din ito ng club at ang pangalan nya ay Cindy pero sa gabi, mas kilala ito sa pangalan nyang Dark Misteryo dahil sa kaakit-akit nitong costume. Mas late ang shift nito kaysa kay Brittany at naiinis si Cindy dito dahil nung wala pa si Brittany, marami ang nag-aantay sa pag-akyat nya ng stage pero ngayon, napansin nyang paka-unti na ng paka-unti ang customers kapag shift na nya. Sa Coffee Shop. Habang nasa shift si Brittany, bumukas ang glass door ng shop. It's no other than Ethan Montgomery. Kung tutuusin nga ay expected na ni Brittany ang pagdating ni Ethan dahil paulit-ulit lang naman ang oras ng pagpunta nito ng shop. "Black Americano and peanut butter cookies. Got it." Pinangunahan na ni Brittany si Ethan dahil ayun lang naman lagi ang ino-order ng lalaki. Napa-angat ang ulo ni Ethan and their eyes met. Naiinis si Ethan dahil una sa lahat, ayaw na ayaw nya ang pinapangunahan sya. Malakas na ipinatong ni Ethan ang kamay nya sa counter, "I was gonna order Cappuccino and Blueberry Cheesecake." seryosong sabi ni Ethan. Nagulat si Brittany, ngunit hindi siya nagpahalata. "Oh, sorry. My bad," Brittany replied casually, not breaking eye contact. "Cappuccino and blueberry cheesecake, coming right up." She turned to prepare his order, pero sa likod ng kanyang isip, gusto nya na lang magpalamon sa kinatatayuan nya. "Aren't you supposed to get my payment first?" sabi ni Ethan and as usual, walang emosyon. Si Brittany naman natataranta na sa ginagawa nya. Napahinto sya at mabilis na kinuha ang bayad ni Ethan. Nang ma-insert na ni Brittany ang order ng binata, bumalik sya sa pag prepare sa pagkain nito. Pagkatapos niyang ayusin ang pagkain ni Ethan, dinala nya ito sa table ng lalaki, "Here you go, sir. Enjoy," sabi ni Brittany, pilit na nagpapakita ng ngiti. Tahimik na kinuha ni Ethan ang order, ngunit bago siya makaalis, nagtanong ito, "Do you always assume what people want?" There was a subtle edge to his tone. Napatigil si Brittany, napakagat-labi bago hinarap at sinagot si Ethan. "Not always. But with you, it seems like a habit." Napansin ni Brittany ang tingin sa kaniya ni Ethan. "A habit? You think you know me that well?" His voice was calm, but the challenge was unmistakable. Napalunok si Brittany at saglit na tumingin sa mga mata ni Ethan bago nagsalita muli. "I guess I'm just used to your routine," sagot niya. "You always come here at the same time, order the same thing—except today." "And that is not your business. Sa susunod na pangunahan mo ako, you'll regret it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD