Chapter 11: Library

1508 Words
Brittany Harries POV Matapos ang klase, inaya ako ni Michelle na gumala sa mall, "Tara, sama ka." sabi nya sa akin na agad ko rin naman sanang sasang-ayunan, pero ng biglang sumulpot si Matt kasama ang ilan sa mga kaibigan niyang laging nakabuntot sa kanya, biglang nagbago ang isip ko, "Hindi ako pwede e." sabi ko sa kaniya then she pouted her lips, showing me that she's disagreeing with my decision. “Hala, bakit?” sabi niya, sabay pout na alam kong sinasadya para mapilit ako. “Next time na lang siguro,” sabi ko, pinipilit kong huwag mapatingin sa mga mapanuksong mata ni Matt na alam kong nakatingin sa akin ngayon. “Brittany, sumama ka na!” pagpupumilit ni Michelle, at nakita ko ang kamay ni Matt na dumantay sa balikat ni Michelle. “Hayaan mo na, Michelle,” sabi ni Matt, nakangiti habang nakatingin sa akin. “She must be busy.” May kung anong tono sa boses niya na nakakapagpainit ng dugo ko, parang iniinsulto ako, o pinapahiwatig na alam niyang siya ang dahilan ng pag-iwas ko. AHHH! Nakakainis talaga sya. Sa isip ko, gusto ko syang sakalin tapos sabunutan, tapos... "Brit, okay ka lang?" biglang natigil ang kung anong nasa-utak ko ng muli kong narinig ang boses ni Michelle. Hindi ko napansin na naniningkit na pala ang mga mata ko habang nakatingin sa mata ng mayabang na Matt na 'yun. "Ahh oo." sabi ko sabay kusot ng mata ko, kunwari ay napuwing, "Ang sakit, parang may pumasok sa mata ko." hindi ko na inantay pa ang reaksyon ni Michelle at naglakad na agad ako palayo, "Next time na lang. Promise." sabi ko kahit na papalayo na ako sa kaniya, "Is she okay?" sabi pa ni Michelle sa iba nyang mga kasama pero hindi ko na iyun pinansin. Nakakahiya, parang gusto ko na lang magpakain sa lion. Imbis na lumabas, mas naisipan ko na lang na pumunta muna ng library, hindi pa kasi ako nakakapasok duon, and knowing myself, I love quiet places where I could study, and sometimes read na rin. Sinundan ko ang mga palatandaan na nagtuturo papunta sa library, at habang papalapit ako, hindi ko maiwasang mamangha. Sa bungad pa lang ng pintuan, ramdam ko na ang lawak ng espasyo sa loob. Excited akong makapasok, kaya dumiretso na ako sa turnstile kung saan kailangan kong i-tap ang ID ko para makapasok. Pero biglang nabawi ang saya na nararamdaman ko nang maalala ko ang isang mahalagang detalye, wala pa pala akong ID. Sabi kasi ng registrar, next week pa daw makukuha yung ID ko. Napangiwi ako sa inis at kasama na rin duon ang pagka dismaya, pakiramdam ko bigla akong tinanggalan ng access sa isang kayamanang abot-kamay na sana. Gustong-gusto ko nang makapasok at i-explore ang library, pero mukhang kailangan kong maghintay pa ng isang linggo. Napabuntong-hininga ako at tumalikod na, handa nang umalis kahit pa ang bigat sa loob ko dahil sa pagkadismaya. Bago pa man ako makalakad palayo, biglang tumunog ang turnstile, hudyat na may papasok. Napalingon ako at nakita kong si Ethan ang pumapasok sa library. Parang automatic ang pag-angat ng kilay ko sa gulat. Hindi ko akalaing siya ang makikita ko dito. Hindi ko rin alam kung bakit bigla kong naramdaman ang pag-asa na baka matulungan niya akong makapasok. "Ethan!" mahina kong tawag, halos pabulong dahil hindi ko alam kung okay lang ba siyang lapitan. Pero hindi siya lumingon. Parang hindi niya ako narinig, kaya tinawag ko siya muli, ngayon mas malakas na ang boses ko, "Ethan!" Nakita kong bahagya syang napalingon, isang mabilis at maliit na sulyap sa akin mula sa gilid ng kanyang mata. Sandali kong nakita ang ekspresyon sa mukha niya, parang nainis o kaya naman ay walang interes. Pero hindi siya tuluyang lumingon o lumapit sa akin, sa halip, itinuloy lang niya ang paglakad papasok sa library na parang wala lang. Napakunot ang noo ko. Ano ba? Narinig niya naman ako, di ba? Medyo nahiya ako sa sarili ko, pero hindi rin maalis ang inis. Obviously, he's no help kaya mas pinili ko na lang na tumalikod. Makukuha ko rin naman yung ID ko next week, duon ko na lang e-enjoy-in ang library. Bubuksan ko na sana ang pinto ng muling tumunog ang turnstile at sa paglingon ko, Ethan had tapped his ID but turned around as quickly as he tapped it. Ibig bang sabihin nito na makakapasok na ako sa loob? It won't hurt me to try tho, kaya naman nilapitan ko ang turnstile at sinubukang dumaan dito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tumutuntong sa loob ng library. He really did it for me. Ethan had tapped his Id so just I could get in. Sino bang mag-aakala na tutulungan niya ako? Hindi ko na naisip na kaya pala niyang maging considerate, kahit na parang wala siyang pakialam kanina. Sumilip ako sa loob at halos mapanganga ako sa ganda ng library. Ang tahimik, malawak, at punong-puno ng mga libro. Halos mapalundag ako sa tuwa, pero naalala kong nasa library ako kaya sobrang pigil na pigil ang saya ko. Hinagilap agad ng mata ko si Ethan. Kung wala siya, baka mapatapon ako pabalik sa labas kung makita ng librarian na wala akong ID. Buti na lang at narinig ko ang ibang estudyante na nagbubulungan at saktong nabanggit nila si Ethan, "OMG, nandito na sya. Nakakasipag talagang pumunta ng library kung maganda palagi ang view." sabi ng mga ito habang kinikilig. Sinundan ko lang ng tingin ang direksyon ng tinitignan nila. Thanks to them at natagpuan ko na si Ethan. Ang laki naman kasi ng library na ito. Grabe, para akong nasa museum ng mga libro. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya. “Ethan! Thank you talaga ha, grabe, ang bait mo!” bulong ko habang ngumingiti. Hindi man lang sya tumingin sa akin. Para bang hindi nya ako naririnig pero okay lang sa akin dahil tinulungan nya ako. Ibinaba lang nya ang bag na dala nya at agad ding naglakad palayo ng lamesa. Sumunod lang ako sa kanya, na para bang siya ang tour guide ko sa library. “Ang ganda dito no?” sabi ko sa kaniya at hindi nya ako sinagot pero hindi iyun nagpatigil sa akin para huminto sa pagsasalita. “Ang laki ng library. Yung library kasi namin sa dati kong school, maliit lang—” Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko, bigla siyang humarap sa akin. Ang mga mata niya’y diretso nakatingin sa akin, walang bahid ng reaksyon, pero may kung anong seryosong ekspresyon na nagpatigil sa akin. Napatigil ako sa pagsasalita, at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Para bang hinuhubaran ako ng tingin niya, pero walang kahit anong emosyon sa mga mata niya. Walang inis, walang saya. Blanko lang talaga. Habang nakatitig ako sa kanya, napansin ko ang unti-unting paglapit niya. Parang bumagal ang mundo sa paligid namin, at natagpuan ko ang sarili kong napapikit nang mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko, pero may kung anong kaba at kilig na bumalot sa akin. Naramdaman ko ang hininga niya na dahan-dahang lumalapit sa mukha ko, mainit at halos lumalapit na sa mismong balat ko. Agad akong napahawak sa kwintas ko, kumukuha ng lakas mula rito. Bahagya akong napalunok, at ang bawat segundo ay tila mas tumatagal. Ano ba kasing ginagawa niya? Pero ilang segundo lang ang lumipas nang bigla kong marinig ang malamig at niyang boses, na sumira sa lahat ng iniisip ko. "Tabi." Hindi ko pa lubusang nagagap ang sinabi niya nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa balikat ko, mabilis at walang ingat na itinulak ako sa gilid. Agad kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko na nasa kabilang side na ako ng shelf, at si Ethan naman ay may kinuhang libro sa kanina kong kinatatayuan bago tuluyang umalis. Napapikit ako ng saglit at naglingon-lingon, sinisiguradong walang nakakita sa nangyari. Nakakahiya! Sobra! Nakakainis! Buti na lang at walang tao sa paligid ng mag delulu ako. Akala ko pa naman kung bakit sya humarap sa akin, ayun pala ay nakaharang ako. Pasimple na lang akong kumuha ng libro kahit na hindi naman ako mahilig magbasa ng mga ganitong klaseng libro. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga encyclopedia e, lalo na itong ganito kakapal. Hindi ko na nagawang ibalik ang libro dahil sinundan ko na agad si Ethan sa lamesa nya. Uupo na rin sana ako ng bigla akong nahiya kaya pumuwesto na lang ako sa kabilang lamesa na nakaharap sa kaniya. Binuksan ko ang libro at kunwari'y nagbabasa pero ang totoo ay sinusulyap-sulyapan ko sya. Sobra kasing nakakahiya yung ginawa ko kanina at sinisigurado ko lang na hindi nya ako pinagtatawanan. Pero habang pasimple akong sumusulyap sa kaniya, sa muli kong paglingon, wala na sya sa kinauupuan nya, pero nanduon pa rin sa lamesa nya ang librong binabasa nya pati na rin ang nilapag nyang bag. Napalingon tuloy ako sa paligid para hanapin sya pero sa pagbaling ko sa likuran ko, nakita ko sya na nakatayo at nakatingin sa akin. "Are you stalking me?" pambibintang nya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD