Chapter 3: Job seeking

2208 Words
Brittany Harries' POV Bukas na ang meeting ng mga newcomers sa unibersidad na papasukan ko pero hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng pang-gastos ko. Nasagad din ang pera ko sa pambayad ng ibang bills. Akala ko kasi ay kuryente lang ang due na bayarin namin, pati pala ang tubig at internet. Huling bayad ni papa ay nung nakaraang buwan pa. Paano kung ganito ulit sa susunod na buwan? Saan ako kukuha ng pambayad? Paano kung sa mga sumunod na buwan ay wala na rin kaming pangkain. Bukod pa dito, may mga maintenance din na gamot si papa. Kailangan nya yun lalo na sa sakit nya sa puso. Ang alam ko kasi, kumukuha lang si papa ng pang-gastos ng bahay sa savings account nila ni mama. Hindi naman na nagtatrabaho si papa dahil sa kalagayan nya kaya kung sakaling ubos na ang pera nila, panigurado ay magugutom nga kami. baka maibenta din namin ang bahay para lang makakain kami. Hinawakan ko ulit kwintas ko at hinimas lang ito ng paulit-ulit habang iniisip ang pwede kong gawin para makatulong sa bayarin. Hindi rin naman ako pwedeng mag base na lang sa sweldo ko sa coffee shop dahil tuwing sabado't linggo lang naman ang pasok ko dun. Kung tutuusin nga ay pinakiusapan ko lang ang may-ari ng coffee shop na iyun dahil duon lang naman ako kumukuha ng pambaon ko at mga pambayad ng mga kailangan ko sa paaralan. Simula kasi ng mawala si mama ay hindi na rin ako sinuportahan ni papa. Naiintindihan ko naman dahil kung hindi sa akin ay nandito pa si mama at nakakapaglakad pa sana sya. Matapos kong mag isip-isip, tumayo ako at kinuha ang mga printed ko na resume. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatulong kaya maghahanap ako ng trabaho. Umalis na ako ng bahay at nagsimulang pasukin ang mga gusaling may sign sa labas na hiring. May mga kainan, saleslady, may pinasukan pa nga akong isang club na nagha-hire ng crew. Nagpasa na rin ako ng resume ko dun, wala naman akong gagawin duon kung hindi ang mag serve lang ng order sa mga customers. Umuwi na ako kinagabihan. Bumili na lang ako ng lutong pagkain para sa aming dalawa ni papa. Hindi na rin kasi ako makakapag-luto pa dahil pagod na ang katawang lupa ko. Pagbukas ko pa lang ng pinto ng bahay, na-amoy ko agad ang amoy ng alak. "What the?" napasabi na lang ako. Pagpasok ko, nakita ko agad si papa. Nakahilata sa sahig ng salas. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. I mean, oo, umiinom sya pero unti-unti lang. Kahit na kailan ay hindi umabot sa ganito. "Anak." tawag nya sa akin. Napaawang ang mga labi ko. Ngayon ko na lang ulit narinig sa kaniya ang katagang iyun. Nanlambot ang tuhod ko. I missed it so much. Agad akong lumapit sa kaniya, "Pa, ayos ka lang po ba? Ano po ba ang nangyari?" tinulungan ko syang tumayo habang tinutulungan nya ding tumayo ang sarili nya. Nahirapan nga lang kami ng kaunti dahil amputated na kasi ang isa nyang hita. "Anak." ulit nya habang iniuupo ko sya sa sopa, "Sorry, anak. Hindi ko lang masabi sayo na walang-wala na talaga tayo. Ubos na ang pera na'tin." lasing na lasing sya. Oo, alam kong ang sinasabi nya sa akin ay isang malungkot na balita pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang saya ng puso ko? For the first time in a while, kinausap ulit ako ni papa. Tinawag nya ulit akong anak. "Papa, huwag ka pong mag-alala, ako na po ang bahala sa gastusin." sabi ko sa kaniya sabay yakap ng mahigpit. Ibinalik nya ang yakap sa akin at nanatili kaming ganoon hanggang sa kinailangan ko na syang ipasok sa kwarto nya. Panigurado ay hindi na sya maghahapunan kaya ako na lang ang kumain ng binili ko. Habang nagpapahinga ako sa kama ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin ang nangyari kanina. Na miss ko yung ganoong trato sa akin ni papa. Before my mom died, he was the sweetest man everyone could have wished for. He would do anything to protect you. Napatingin ako sa kisame habang nakahiga, hawak-hawak ang kuwintas ni Mama. Minsan, iniisip ko, kung nandito ka lang sana, Mama, ano kaya ang gagawin mo? Well, bakit ko ba tinatanong sayo yun? Alam ko naman na kung nandito ka, hindi magiging ganito ang buhay natin. KINABUKASAN. 6:00am, saktong tumunog ang alarm na sinet ko kagabi. Naligo ako, nag toothbrush at inayos na rin ang sarili. 6:48am pa lang kaya naisipan ko na ring magluto ng agahan ko at syempre, pinagluto ko na rin si papa. Mabilis ko lang kinain ang agahan ko, hinugasan ang pinagkainan at umalis na rin agad ng bahay. Ayokong ma late dahil mahalaga 'to para sa akin. Pagkarating ko sa harap ng unibersidad, sinalubong ako ng napaka-laking gate. May guwardya sa gitna nito at binabantayan ang lahat ng pumapasok. Ang dami ng mga pumapasok na estudyante. Halos lahat ay may mga ngiti sa kaniyang mga labi. Yung iba ay may kasama habang ang iba naman ay kagaya kong mag-isa. Pumasok na rin ako ng gate at sumakay sa isa sa napakaraming mga cart. Yung iba ay mas piniling maglakad na lang pero ako kasi, gusto kong maranasan makasakay sa ganito. Sa isang cart, walo na rin ang makakasakay. Kaya pa ngang gawing sampu kung pagkakasyahin. Ibinaba kami sa entrance ng isang building. Hindi ito yung pinasukan ko nung nakaraan ah? Buti na lang pala at sumakay ako dito sa cart. Maliligaw pala ako dito e. Sa harap ng building, agad kong napansin ang malaking tarpaulin na may nakasulat na “Welcome Newcomers.” Kasabay ng iba pang mga estudyante, pumasok ako sa loob, at halos mapanganga ako sa gulat. Ang laki at ganda ng lugar ay higit pa sa inaasahan ko. Napakalaki ng espasyo at sa sobrang laki, hindi mo basta-basta matatanaw ang bawat sulok ng gusali. Ang lobby ay napapalibutan ng malalaking glass walls, na nagbibigay ng natural na liwanag sa buong lugar. Ang sahig ay gawa sa marble na kasing kinang ng bagong linis na salamin. Nakakasilaw sa ganda at kinis. Sa gitna ng malawak na gusali, may isang malaking hagdan. Hanggang dalawang palapag lang ang gusali pero sa sobrang laki nito, kaya nitong mag accommodate ng libo-libong mga estudyante. Ngayon, alam ko na kung bakit mahal ang school na ito. Buti na lang at full scholar ako dito at wala akong iintindihing babayaran. Baka mag drop na lang ako lalo na sa sitwasyon namin ngayon. 7:26am ng makapasok ako sa loob ng room. Pagpasok ko sa classroom, tahimik pa ang paligid. Ilang estudyante lang ang naroon, pare-pareho kaming bagong salta, halatang nag-aalangan pa sa bagong kapaligiran. Umupo ako sa isang upuan malapit sa bintana. Sa labas, tanaw ko ang malawak na quadrangle na pinalilibutan ng mga modernong gusali ng unibersidad. Ang lugar ay parang ibang mundo, malayo sa maliit naming tahanan at sa mga problema ko sa bahay. Saglit pa ay unti-unti nang napupuno ang malaking kwarto at nagsimula na rin magsalita ang lalaking nasa harap. "Good morning, everyone." bati nito kaya binati din namin sya pabalik, "I'm Professor Ian Garcia and I will be the one telling you all the rules and regulations of Kingsfield University." Nagsimula na si Professor Garcia. Lahat ay tahimik at nakikinig sa kaniya kaya mabilis lang itong nataopos. Kagaya nga ng sinabi nya, pinaalam nya lang ang mga rules and regulations sa amin. Sa mga scholar naman, may kailangan lang kaming panatilihin na average at kung sakaling bababa ang grade namin, matatanggalan kami ng scholarship. Kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil hindi ko afford mawala ang scholar ko. Lumabas na ako ng building upang pumunta duon sa isa pa. Pagkapasok ko sa opisina ng Scholarship Coordinator, binigay ko lang ang mga natitirang requirements ko. Lalabas na rin sana agad ako pero kinamusta pa nya ang naging meeting kaya sinagot ko naman sya, "Okay naman po Mr. Matias. Naintindihan ko naman po lahat." sabi ko, Tumango-tango sya, "That's good to hear. Anyway, goodluck on your first year here." at nag paalam na kami sa isa't-isa. Nagpahatid na ako kay kuyang driver ng cart sa gate at saktong pagkarating ko duon, tumunog naman ang phone ko. Pagcheck ko, may tumatawag sa akin mula sa isang unknown number. I usually don't answer unknown numbers but since I have applied for quite of a handful job hirings, excited kong sinagot ang tawag."This is Midnight Lounge, is this Ms. Brittany Harries?" sabi ng babae sa kabilang linya ng phone, "Opo, ako nga po." sagot ko naman, kunwari'y hindi excited, "Hi, Ms, Brittany, free ka ba na ma-interview ngayon and if ever na ikaw ang mapili, are you willing to start as soon as possible?" sabi ng babae, "Opo! Opo!" hindi ko na naitago ang saya sa boses ko. Excited na ako dahil sa dami ng na-apply-an ko, ito pa lang ang kauna-unahang tumawag sa akin. "That's good to hear, Ms. Brittany. See you in an hour? Is this time allowance good for you?" Um-oo ako at duon na natapos ang tawagan namin. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Sumakay na agad ako ng jeep at sa paghinto ko sa bayan, agad kong nilakad ang bahay namin. Lakad-tabo ang nangyari dahil sa sobrang excite ko. Pagkarating ko sa bahay, binati ko lang si papa at agad na ding dumiretso sa kwarto ko. Naligo lang ako ng saglit at nagbihis na rin. Paglabas ko ng kwarto, nakita kong kumakain na si papa ng niluto ko kanina. "Alis na muna ulit ako pa. May importante lang po akong pupuntahan." nagstay lang ako sa harap nya ng saglit, nag-aantay ng sasabihin nya, but then as usual, wala syang kibo. Hay naku! Ano pa bang ine-expect ko? Nginitian ko na lang sya at tumalikod na para pumunta sa Midnight Lounge. Medyo malayo sa amin kaya kinailangan ko ulit mamasahe. Jeep, pagtapos ay tricycle naman at nagpahinto na ako ng makita ko ang nakasulat na 'Midnight Lounge'. Papasok na sana ako ng bigla akong pinigilan ng bouncer na pagkalaki-laki ng katawan. "Kuya, tinawagan po ako. May interview po ako." sabi ko sa kaniya pero hindi sya nagsalita, bagkus ay may kinuha syang walkie takie at nagsalita duon. "Dito." sabi nya sa akin. Ang laki ng boses nya. Nakakatakot. Pumunta sya sa likod ng club. I was hesitating at first pero may nakita akong mga babaeng nagtatrabaho din siguro sa club. Mga daring at suot. Yung iba at naka dress ng pagkaiksi-iksi at yung iba naman ay mga naka maikling shorts pero malalaman mo lang ito kapag nakatalikod sila sayo dahil ang kalahati ng katawan nila sa harap ay nakasuot ng apron. Kayang-kaya ko yun basta huwag lang akong sasayaw sa stage. Binuksan lang ng lalaki ang pinto at pinapasok na ako. Bago ako nakarating sa mismong opisina, nadaanan ko muna ang isang malaking dressing room na sa loob ay maraming iba't-ibang costume. Nang makarating ako sa opisina, nandun ang babaeng kausap ko sa phone. Sya rin yung babaeng pinasahan ko ng resume ko. "Welcome back, Ms. Brittany." sabi nya at nagsimula na ang interview na kinaiintay ko, "My first question to you is that, kaya mo bang gawin ang trabaho na ito. You're only 18 based on your resume. Kaya mo bang sikmurain ang trabaho sa club?" kinabahan ako bigla sa tanong nya na iyun pero kasi, sa tuwing naiisip ko ang mga gastusin sa bahay, nawawalan ako ng karapatang mag inarteng mamili ng trabaho. "Opo kaya ko po." "Good." at nagsimula na syang magtanong-tanong mga mga bagay-bagay katulad na lang ng 'tell me about yourself 'at kung bakit kailangan ko ang trabaho na ito. Sinagot ko naman sya ng walang halong kasinungalingan. Ang magiging sweldo mo dito ay ang mga tips ng mga customers. Sayo lahat ng tip na makukuha mo pero paalala ko lang sayo. Huwag na huwag mong ipapaalam sa iba mong kasamahan kung magkano ang nalikom mong tip. Mailap sa trabaho na ito. Kaya kong kontrolin ang mga nangyayari sa loob ng club ko, pero wala na akong magagawa kapag nasa labas na kayo ng shift nyo. Everything is posible kaya mag-iingat ka sa mga kasamahan mo." Sounds so dangerous pero matalino ako. I can handle things on my own hand. "Kapag natipuhan ka ng malalakas na customers, panalo ka. Ang range ng tip nila is around a ten thousand or more, and sayo lahat yun. Wala kang makakahati duon." ang tainga ko ay nahindik sa narinig. Hindi ako makapaniwala. But then, I realized, "Paano po kayo kikita sa akin kung lahat ng ibibigay nila, sa akin mapupunta." There must be a catch. There will always be. Napangiti ang babae, "Smart question. If they request for you, kailangan nilang magbayad sa akin. One hundred thousand, depende pa yun kung gaano ka kabenta sa kanila." Wait what? "Teka lang po! What do you mean mabenta?" napapatawa ako ng mahina. "Nagpasa po ako ng resume dito dahil ang nakasulat duon sa poster, need nyo ng staff." But then, thinking about it, they didn't say what kind of staff. Napasandal ako sa upuan at tila nabasa ng babae ang nasa isip ko, "Exactly. Now, will you take it or not?" tanong nya, Will I? Should I?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD