Chapter 10: At the club

1652 Words
Third Person's POV Habang nagpe-perform si Brittany sa harap ng stage, hindi nya maiwasang mapatingin kay Matt. Hindi kasi sya makapaniwala na ang lalaking nasa harapan nya ngayon ay magiging kaklase nya pala. May pagkakataon na napapaiwas sya ng tingin kay Matt at tila nakakaramdam ng kaba lalo na at napasama sya sa grupo nito. Brittany usually goes to his table every shift but this time, she tried the hardest not to. Matapos ang shift nya, kagaya nung mga nakaraan, pumupunta sya sa opisina ng boss nyang babae at binibigay sa kaniya ang mga nakuha nyang tip. Hindi na nya muna binilang ang pera na nasa kamay nya dahil mas pinili nya na umuwi na muna. Kakaiba kasi ang kaba na nararamdaman nya. Dati kasi, lagi syang satisfied sa performance nya pero ngayon, kaba lang ang nararamdaman nya. Kinakabahan sya na baka makilala sya ni Matt Woods. Baka dahil sa lalaking iyun ay kumalat ang pinaka-iingatan nyang sikreto kung sakaling makilala sya nito. Habang nasa kwarto sya, tinititigan nya lang ang nakasulat sa likod ng envelope na galing kay Matt. Napapahawak sya sa kaniyang ulo at tila mababaliw sa nabasa nya. "Wasn't satisfied with the performance. You didn't even try to approach my table while you had the time to go to others. Next time you do this, I won't even bother to give you a tip." Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib, isang panghihina na hindi niya maintindihan. Parang naririnig niya ang malamig at matalim na tono ni Matt sa bawat salita. Napakapit siya sa gilid ng kanyang kama, pinipilit na huwag madala ng mga salita ni Matt. Pero mas umibabaw ang katapangan ni Brittany, "Edi wag kang magbigay, anong akala mo sa akin? Kailangan ng pera mo?" umikot ang mata ni Brittany sabay nilagay ang mga tip sa loob ng envelope at ipinasok sa drawer ng side table nya. Sa pag-gising nya kinabukasan, tila nakalimutan na nya ang nakasulat sa envelope. Nagpatuloy ang araw ni Brittany at ng matapos nyang mag-ayos ay umalis na sya ng bahay. Pagdating nya ng university, napansin nya ang nagkukumpulang grupo ng babae sa isang bahagi ng parking area. Habang naglalakad si Brittany, pasimple syang tumingin sa mga ito at agad din syang napaiwas ng tingin ng mapansin sya ng isang babae. It was the group of Joannah, and they were doing something fishy... weeds perhaps pero hindi ito napansin ni Brittany dahil sa mabilis syang napaiwas ng tingin. but Joannah and her group didn't know that. Habang naglalakad si Brittany palayo sa kanila, hindi naman nawawala ang tingin ng grupo sa kaniya, "Sa tingin mo nakita nya yung ginagawa natin?" sabi ng isa sa mga alipores ni Joannah. Umiling naman ito, "Hindi ko alam, but we will find out." sabi nya bago patagong hinitit ang nirolyo nilang papel na may lamang weeds. Nang makapasok na si Brittany sa loob ng establisyimento, agad syang napahawak sa kwintas na suot nya dahil ang kaba sa puso nya ay hindi mawala-wala. "Bakit ko ba kasi kailangang tumingin pa dun?" sabi ng dalaga sa sarili. Napahinga si Brittany ng malalim bago tuluyang naglakad para pumasok ng kanilang classroom. Maaga pa at kaunti pa lamang ang mga estudyante sa loob. Isang oras at kalahati pa ang iintayin ni Brittany bago magsimula ang klase nila, kaya naman isinubsob muna nya ang kaniyang mukha sa lamesa. Habang nakadukdok ang mukha ni Brittany sa lamesa, hindi nya napapansin na unti-unti na pala syang nakakatulog. Dahil kasi sa trabaho nya sa club, late na syang nakatulog, bukod duon ay may mga oras na hindi agad sya nakakatulog dahil na rin sa mga iniisip nya. Kagaya na lang ng pag-aalala nya na baka makilala sya ni Matt, pati na rin ang pagtatanong sa sarili kung hanggang saan nya kayang itago ang dalawang pagkatao nya. Sa pagpasok nila Matt ng silid, malakas na tawanan ang pumaibabaw sa mga kasamahan nya na nag pagising kay Brittany, "So, totoo nga na hindi ka nilapitan ng natitipuhan mong dancer sa bar?" Narinig ni Brittany ang lahat ng iyon habang nakayuko pa rin ang ulo sa lamesa. Ramdam niya ang init na umaakyat sa kanyang mukha. Dancer sa bar... natitipuhan? Naghalo ang hiya at inis sa loob niya, ngunit hindi niya magawang itaas ang ulo o ipakita na narinig niya ang usapan. Pakiramdam niya, parang nasa gitna siya ng isang entablado kung saan lahat ng mata ay nakatuon sa kanya, kahit alam niyang wala pa naman talagang may alam sa kanyang lihim "Tsk!" Matt made the sound, "That's not a big deal," mayabang na sinabi ng binata bago nagpatuloy sa sasabihin, "Trust me! Maikakama ko din yung babaeng yun. Kagaya lang sya ng ibang babae... madaling makuha basta ginamitan ng tamang diskarte." Tumawa ang ilan sa mga kaibigan ni Matt, nagsisigawan at nag-aasaran pa, tila aliw na aliw sa kayabangan ng binata. "Besides, with all the money I have, I can get anything I desire... including her." dugtong pa nito. Nagulat si Brittany sa narinig, pilit na pinipigilan ang sariling mag-react. Pero sa kaloob-looban niya, parang may sumiklab na apoy. Ang bawat salita ni Matt ay tila matalim na kutsilyong tumatama sa kanyang pagkatao. "Hindi niya alam na ako ang tinutukoy niya", paulit-ulit niyang inaalala sa sarili, pero hindi nito napapawi ang sakit ng naririnig niya. Habang ang mga kaibigan ni Matt ay patuloy sa tawanan, si Matt naman ay nagpakita ng mapanuksong ngisi, halos proud pa sa sarili sa mga binitiwang salita. Sa sobrang hambog nito, wala syang pakialam sa kung sino ang tinatamaan ng kanyang kayabangan. Sa kabila ng lahat, mas pinili ni Brittany na kumalma at hindi magpatangay sa emosyon, "Hindi nila pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng malaman," aniya sa sarili, ngunit ang bawat salitang binitiwan ni Matt ay parang nagpapakulo sa kanyang dugo. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga, pilit pinapakalma ang sarili. "Kailangan kong manatiling invisible. Hindi ako pwedeng magpatalo sa ganito." Ngunit kahit na sinasabi niya iyon sa kanyang isipan, ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya, anumang saglit ay pwedeng sumabog ang lahat ng kanyang iniingatang lihim, lahat ng kanyang pagtatago. Pero hindi ngayon, hindi dito. Nagpatuloy si Matt sa pagbubunyi sa sarili, na para bang siya ang may kontrol sa bawat sitwasyon. Pero sa likod ng kanyang mga salita ay may halong pag-aalinlangan na hindi niya maamin sa sarili. "Bakit ba hindi ko maalis sa isipan ko ang babaeng iyon? Bakit ba kasi hindi niya ako pinansin sa club?" Patuloy ang tanong ni Matt sa kanyang isipan, ngunit hindi niya pinapakita sa iba. "Brittany," tawag ni Michelle, sabay tapik sa kanyang balikat, "okay ka lang?" Napabalikwas siya, agad na umangat ang ulo. "Ha? Oo, oo. Okay lang ako," mabilis niyang sagot, pilit na pinapawi ang tensyon sa kanyang boses. Ngunit ang mga mata niya ay pilit na umiiwas kay Matt, hindi magawang tignan ang direksyon ng binata. Napansin ito ni Michelle, ngunit hindi na ito nag-usisa pa. Nagpatuloy ang araw na tila walang nangyari, ngunit para kay Brittany, bawat minuto ay pakiramdam niya'y mas lumalapit siya sa pagkahulog ng maskara na matagal na niyang isinusuot. "Sus! Ang sabihin mo, nakahanap ka na ng katapat mo." Habang nagpapatuloy ang usapan sa silid, mas lalong nagiging dominante ang presensya ni Matt. Tumayo siya mula sa kanyang upuan, walang pakialam sa ingay ng paligid, "Hindi niyo kasi gets," sabi niya, naglalakad patungo sa harap ng mga kaibigan. "Pag gusto ko ang isang babae, hindi ko kailangan mag effort. Sila na mismo ang lumalapit, parang magnet ba. It's always been that way." Ngisi ang lumitaw sa kanyang labi, habang nag-ikot siya ng tingin sa mga tao sa paligid niya, tinatamasa ang atensyon na nakukuha niya. "Kaya nga ‘yang dancer na 'yun? Barya lang sya sa akin. Dadaan lang 'yan, tapos tapos na. Masyado lang siguro siyang nagpapakipot ngayon, pero trust me, sa huli, lalapit din 'yan." Napatango-tango ang ilan sa kanyang mga kaibigan, habang ang iba ay natatawa sa pagiging sobrang bilib ni Matt sa sarili. Pero hindi iyon sapat para sa kanya. Gusto niyang maramdaman na siya ang sentro ng lahat, na lahat ng mata ay nasa kanya, lahat ng tao ay sumasang-ayon sa kanyang sinasabi. "Alam niyo," sabi niya, medyo yumuko pa para kunwari'y ibubulong sa grupo, pero sapat ang lakas para marinig ng buong klase, "hindi ko nga maintindihan kung bakit may mga babae pa rin na nagdadalawang-isip. Like, come on. Look at me." Tumayo siya ng tuwid, itinaas ang kanyang mga braso, parang ipinapakita ang sarili na parang isang tropeo. "Ano bang hahanapin mo pa? I've got the looks, the money, the charm. Lahat na." Nagpatuloy siya sa pagsasalita, hindi alintana kung sino ang makakarinig. "At kung hindi nila makita 'yun? Well, that’s their loss. Ako? I get what I want. Laging ganun." Hinaplos niya ang kanyang buhok, na parang inaayos kahit na perpekto na ito. "Ang babae? Madali lang 'yan. It's all about control. Kapag alam mong hawak mo ang sitwasyon, sila na mismo ang maghahanap sa'yo." Muli siyang ngumiti, masyadong tiwala sa kanyang sariling mundo. "Sabi nga nila, money talks, and baby, I’ve got all the time to spend. So, kung ayaw niya ngayon, e ‘di hintayin natin. Hindi naman ako natatalo. Hindi ako sanay na matalo." Tumalikod siya, naglakad pabalik sa kanyang upuan, pero bago pa siya makaupo, huminto siya at muling binalingan ang mga kaibigan. "At saka, let’s be real. Walang babae ang hindi ko kayang paikutin. Lahat ng babae? Pare-pareho lang. They all fall eventually. Sa akin? Madali lang 'yan." Sa gitna ng pagyayabang niya, hindi napansin ni Matt ang bigat ng mga matang nakatuon sa kanya. Ang iba ay napapailing, ang ilan ay tahimik na nagmamasid, at si Brittany, sa kabila ng lahat ng galit at inis na nararamdaman, ay pilit na pinipigilan ang sarili na sumabog. "Ngayong alam ko na ang laro mo, I'll make sure na ikaw ang mahuhulog at hindi ako." ani ni Brittany sa kaniyang sarili
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD